26

5.7K 131 11
                                    

"Yes. He is" Si Ciro na ang sumagot.

"I knew it. Bakit nya tayo iniwan? He had an affair right? " I was taken a back with that question pero nung makabawi ako ay agad akong umiling at hinawakan si Klave at Kate.

"Hindi. Di nyo pa maiintindihan ngayon, pangako paglaki nyo saka ko na ipapaliwanag. Pero hindi nya kayo iniwan, I left him. Diba matagal nyo nang gustong magkaroon ng Daddy? I'm sorry naging selfish si Nanay, I'm sorry" Umiiyak na sabi ko saka ko sila niyakap. Napatingin kami kay Ciro nung padabog itong tumayo saka lumabas ng kwarto.

"Ayoko sa kanya" Marahas naman sabi ni Klave saka humiga na.

"Ako din" Sabi ni Kate at ginawa din ang ginawa ng Kuya nya. Magsasalita palang sana ako nung pumasok si Andy.

"Ate may tawag ka" Sabi nito at agad na inabot yung phone nya.

"Hello"

"Is this Miss Heleina Kate Romero? " Tanong nung nasa kabilang kunyaring na ikinakunot ng noo ko.

"Yes"

"I got your number from Gina by the way I'm Stephanie. Friend nya ko nakita ko pic mo and I can say that you have a potential are you interested in modeling I'm an employee from JM advertising company" Sabi nito na ikinagulat ko.

"Seryoso? Ako? M-m-model? " Di makapaniwala kong tanong. Natawa ang nasa kabilang linya.

"Yes"

"Pagiisipan ko po"

"Just call me kung nakapagdecide ko na don't worry all the traveling expenses will paid by the company even the house and living expenses" Sabi pa nito. Naikinanganga.

"Anong model ate? " Tanong ni Andy. Tinignan ko sya at napasigaw sya nung kurutin ko sya.

"I'm not dreaming" Wala sa sariling sabi ko.

"KYAAAAAAAA! Mare!" Napabalik ako sa aking sarili nung biglang dumating si Gina at tuwang tuwang nagtatalon. "Congrats! Congrats! Mare! " Masiglang sabi nito habang yakap ako. "Ano kailan alis mo? " Tanong nya pa.

"Sabi ko pag-iisipan ko pa" Sagot ko agad nya akong pinalo.

"Gaga ka! Dapat umuoo ka na agad minsan lang yung ganong opportunity" Inis nitong sabi. Iginiya nya ko para maupo. "Alam mo Mare ito na yung chance para mabago ang buhay nyo ng pamilya mo at para na din mabigyan mo ng magandang buhay ang mga anak mo at mapapagaral mo na sina Ling at Andy" Seryosong sabi ni Gina.

•••

Gabi na at tulog na ang mga bata hindi parin ako kinakausap ni Ciro at Klave ni di nga tumabi sa akin si Klave at kita kong Di sya mapakali lumapit ako at niyakap sya doon lang naging kalmado ang paghinga nya. Hanggang ngayon pinaguusapan ko pa rin ang sinabi ni Gina. Pinaki-ramdaman ko si Ciro. Alam kong hindi pa sya tulog.

"Anak... Alam kong narinig mo pinagusapan namin nina lola at lolo mo kanina. Ano sa tingin mo? " Mahina ang boses kong sabi habang hinihimas himas ang buhok nya. "Okay lang ba sayo yun?" Nagaalangan kong tanong. Kilala ko si Ciro iba ito mag-isip at animo ay nasa bente na ito. Ilang minuto muna itong hindi nakasagot.

"Babalik tayo sa Manila? " Tanong nito habang nakatalikod pa din saakin kaya di ko malaman kung ayaw o okay lang sya sa ideyang yun.

"Hmm. Oo. Bakit ayaw mo? " Tanong ko doon na sya humarap sakin.

"Nay accept it. It's okay, we can't hide and run away from him forever besides he already know about Kate and Klave. That job, that's for the family, I know that" He said that made me tear up. He always know how to cheer me up.

"Thank you anak at naiintindihan mo lahat" I said then cherishly kiss his forehead "Tulog ka na good night anak" Malambing kong sabi nginitian nya lang ako saka pumikit.

Kinabukasan ay tinawagan agad namin yung tumawaga kahapon at sinabing pumapayag na ako. Sa susunod na linggo na ang alis namin kami muna nung kambal at maiiwan si Ciro sasabay nalang sya kayla Ling at Andy matapos ang pasukan. Yung kambal kasi okay na madali nalang yung sakanila dahil daycare palang naman sila. Tinulungan na din kami ni Gina sa pagaayos ng mga papeles na kakailanganin namin.

Pumupunta-punta pa daw sa bahay si Kanvin pero di sya kinakausap ng mga bata di ko din sya naaabutan dahil gabing gabi na ako kung minsan na umuuwi.

Bukas na alis namin sinandya kong wag umalis para makausap ko si Kanvin pero buong maghapon ay hindi ito nagparamdam hanggang sa maggabi na ay wala pa rin ito. Napagpasyahan kong kausapin ang mga bata. Pagpasok ko sa kwarto ay may kanya kanya silang nagbabasa nanaman habang si Klave ay nakadapa sa higaan at nagkukulay. Si Kate naman ay naglalaro. Nilapitan ko ang kambal.

"Mga anak may sinabi nyo ba sa hmm daddy nyo yung about sa pagalis natin?" Tanong ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na napaangat ng tingin si Ciro.

"Nope po. Indi po namin sya nikakausap" Si Kate ang sumagot mukha ngang walang balak sumagot nung dalawa. Napabuntong hininga ako.

"Bakit? Bakit nyo sya di kinakausap di ba matagal nyo ng gustong makilala sya" Mahina kong tanong sakanila.

"I thought that he had a financial problem kaya di sya makasunod sa atin and it turns out that he's rich plus a daughter from another woman. Harrold was being bullied saying that he's a son of a kabet at first I don't know what it means but it turns out to be a mistress and I know what mistress means. Are you like that too nanay?" Tanong nito pabalibag na tinapon ni Ciro ang librong binabasa nya kaya napalingon kami sa kanya.

"Shut up Klave. You don't have the right to say that" Madilim ang mukha nyang sabi at bakas ang pagkainis sa mukha nito bago lumabas ng kwarto. Napalingon naman ako kay Klave ng umiyak ito. Agad ko itong niyakap at pinatahan. "Nay galit po ba si Kuya? " Humihikbi nitong tanong.

"Shh. No, no, no hay hindi galit si Kuya. He'll be okay soon. Hush na okay? " Malambing pangaalo dito at habang pinapahiran ang mukha nya. Lumabas ako para kausapin si Ciro. Nakita ko sya sa kusina at umiinom ng tubig.

"Ciro, Klave is crying. You know that he didn't mean what he said, he's too young to understand the situation. Ikaw ang mas nakakatanda you should understand him" Sabi ko dito.

"I know Nanay. I know. Di ko lang po napigilan ang sarili ko" Sabi nito.

"You should resolve this immediately. Talk to your brother alam mo namang bukas na alis namin at ayokong umalis ng may di kayo napagkakaunawaan" Sabi ko pa tumango lang ito saka pumasok na sa kwarto.

•••

Itutuloy...

Being Mrs. MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon