Barging InTo Your Life
RAILE
"Ate Panying, ikaw ba yung nagdala sakin dito nung nagcollapse ako?"
"Kelan ba?"
"Po?''
"Nung nauna o nung kagabi lang."
Kilala ni Ate Panying si Ferdi, kaya di na siya nagtanong. Pero kagabi? Akala ko ako lang umuwi kagabi ah, nagcollapse rin ba ako?
"Magkaibang tao ho?"
"Ay oo. Yung naabutan namin dito eh, matipunong lalaki na pormal ang pananamit, Lu--- Lam--- Ah! Lander, yun yung pakilala niya sakin."
Nabigla ako pero di ko nalang pinansin. "Yung kaninang umaga po?"
"Nakalimutan kong itanong pero, lambutin eh. Bakla 'ata yun, tinawag kang gurl."
Si bakla? Yung boss kong bakla?.
"Ah, okay po."
Nagprepare na ako papuntang office at kalauna'y dumiretso na doon. Pagdating ko'y tambak na ang aking gagawin.
Nagulat ako nang may biglang pumasok sa office ko.
"Why are you here? Is there something you want me to do?" I asked him without even looking.
"Oy, lantang-gulay ka na nga pumasok ka pa! Uwe!" pagpapauwi niya sakin.
"I can handle. Go away." at trinabaho uli ang mga kailangan kong tapusin.
"Umaga ka na umuwi, alas singko na. Tapos pumasok ka pa nang alas syete?! Papatayin mo ba sarili mo---"
"Kung sasabihin kong oo, may magagawa ka ba?"
Tila natuod naman siya sa kinalalagyan niya. Kaya di ko nalang siya pinansin.
"May problema ka ba?" tila nagpapacute niyang tanong. Napangiwi nalang ako.
"Ikaw, ikaw ang problema ko. Boss kita pero nandito ka dumadaldal. Umalis ka nga."
"Eh sa gusto kong umuwi ka at magpahinga, di ka na nga marunong sumunod ayaw mo pang magpahinga."
"Sana nga makapagpahinga na ako, nag tuluyan." bulong ko.
"Umal---"
"Mr. Madrigal? Ms. Saavedra?"
Napalingon kaming dalawa sa nagsalita.
"Mr. Aguilar." tumayo ako upang ibigay ang mga reports na.pinaasikaso niya.
At ang talanding bakla naman ay nahihiyang ngumiti, tsk.
"Come with me Ms. Saavedra."
Di na ako nagtanong at sumama, di makulit itong isang 'to kesa sa talanding baklang yun na walang ginawa kundi mangulit.
Marami kaming napag-usapan at napagplanuhan. Puro trabaho lang ang napag-usapan namin, nothing more, nothing less.
"I will now go Mr. Aguilar."
"Wait, Ms. Saavedra?'
"Yes sir?"
"Can... Can we go for a dinner?"
"I have errands to run sir." diretso kong sagot at umalis.
CHEN
"Tsaka ito rin, pakiasikaso okay? Medyo madami pero keri lang yan. I need that tomorrow, G?"
"Yes sir."
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (ANWAG Part 3)
Romance"Sometimes, it's better to pretend you're weak even though you're strong, Than to pretend you're strong even though you're weak."