Chapter 20

1K 41 2
                                    

Jealousy Incarnate

CHEN

Tugtog dito. Tugtog doon. Kahit saan madako ang tingin mo eh lahat nagsasayaw.

"Let's parteeeeeh!" sigaw ni Pat at hinila si Deo sa dance floor.

Nakaporma kami ngayon ng simpleng jeans at jacket. Pinili ko maging manly lalo na't wala talaga akong balak lumandi sa mga kalalakihan dito, lalo na sa babae. A big E-E-W.

"Hanap lang kaming table." paalam ni Benj tinulak naman si Archie nito papunta sa kung saan.

Pumunta ako sa mismong bar at umupo sa isang monoblock chair.

Nakaagaw pansin sakin ang babaeng nakawhite croptop na pinatungan ng leather jacket at jeans na humahapit sa katawan nito.

Mas nakaagaw pansin rin naman ang lalaking bartender na kausap nito. It can't be...

"Baliw ka talaga Ferdi, di mo naman sinabi na may bar ka pala dito. Kaya pala minsan wala ka."

...Rae.

"Eh sa di ka nagtanong eh."

Napakuyom naman ang kamao ko sa nasaksihan.

Nagulat ako nang bigla itong tumayo at pumunta sa dance floor. Umindak-indak ito at 'tila ba'y nasaksihan ko ang isang parte ni Rae, mapusok.

Pinigilan ko ang sarili kong tumayo lalo na't napapaligiran siya ng mga lalaki. Nakakuyom na ang kamao ko habang nagpipigil sa pagtayo pero nang makita ko ang pagtapik ng isang lalaki sa puwetan ni Rae at pagngisi nito. Idagdag pa ang pagtanggal ni Rae sa jacket niya dahilan para mabalandra ang makinis mitong balikat ay di ko na napigilan mapatayo at tinungga ang inihain saking inumin.

Di ko inantala ang tapang ng inumin na iyon at dagling pinuntahan si Rae.

RAILE

"Oy, let's have some fun naman." pangyayaya ni Kaye.

Masama ko itong tiningnan. Last time na nagbar sila di ito naging maganda, lalo na't napaaway si Kaye noon. At bilang kaibigan, ay nadamay rin siya.

"Look Raile, di ko na yun uulitin. Promise." firm nitong sabi at itinaas ang right hand niya at inekisan ang dibdib.

Tinaasan ko lang ito ng kilay habang nagsusuklay.

"Come on Raile, mag-enjoy naman tayo!" pangungumbinse ni Coco. Ngayon lang sila nagkakilala ni Kaye pero parang mas matagal 'ata niyang nakasama ito kesa sakin sa paraan ng pagiging close at pagkakasundo nila ngayon. "Kung coloring book ang pagtanda mo, for sure wala yung kulay."

Tinaliman ko naman ito ng tingin. Nalingon naman ako kay Kaye na tumatango-tango lang.

"Tsaka, minsan kailangan rin nating makalimot sa mga bagay na bumabagabag sa atin. Katulad ko..." napaturo naman si Coco sa sarili niya habang pinipigilang umiyak. "Inlove ako sa taong di ako mahal."

Bahagya naman siyang sinampal ni Kaye at umakbay ito dito.

"Baliw, mas malala sakin. Pinakawalan ko yung taong mahal ko." sabat ni Kaye.

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon