7

6.5K 158 5
                                    

After 4 years

"Lena! Tara na kainan na!" Sigaw ni Ana ang naging matalik kong kaibigan dito sa resort. Pareho kaming janitress dito, pinsan sya ni Isabelle. Nung nalaman kong nabuntis ni Kanvin si Sheena nung gabi din niyon ay napagdisesyonan kong umalis sa puder nya. Di na nga nya matanggap si Ciro, paano pa kaya kung may anak ito sa ibang babae? Ayokong umabot sa puntong magtanong ang bata kung bakit mas mahal nito ang anak sa ibang babae, habang siya ay di man lang mapagtuunan ng pansin. Mabuti nalang at nakita namin sya nung gabing yun at tinulungan nya kaming magpakalayo-layo, sya ang nagsabi saakin na may bahay sila sa Samar sabi nya doon na daw muna kami. Pinuntahan ko muna ang pamilya ko sa Cavite at nagdesisyong dito na sa Samar magbagong buhay. Sa awa ng diyos ay maayos na ang pamumuhay namin dito kahit salat man minsan ay nairaraos din naman. Rumaraket-raket ang dalawa kong kapatid bilang local tour guide sa weekend ay sumasama si Ciro sa kanila. Nakikita ko namang nagi-enjoy sya kaya pinabayaan ko nalang. Sabi naman nila Ling at Andy ang dami daw na natutuwa kay Ciro kaya lumalaki tip nila. 8 years old na si Ciro grade four na sya ngayon dahil accelerated sya sabi ng mga naging teacher nya masyado ng advance ang mga alam nya para sa edad nya. "Lena bilis na mauubusan ka na!" Muling sigaw ni Ana.

"Oo andyan na" Ipininid ko na ang mop na hawak ko saka naglakad palapit sa kanila. Mas kilala akong Lena dito walang may alam sa tunay kong pangalan kundi ang pamilya ko lang.

"Ikaw talagang bata ka ang sipag-sipag mo" nakangiting sabi ni Mang Karding matalagal na syang naninilbihan dito bago palang 'tong resort na to nandito na sya."O" sabi nya sabay abot ng plato sya ang naging tatay-tatayan namin dito. Lahat kami dito ay parang pamilya na.

"Nako!Nandito nanaman ang mga makukulit. Ang galing-galing talagang tumayming" Sabi ni Ando sabay tago sa likod ni Tony. Napailing nalang ako. Alam ko na kung sino tinutukoy nya.

"Nanay!!" Dalawang matitinis ang tinig ang narinig ko sa aking likuran at palingon palang ako nang naramdaman ko ang dalawang pares na kamay ang nakapulupot sa bewang ko.

"Sino naghatid sa inyo dito?" sabi ko matapos halikan ang noo nila.

"Ti Lolo tatay po" Bulol na sagot ni Kate Cara Monteverde na syang kamukhang-kamukha ko ang mga abo lang na mga mata ang nakuha nya sa ama nya. Tatlong taong gulang palang ito di pa nya mabigkas ng maayos ang S at R.

"Nanay!Nanay! Pwede po ba akong sumama kay Kuya Ciro please please" Maingay na sabi ni Klave Ciro Monteverde na kung ano ang mukha ni Ciro nung kasing edad nya palang ito ay ganon din ang mukha nito in short kamukhang kamukha din sya ng tatay nya. Ang pinagkaibahan lang ay nung kasing edad sya ni Ciro ay tahimik lang iyon at may pagkamasungit pero sobrang lambing at makulit pag ako ang kasama. Si Klave naman ay sobrang kulit at sobrang ingay pero sobra din naman ang lambing. Kambal sila pero di tulad ni Kate ay nakakapagsalita na ito mg diretso. Magtatatlong linggo nung umalis kami sa puder ni Kanvin nung nalaman kong buntis ako sa dalawa kahit may pangamba akong naramdaman kasi di ko alam kung paano ko sila bubuhayin buti nalang at nandyan ang pamilya ko at si Ana sila ang tumulong sa akin. Kahit na buntis ay nagtrabaho parin ako si Ana ang nagpasok sa akin ditl kahit na nagaalangan sya dahil sa kalagayan ko, nung magpitong buwan na ang tiyan ko ay doon lang ako tumigil, sobrang laki na kasi nun ng tiyan ko di na ako makakilos ng maayos. Nagulat nalang ako kambal pala anak ko. Si Klave ang mas matanda sa kanila ng tatlong minuto. Napalingon naman ako kay Kate ng sumigaw din ito.

"Ako din! Ako din nanay! Pletty pleate,pleate" sigunda ni Kate at sinimulan na nilang magingay.

"Teka babies---" naputol ang sasabihin ko ng sumugaw nanaman ang dalawa.

"Hindi na kami baby!" Sigaw nanaman nila. Natawa nalang ako pati ang iba kong kasamahan.

"Okay,okay. Pero hindi kayo pwedeng sumama kay kuya bawal pa kayo doon. Four palang kayo pag eight na kayo parehas kay Kuya pwede na. Hmmm.Okay ba yun?" Malambing konv paliwanag, nakasimangot naman silang tumango. Sabay upo sa tabi. "Hmmm.Nagtatampo ang mga bulilit" sabi ko sabay kiliti sa kanila.

"Hahaha!Nanay tama na hahaha hindi na po hindi na po" sabay nilang sabi habang natatawa.

"Oh sya tama na yan Lena pakainin mo na mga anak mo. Ito cake na kuha ko doon" Sabat naman ni Nana Marta ang asawa ni Mang Karding sa kusina ito nakabase. Kaya pag may tira pa doon o di kaya ay malapit ng mapanis ay ipinapauwi ito saakin. Iniit ko nalang sa bahay laking kaluwagan na nun sa amin.

"Wow Lola Ganda. Taamin po iyan?" Nagniningning ang mata na sabi ng dalawa,ewan ko ba sa dalawang iyan kung nagpra- practice laging sabay magsalita eh.

"Oo naman. Pero ubusin nyo muna pagkain nyo" natatawang sagot nito.

"Nana ako din gusto ko din nyan" parang batang sabi ni Ando at nakalabi pa. Ulila na si Ando at si Nana Marta at Mang Karding ang kumupkop sakanya dose anyos palang sya gwapo si Ando, maputi ,matangkad din ito andaming nagkakandarapa sa kanya. Siguro ay dahil may lahi itong Espanyol. Balita ko ay purong ang ama nya iniwan ang ina nya nung malamang buntis ito.

"Hey Mitel (Mister) amin na to bigay na to ni Lola Ganda ta amin" Protesta ni Kate sa sinabi ni Ando at inakap pa ang cake nya.

"Tama" Sigunda naman ni Klave at ginaya ang kakambal.

"Hoy mga KC ako ang anak ni Nana kaya akin dapat yan" Parang batang sagot ni Ando at inirapan pa ang dalawa. Napatawa nalang ako at kumain nalang ulit riot nanaman to.

"Pelo mat mahal nya kami. Diba po Lola Ganda" Pacute na sabi ni Kate at niyakap pa si Nana. Na lalong ikinasimangot ni Ando.

"Hoy----" magsasalita pa sana si Ando nung sumabat na si Nana.

"Tumigil ka na Ando. Kumain ka na dyan madami pa tayong gagawin" Kunwaring seryosong sabi ni Nana pinandilagan pa si Ando.

"Di nyo na talaga ako minahal simula nung dumating yang dalawang bubwit na yan" padabog na sabi ni Ando at kumain na tawa lang ang sinagot ni Nana.

"Hahaha. Bleh" Natatawang sabi ng dalawa at dinilaan pa si Ando na lalong ikinatawa naming lahat.

Hindi ako nagsisisi na umalis kami sa puder ni Kanvin, kahit na mahirap ang buhay ay masaya naman. Mas dumami ang nagmamahal sa kanila hindi tulad noon na kami lang talaga ni Ciro. At nakikita kong anlaki na ng pinagbago ni Ciro alam kong masaya na sya sa naging disesyon ko. At kung maghanap man ang kambal ng ama ay unti-unti kong ipapaintindi sa kanila ang sitwasyon alam ko naman na hindi na sila hahanapin pa ng ama masaya na ito sa bago nyang pamilya. Ayokong umasa lang sila sa wala.

---/-/-//---------------//-----------//-----

12/18/2020

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon