Prologue

4.4K 91 4
                                    


Kasalukuyang nagliligpit ng gamit si Raile at uuwi na. Siya ang head accountant ng kanilang team, isinaklay niya ang bag at lumabas ng opisina.

"Ms. Raile, come with us." nakangiting sabi ni Yesha, isa sa mga katrabaho niya sa kompanya.

"I'm not hungry never mind." malamig nitong sagot at dire-diretsong naglakad papuntang elevator.

"Ang cold at ang hard talaga ni Ms. Raile, which is not common in women." komento ni Neo habang tinitingnan ang papalayong pigura ng kanilang katrabaho.

"Pero idol ko siya, ang cool niyang tingnan." sagot naman pabalik ni Zywon.

"Crush you mean." pabalik na sabi ni Eya.

"Never ko pa siyang narinig nagsalita ng Yes, No at Thank You.'' pansin naman ni Yesha.

"Pero kahit ganun mabait siya." dagdag ni Zywon. Tumango naman ang tatlo niyang kasama at nakihalubilo na sa iba pa nilang katrabaho para sa team dinner nila.

Nakalagay ang bulsa habang diretso ang tingin, naglakad si Raile patungo sa parking lot, hinanap niya ang kotse at nang makita ito ay kaagad siyang pumasok at napasandal sa upuan. Nakita niya ang kanyang mga katrabaho na papalabas na habang nagtatawanan, napabuntong-hininga nalang siya nang may naalala.

Pinaandar niya ang kotse habang dinig na dinig niya ang pasigaw na pamamaalam ng kanyang mga katrabaho. Tahimik niyang tinahak ang daan patungo sa kanyang condo unit.

In-on niya ang radio at nakinig sa kanta habang nagdadrive nang biglang napatapak siya sa preno nang may tumawid na lalaking lasing sa harapan niya.

"Aish. Ano na naman ba 'tong gulong 'to." inis niyang wika at lumabas ng kotse upang sitahin ang lalaking lasing na ngayon ay nakahiga na sa may kotse niya.

"Kuyang lasenggo kung gusto mong mamatay wag mo akong madamay-damay." sermon niya dito na hindi naman nakikinig. Bahagya itong sinisinok habang kalahating bukas ang mata at wala ng lakas para tumayo.

Nalungkot siya nang may maalalang tao kaya tinulungan niya itong makatayo. Itatabi niya sana ito nang bigla itong matumba.

"Ugh! Ano bang--- 'pag minamalas nga naman." mas napamura pa siya sa kanyang isipan nang biglang umulan dahilan para mabasa silang dalawa.

"Iuuwi nalang kita. Ngayon ko lang gagawin 'to." bulong niya sa sarili at pahirap na ipinasok ang mamang tulog sa backseat ng kotse.

Nagmadali siyang umuwi at nang makarating ay dinala niya ito sa kanyang silid at inihiga.

"Malaki ang utang na loob mo saking gunggong ka." kausap niya dito, natawa nalang siya sa sarili dahil alam naman niyang wala itong alam sa nangyayari ngayon eh kinakausap parin niya.

Napagpasyahan niyang maligo upang umiwas sa lamig at binalikan ang mamang lasing na ngayon ay humihilik na at nakanganga pa habang natutulog.

"Hoy gunggong, wag kang gagalaw huhubaran lang kita para di ka lagnatin." pagpapaalam niya dito at sinimulang tanggalan ng damit ang lalaking tulog.

Nagtagumpay siyang tanggalin lahat ng damit nito at sabay niya itong kinumutan ng comforter upang hindi lamigin. Pagkatapos niyang siguraduhing ayos na ang lagay ng mamang lasing ay lumabas na siya at nag-ayos para matulog sa sofa.

Nagising si Chen nang maramdaman ang lambot ng hinihigaan niyang kama. Pagdilat niya ng mata ay nagulat siyang mapagtantong di niya ito bahay. Itim na bedsheet, eh blue yung bedsheet niya. White na dingding, eh blue naman ang dingding niya. Black and white ang makikita sa loob ng kuwarto kasali na rin ang color gray na walk in closet ay masasabi niyang lalaki ang may ari ng kuwarto.

"Akala ko naman..." he sighed in relief pero agad ring nabawi nang mapagtantong nakabrief lang siya. "Lagot, wala naman 'atang nangyari..."

Kasabay naman nito ang pagbukas ng pinto kaya napalingon siya dito at nakita ang isang binibining nakarobe at nakatingin sa kanya. Blangko ang ekspresyon nito at nakipagtitigan ito sa kanya.

Bago pa umusbong ang kakaibang awkward na atmosphere ay agad siyang nagsalita.

"May nangyari ba satin? Paano ako nakarating dito? Nasa bar ako diba? Sino ka? An---"

Napahinto siya nang taasan siya nito ng kilay.

"Bakit?" walang kaideya-ideya nitong tanong.

"As if papayagan ko yun." napasmirk ito at tiningnan siya uli. "Bumaba ka na, nakahanda na ang pagkain baka gutom ka."

Sabi nito at aalis na sana nang magsalita ulit si Chen.

"Asan yung damit ko?"

"Ayan oh."

Turo nito sa katabing mesa ng kama at nakita niyang nakatupi na ang mga ito. Nakaayos na rin ang sapatos niya sa gilid.

"Salama--- asan na yun?"

Nagbihis siya at agad na bumaba. Nakita niya itong nag-aayos ng mesa na may dalawang upuan.

"Kumain ka kung gusto mo at kung ayaw mo naman ay puwede ka ng umalis." sabi nito nang hindi siya tinitingnan.

Sasagot na sana siya nang kumalam ang sikmura niya.

"Di ko na kailangang sumagot." isip niya habang nakangisi.

Umupo siya sa isang upuan at nagulat siya sa sobrang daming nakahanda.

Pancakes, bacons, eggs, hotdogs, meat loafs, luncheon meat, ham at toast bread. Samahan pa ng gatas at kape, napatingin siya dito sabay tanong.

"May hinihintay ba tayong bisita?"

"Wala naman. Di ko kasi alam ang gusto mong kainin kaya mabuti na ang handa."

"Eh sana tinanong mo ako."

"Nakakahiya ka namang gisingin eh humihilik ka pa. Baka may panaginip kang maganda ako pa may kasalanan kung masira diba?" sagot nito at humarap sa kanya. Naglakad ito papunta sa upuan na kaharap niya at tiningnan siya. "Wala ba diyan ang gusto mo?"

Di na siya sumagot at nagsimulang kumain. Sarap na sarap siya sa nakahain kaya halos lahat eh tinikman niya.

"Chef ka ba?" tanong ni Chen habang nginunguya ang kakasubo niya palang na ham.

"Puro fried ang mga yan." pagsusungit nito sabay irap.

"Pero ang sarap eh."

"Baka sa brand."

Napailing nalang sa isip si Chen. Ang pilosopo niya rin eh no.

"So chef ka talaga?"

"Sinabi ko ba?"

"Eh oo at hindi lang naman ang sagot."

"Accountant."

Napailing uli si Chen, Hindi pala pero kailangan pa akong pilosopohin.

"Anong trabaho mo?"

"Bingi."

"May trabaho bang ganun?"

"Bingi ka ba o sadyang di mo lang talaga alam?"

Napaismid naman ang babae niyang kausap.

"Sungit palibhasa maganda." bulong ni Tobi na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng babae.

"Ikaw lang ang bingi sa atin dito. Pagkatapos mong kumain umalis ka na at huwag mong subukang bumalik." sabi nito at dinala ang pinggan sa may lababo.

Umakyat si Raile sa taas at naligo dahil may pasok pa siya. Nagbihis siya at bumaba at naabutang wala na doon ang gunggong niyang kasama.

Napatingin siya sa lababo at wala ng hugasan at maayos na ang mesa. Nasa ref na rin ang mga ulam na niluto niya at napangiti siya nang may maalala.

Katulad ka rin pala niya.

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon