16

5.9K 136 4
                                    

Lunes na nung pumasok ulit ako bumawi ako sa mga anak ko nagu-guilty kasi ako na naisip ko silang ibigay nalang sa Daddy nila ng ganun-ganon lang ako ang naghahatid-sundo sa kanila sa eskwelahan, tumutulong din ako kay nanay. Binilhan ko na din ang kambal ng mga gusto nila si Kate ay binilhan ko ng bagong damit at mga pangipit sa buhok, si Klave naman ay laruan at bagong damit. Si Ciro ay walang hiningi pero binilhan ko pa rin ng bagong damit at libro tuwang-tuwa naman sya sa libro. Bahala na kung di muna ako makapagbayad makita ko lang silang masaya sobra ng kaligayahan ang hatid nun sa akin.

Ito na nga kinatatakutan ko ewan ko kung may trabaho pa nang naghihintay sa akin. Napahinga nalang ako ng malalim nung nasa tapat na ako ng gate ng resort. Si Mang Lino ulit ang guard.

"Lena parang mas gumanda ka ata ah ilang araw kalang nawala" Nakangiting sabi nito na akin.

"Nambola nanaman po kayo" Iiling iling na sagot ko.

"Totoo yun. Teka may nangyari ba? Bakit ngayon ka lang nakapasok. Kamusta yung mga inaanak ko? " Nagaalala nitong tanong. Alam kasi nya na pahinaabsent ako ay may nangyari sa kambal.

"Wala naman nangyari Mang Lino. Wag kayong magalala okay lang sila. Sige po pasok na ako" Agad na paalam ko para di na sya magtanong pa.

Agad kong hinanap si Sir Rob nang makita ko sya ay agad nya akong nilapitan. Napalunok ako kita ko ang pagkairita sa mukha nito.

"Pumunta ka sa office ni Sir Monteverde. Bilis! Ilang araw na mainit ulo nun. Bakit ka ba kasi nagabsent ng walang paalam? Hayy nako Lena" Gigil na sabi nito habang ako ay nakayuko lang. "Bilis na punta ka na doon! "Sigaw nito.

"O-opo" Sabi ko at dali daling naglakad papunta sa office ni Kanvin.

Nang nasa tapat na ako ay nagririgudon na ang puso ko sa kaba. Huminga muna ako ng malalim saka marahang kumatok.

"Come in" Rinig kong sabi nito. Pumasok ka ako nakita ko syang nakayuko at may pinipermahan nakita ko din si Kathlaine sa sofa natutulog siguro dahil wala itong yaya kaya sinama nalang. Ni di man lang ako tinapunan ng tingin.

"Ahh.. Sir pinapatawag nyo daw po ako" Kinakabahang sabi ko. Baka tanggalin ako eh ang hirap pa namang maghanap ng trabaho. Doon na sya nag angat ng tingin mukhang nagulat pa ito. Sinandal ito sa swivel chair nya saka ako matamaang tinignan. Napayuko naman ako di ko kayang tapatan ang mga tingin nya.

Kahit nakayuko ay ramdam ko pa din ang titig nito sa akin. Kinagatkagat ko na labi ko naiilang at kinakabahan na ako.

"So you're back" Nagsalita na ito. Doon na ako nagangat ng tingin pero ang mga mata ko ay nasa mesa nya.

"Sorry Sir may emergency lang po" mahinang sabi ko.

"Have a sit Heleina" Sabi nito sabay turo ng upuan na nasa tapat nya. Nang makaupo ay saka na ako nagsalita

"Lena nalang po Sir" Naiilang at di na din ako sanay sa Heleina.

"Okay. Heleina I have a proposal to make" Seryosong sabi nito sabay lean at itinuloy ang dalawang kamay sa may mesa nya. "Be Kathlaine's yaya and you'll get fifty thousand a month for your salary and aside from that you'll have ten thousand every week as your allowance" Dirediretso nitong sabi. Naikinatanga ko. Ang laking pera nun kung sakali sa limang buwan lang mababayaran na namin utang namin.

"Sir paano po pagbumalik kayo sa Manila" Tanong ko.

"Of course you'll come with us" Balewalang sabi nito.

"Hindi na po Sir. Hindi ko po matatanggap yung alok nyo. Sa iba nalang po" Sabi ko sabay tayo. Maglalakad palang ako ng magsalita sya ulit.

"Wait. Just to inform you that we'll have Ciro to come with us when we go back to Manila" Sabi nito naikinalingon ko ulit sa kanya.

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon