Chapter 29

822 31 2
                                    

Healing Wounds

CHEN

"GOOD MORNING PHILIPPINES!!" sigaw ko pagkagising. "Good morning, ate, kuya, mama, papa, manong, ale, puno, aso, alikabok, goooodddmmmoooorrrnnniiinnnggg woorrlllddd!!"

"Minsan ayokong sumasaya ka eh, ang ingay." Reklamo ni Ate Chandria habang paakyat sa taas dala ang kape niya.

"Ba't ba? Bawal ba maging masaya?" Pabulong kong sagot.

Naglakad ako patungo sa office ni Lolo Tiago at bumati.

"Hi Lolo!" bumeso ako sa kanya at umupo sa katawid niyang upuan.

"Hindi ko talaga alam kung isinumpa talagang maging beki ako."

"Bakit lolo?"

"Walang beki sa mga anak ko, pero beki naman napangasawa ng mama mo, tas ngayon may beki akong apo."

"O diba? Pawerrr." Sabi ko sabay ayos ng buhok. "Lahat naman jumowa ng merlak kalerki. Si paps? Asan?"

Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa si Papa.

"Hi papc!" Bati ko sabay yakap at umupo uli.

"Oh anong meron?" Tanong ni Papa. "Char, mamayang gabi na ba yun?"

"Opo." Kinikilig kong sabi.

Bigla namang pumasok si Mama at si Lola. Sabay silang bumati ng halik sa mga asawa nila. Inggit ako, Raile asan ka ba ngayon? Matawagan nga, char.

"Kainggit." bulalas ko at may paawa effect pa.

"Magdasal ka kasi na gabi na, o di kaya puntahan mo na ngayon." Suhestyon naman ni Papa.

"May pupuntahan daw eh. Kaya dito muna aketch." Sagot ko naman. Saan kaya pumunta yun?

RAILE

"San ba banda yun?" Tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang adress sa cellphone ko. "Yun na ba yun?"

Huminto ako sa isang asul na gate ng isang bahay. Ipinarada ko ang kotse ko at lumabas dala ang isang karton ng tart.

Nagdoorbell ako at hinintay na buksan ang pintuan. Mga ilang minuto pa ito bago nabuksan at bumungad sa akin ang isang limampung taong gulang na lalaki, medyo may katandaan na, halata naman eh.

"Pasok ka."

Iginiya niya ako papasok. Simple lang ang bahay at maaliwalas naman. Kung tatanda rin ako, ganitong bahay ang gugustuhin ko.

"Kumusta ka na?" Tanong nito habang pinapaupo ako.

"Okay lang." Sagot ko naman sabay libot ng tingin sa buong bahay.

"Anong trabaho mo na ngayon?"

"Head accountant."

"Mag-isa ka lang bang pumunta dito?"

"Oo."

Isang tanong, isang sagot. Ganun ang naging bungad ng usapan namin hanggang sa bigla itong sumeryoso.

"Di ko naman gustong gambalahin ka pero gusto ko talaga kitang makausap, bago ako..." Huminto sita saglit at bumuntong hininga. "...lumisan."

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon