Chapter 16

987 46 1
                                    

Confuse na si Bakla?

RAILE

Nang malayo siya ay kumindat ito.

"Wag humopia. May parusa kasi ang hindi sumusunod..." pagpapaliwanag niya.

Napairap nalang ako at agad siyang kinurot.

"Aray! Anuba?!"

"Uuwi na ako! Bahala ka dito! Manyak!" kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas na.

"Oy!"

CHEN

"Feeling ko suminghot ng katol yan kanina pa ngingiti-ngiti mag-isa eh no?'' rinig kong sabi ni Archie.

"Gaga, baka nakapuntos na naman sa clingy niyang boylet." atribidang sagot naman ni Benj.

"Eh baka naman suminghot talaga ng usok mula sa kalan?" dagdag ni Pat.

"Baka tumikim ng tahong." biglang sabi ni Deo.

Agad namang naduwal ang apat na bakla. Di ko nga alam ba't ngumingiti-ngiti ako eh.

"May pahawak-hawak pa sa labi oh." pang-aasar ni Benj.

"Oy bakla, ano bang nangyari?"

"Wala." nakangiti kong sabi habang hinimas-himas ang labi ko.

"Wala daw? Kilala kita eh. Alam ko na yaaaaaan." sabat naman ni Archie.

"Eh alam mo naman pala, nagtanong ka pa."

Napasimangot naman si Archie at kasabay nun ang pagpasok ni Rae.

"Oy Rae." bati ko at sinalubong siya.

"Ito na pala yung pinapahanda mo sakin at ito na rin yung reports para sa resort."

Tumingin siya sa mga bakla at ngumiti dito.

Tumalikod siya at tinahak ang daan palabas.

RAILE

Nag-isnack ako mag-isa habang nakatingin sa malayo. Iniisip ang patutunguhan ng buhay ko.

Walang silbi ang tagumpay kung wala ka namang kasama sa pagdiriwang. Minsan mas mabuti pang malugmok basta marami kang kasama,
Kesa magtagumpay ng ikaw lang mag-isa.

"Ang lalim ng iniisip ah. Puwede bang umupo?" napatingin ako sa nagsalita.

"Inyo naman 'to. Ba't kita pagbabawalan?"

Muli akong tumingin sa malayo. Tiningnan ang matataas na building katabi ng building namin.

"Minsan ang titig
Nakakatumba ng building na maayos ang tindig." sabi nito habang ngumunguya.

"Why are you talking to me?"

"Why are you asking me?"

"Ayoko lang matsismis."

"Ayoko lang mawalay sa'yo."

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon