Chapter 11

975 36 1
                                    

Baka Sakali

RAILE

"Si Dylan... Siya ba?"

Anong ibig niyang sabihin?

"Siya ba yung sinabi mo nung nalasing ka?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay...

"May nabanggit ka kasi sakin nung naihatid kita minsan... Mukhang may parte sa'yo na---"

"Stop."

"So, oo nga." napatango nalang siya. "Alam mo, unang tagpo natin--- ay mali. Lasing ako nun, alam mo ba dahilan nun?"

Napalingon siya sakin at nagkatitigan kami.

"Sinermonan lang naman ako ni fader kasi inuuna ko yung kabaklaan ko kesa sa negosyo namin. Tapos bakit pa daw ako naging bakla... Nadismaya daw siya kasi mataas yung inaasahan niya sakin... Kesyo ganito ganyan... Lahat ng di niya sinasabi, nasabi niya sakin ng biglaan. Nasaktan ako sobra. Pero sabi ni mader, nabigla lang daw si fader kaya nasabi niya yun. Pero diba pag ang tao nagagalit, nasasabi nila lahat ng kinikimkim nila? Pero inintindi ko kasi alam kong ako yung mali kaya ayun, tinanggap ko yung proyekto. Tapos, idagdag mo pa yung kaanghelan na ginawa mo sakin, sumaya ako. Ibang tao nga tinutulungan yung iba ako pa kaya? Bakit di ko kayang tulungan ang sarili ko?...
Okay na kami ni fader, tinanggap niya ako nung nalaman niyang bakla ako. Pero ang sa kanya lang daw, ay ayusin ko rin yung trabaho ko kasi para rin naman yun sa future ko... Kaya sinunod ko siya. At ginagawa ko yung best ko para lampasan ang expectations niya, kasi kahit di naman niya sabihin alam kong nag-eexpect siya ng malaki sakin lalo na na ako ang may hawak sa negosyo namin. Si Kuya Cholo, police. Si Kuya Chito, attorney. Si Ate Cheska, doctor. Si Ate Chandria, chef. Kaya sa akin ang bagsak ng kompanya... Pero kahit ganun, iniisip ko nalang na para sa akin 'to. Sa future ko. Pinagbigyan ako ni fader na maging baklush kaya pagbibigyan ko rin siya kahit fashion designing naman talaga ang gusto ko...
Ikaw ano ba pangarap mo?"

Umayos siya ng upo samantalang tumahimik lang ako. Handa na ba akong magtiwala uli? Di naman lalayo pa ang usapan namin, 'ata. Pero puwede namang konti lang sabihin ko... Tama konti lang.

"Mga anong taon mo balak magsalita?" pamimilosopo niya. Napahampas naman ako sa braso niya ng wala sa oras. "Kukutusan kita sa ribs. Cheret! Alam mo pangrap ko dati? Makain yung buwan."

Napangiti naman ako sa sobrang pagka-isip bata niya.

"Eh mas malaki pa nga yan sa'yo." komento ko.

"Ewan ko. Kasi akala ko puro keso yun, tsaka akala ko kasinlaki lang yan nung bilao eh, di ko naman akalain na halos one-third pala ang laki niyan sa Earth."

"Tapos?"

"Gusto ko rin dati makapunta sa gitna ng rainbow."

"Para makita yung baul na puno ng ginto?"

"Hindi, gusto ko kasing makita yung unicorn. Marami kasi akong wish....
Sa tingin mo totoo kaya ang unicorn?"

Napakibit-balikat nalang ako.

"Tapos, gusto ko rin sumalo ng shooting star."

"Baliw."

"Eh di ko naman alam na nakakamatay pala yun. Akala ko glitters lang ang liit nila, ang laki pala."

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon