3

6.7K 156 4
                                    

Nagdaan nanaman ang linggo at di nanaman umuwi si Kanvin. Sanay na ako parang mas mabuti nga iyon at tahimik dito sa bahay. Yun din yung laging sinasabi ng anak ko na sana di na umuwi si Kanvin minsan ay napapabuntong hininga nalang ako at napapaisip kung tama ba itong desisyon ko na manatili sa puder ni Kanvin na parang wala din naman minsan lang din namang makita ng anak ko.

Alas-nuwebe na at tapos ko na lahat ng gawaing bahay ako lang ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay wala kasi kaming kasambahay dahil na rin sa kagustuhan ni Kanvin para may pakinabang naman daw ako. Hinihintay ko nalang na dumating si Ciro galing sa paaralan. Ako minsan ang naghahatid sa kanya sa school pag nagrerequest ito lalo na pag wala si Kavin pero paguwian at sumasabay nalang sya sa yaya ng kaklase nya na dalawang bahay lang ang layo sa amin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto siguro ay si Ciro na yan di ko na ito nilingon dahil sa busy ako kakahilot ng leeg ko. Naramdaman ko siyang nasa likod ko, napangiti ako siguro ay gugulatin nanaman ako nito.

"Baby kung ano man yang binabalak mo wag mo ng ituloy alam ko na yan" Nakangiting sabi ko habang nakapikit pa din, di ito nagsalita ngunit ramdam ko pa ding nasa likod ko pa din siya "Baby pahilot nga ulit ng batok ko masakit nanaman eh" sabi ko, di nanaman ito sumagot, naramdaman ko nalang ang kamay niya sa may batok ko. Nangunot ang noo ko, bakit parang lumaki at bumigat ang kamay niya? Hinawakan ko ito, lumaki nga agad akong napadilat at lumingon sa likod at nakita ko ang blangkong mukha ni Kanvin.

Sa gulat ko ay napatayo ako. Napangisi si Kanvin sa reaksyon ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako tingin niya at nanliit din naka T-shirt niya at short na maong lang kasi ako. Wala pa akong bra. Napaakap nalang ako sa dibdib ko.

"Acting like a virgin. Seriously? " Nakangisi nyang sabi saka inilang hakhang niya lang ako saka marahas na hinalikan. Mga halik na parang sabik na sabik at matagal ng di nakakatikim nito. Akmang huhubarin na niya sana ang damit ko nang...

"Nay!" Sigaw ng anak ko sabay bukas ng pinto at tumakbo palapit sa akin, napalingon ako sa anak ko at napaatras naman si Kanvin, ng makalapit si Ciro at agad na niyakap ako nito yumuko naman ako at agad niya akong pinaulanan ng halik. Napatawa nalang ako sakanya.

"Mr. Kalev Ciro Monteverde sabihin mo nga sakin ano nanamang kailangan mo?O baka naman may ginawa ka nanamang kalokohan?" nakataas kilay Kong tanong sakanya, naglalambing nanaman eh siguro ay may kailangan nanaman.

"Nakakasakit na kayo ng feeling nanay" nakasimangot nitong sabi at parang nagtatampo. Napatawa naman ako.

"Asus! Nagdrama nanaman si bulinggit" sabi ko sabay pisil ng pisnge niya.

"Ayy oo nga pala Nay pikit po muna kayo may surprise po ako" nakangiting sabi nito.

"Sige nga ano yun? Siguraduhin mong di yan kalokohan" sabi ko dito na agad niya namang iniling-ilingan, pumikit na ako at di nagtagal ay nagsalita siya.

"Dilat na po" dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si Ciro na nakangiti habang may hawak na fudge bar at may kandila sa gitna "Happy birthday Nanay!" masaya niyang sigaw na ikinagulat ko naman birthday? birthday ko? Anong petsa na ba ngayon? "Wag nyo pong sabihin nakalimutan niyo nanaman? " Nakangiwi nitong sabi, napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Hehehe~peace anak" nahihiyang sabi ko sabay peace sign.

Napabuntong hininga nalang siya "Ano pa nga ba? Nay blow na po kayo nangangalay na po ako" reklamo niya, napatawa nalang ako sabay blow ng candle, akmang susubuan na ako ni Ciro ng Fudge bar.

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon