15

6.1K 138 5
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ng kambal.

"Nanay!Kuya!" Sabay nilang sigaw at niyakap kami, niyakap ko din sila. "Nanay waya daw taming pasok" Masang kwento ni Kate. Napatingin naman ako kila nanay. Base sa tingin nito saakin ay alam kong nadahilan lang sya.

"Nako Totoy apo diyos ko saan ka ba galing? "Mangiyak ngiyak na sabi ni Nanay habang yakap si Ciro. Si Tatay, Ling at Andy nasa likod lang ni Nanay at parang nakahinga na ang mga ito ng maluwag.

"Totoy huh wag mo ng uulitin yun pinakaba mo kami" Sermon naman ni Tatay at niyakap din si Ciro.

"Sorry po lola, lolo, Tito Pogi, Tito Ganda at Nanay" Nakayukong paumanhin nito.

"Ano ka ba okay lang yun basta wag mo ng uulitin yun" Nakangiting sabi ni Ling sabay gulo ng buhok ni Ciro.

"Oo nga naman kung may problema ka takbo ka lang sa akin maginuman tayo" Sabi naman ni Andy. Binatukan naman sya ni Ling kaya napasimangot ito. Napatawa naman kaming lahat pati si Ciro ay nakitawa na din.

"Nga pala may dala kami. Tara pagsaluhan natin" Sabi ko at sabay sabay kaming pumasok sa loob.

"Wow ate ang dami naman nito. Saan galing to? " Manghang sabi ni Andy ng ilabas ko na ang pagkain.

"Huh? Ahh.. ehh.. Doon sa resort pinadala sa akin" Di makatingin na sabi ko.

"Uyy cake! " Tuwang tuwang sabi ni Klave.

"Wow ishpahiti! " Nagnining ang mata na sabi ni Kate habang panay ang ayos sa buhok nito na kumakalat sa kanyang mukha. Iniwan ko nalang kay Ling ang paghahanda ng mga pagkain.

"Halika nga dito Kate talian kita ang dungis mo tignan" Sabi ko.

"Ayaw" Nalabi nitong sabi habang ang mata ay nasa pagkain pa din.

"At bakit? " Tanong ko dito.

"Kati naman po nitututso ato na omboy daw po ato pagtali buhot to" Nakalabi pa din na pagkwekwento nito. "Nanay gutto ko din po dyet iyong may buyakyak din po" Nangungusap na sabi nito.

Natigilan ako sa sinabi nya. Pilit na ngiti nalang ang tinugon ka sa kanya. "Oo baby bibilhan ka ni Nanay ng dress sa sweldo basta ba magpakabait ka. Halika suklayan nalang kita" Sabi ko sa kanya. Masaya naman itong ngumiti.

"Tabi mo yan nanay ah" Masaya nitong sabi. Sinuklayan ko na buhok nya at umikot nalang ang iilan sa tenga nya.

"Punta ka na don handa na ata pagkain" Sabi ko matapos ko syang suklayan. Masayang nagtatakbo ito palapit sa mga kuya nya. Agad syang binuhay ni Ciro paupo.

"Nanay tara na! " Yaya ni Klave.

"Sige kayo muna" Nakangiting sabi ko. Tinitignan mo lang sila na masayang kumakain. Napangiti ako ng sinubuan na ni Ciro si Kate nung makitang nahihirapan na itong kumain dahil na din sa buhok nitong sagabal at di pa talaga nito kayang magsarili. Inayos nya ang buhok ni Kate saka ito sinubuan, salitan sila sa pagsubo. Di ko namalayang lumapit na si nanay saakin.

"Ang saya nila tignan" Nakangiting sabi ni Nanay. Nilingon ko sya saglit at bumalik ulit sa tatlong bata.

"Ang sarap nilang pagmasdan. Ang bilis nilang lumaki nakakatakot. Parang kailan lang nung si Ciro palang ang baby ko ngayon ay marunong na itong maalaga ng mga kapatid nya" Nakangiti habang nanggigilid ang mga luha ko. Naalala ko nanaman ang mga pinagdaanan namin ni Ciro. Ayokong mawala sila sa tabi ko pero alam kong may giginhawa sila kung nasa puder sila ng daddy nila.

"Anak alam kong may problema ka. Kung di ka pa handang sabihin iyon a 8th okay lang. Basta ba lagi mong tatadaan nandito lang kami para sayo" Nakikisimpatya na sabi nito sabay ang matabang halos sa balikat ko. Doon na ako napaiyak.

"Nay nandito di Kanvin at kinukuha nya sakin si Ciro. Masakit man na mawalay sya sakin pero tama sya. Kayang ibigay ni Kanvin ang mga di ko kayang ibigay" Umiiyak kong sabi habang nakayakap kay nanay.

"Doon ka ba galing kanina? Sakanya din ba galing yang mga pagkain" Tanong ni Nanay habang hinihimas ang buhok ko. Tanging tango lang ang tinugon ko.

"Nay paano pag nalaman nyang may anak pa sya sakin? Tapos kunin sya din sila Kate at Kalev. Si Ciro nga ay hirap na hirap na akong pakawalan paano pa kaya kung silang tatlo na mag mawala sa akin. Nababaliw ako nanay." Mas lalong lumakas yung iyak ko.

"Shhh. Mahal na mahal na ng mga anak mo hindi din sila papayag na iwan ka nila. Kausapin mo si Kanvin sabihin mong wag ilayo sayo yung mga bata, siguro naman ay papayag sya don" Mahinahong sabi ni Nanay. "Tahan na baka makita ka pa ng mga anak mo" Sabi nito. Agad ko namang pinunasan ang luha ko. "Maligo ka na ako na ang bahala sa mga bata" Sabi ni nanay habang tinutulungan akong punasan ang mukha ko. Tumango lang ako saka nagpatiuna na sa kwarto para kumuha ng tuwalya at ng susuotin ko.

Pagkalabas ko sa cr ay nandoon si Ciro sa labas nagaantay. "Anak" Gulat kong sabi. Agad nya akong niyakap.

"Nay please wag mo akong ibigay sakanya. Magpapakabait po ako. Wala po akong hihingiin na kahit ano. Wala po akong pakialam kung kaya nya pong bilhin lahat ng gusto ko. Mas importante po kayo nila Kate at Kalev. Nay please po ayaw ko pong sumama sa kanya" Nagmamakaawang sabi nito habang nakasubsob sa tiyan ko. Lumuhod ako para mapantayan sya.

"Pangako anak. Pangako anak di na ko nagiisip na ibigay kayo sa kanya. I'm sorry, i'm so sorry kung inisip yun ni Nanay" Sabi ko sa kanya. Pinunasan ni Ciro ang luha ko na di ko na malayang tumutulo na.

"Okay lang po nay. Alam ko naman namang lahat ngdesisyon nyo ay para sa amin. Pero Nay mas gugustuhin po namin sa inyo na kahit ganto lang po buhay natin." Sinserong sabi ni Ciro na ikinanganga ko. Minsan nahihiwagan ako kung saan nya napupulot yung mga sinasabi nya. Yung utak at mga sinasabi nya hindi pang eight years old eh.

Pinunasan ko ang luha nya at saka sya hinalikan sa pisnge at niyakap ng mahigpit.

"I love you Nanay" Malambing na sabi nya at niyakap din ako.

"Mahal na mahal din kita baby" Nakangiting sabi ko. Wala na akong mahihiling pa sila lang sapat na.

•••

Itutuloy...

Edited 12/23/2020

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon