What I Love
CHEN
Nakatitig ako sa kisame, iniisip ang desisyong ginawa ko. Ano nga ba ang gusto ko? Ito ba talaga ang gusto ko?
Tumagilid ako at tumingin sa may bintana. Kalmado kong tiningnan ang langit. Maaraw ngayon, at walang masyadong ulap. Asul ang makikita mo at hindi ang puting ulap. Ilang araw na ba nang huling ulan?
Kapag talaga walang magawa lahat mapapansin mo. Pati yung langgam na naghahanapbuhay para sa pamilya niya, yung langaw na kanina pa dapo ng dapo sa'yo at yung umiilaw mong cellphone na lowbatt naman.
Teka? Ba't ba 'to umiilaw?
Archie...
Tapos na ang madaliang kontrata, ilang linggo na rin akong di nagpapakita kay Raile. Simula nang maghiwalay kami ni Darwin nabangenge ako at di na muna lumabas.
Hinayaan ko lang na magring ito. Matutulog uli sana ako nang bumukas ang pinto.
"Hoy kulog, bangon dyan at may bumisita sa'yo." tawag sakin ni Ate Chandria.
"Sino daw? Sabihin mo wala ako dito."
"Si Darwin."
"Ha?" Napatayo ako bigla. "Akala ko ba nakabalik na ng Italy yun."
"Eh kung hindi, sino naman yun?"
Tumingin ako sa labas ng kuwarto. Si Darwin nga.
Ngumiti ito at kumaway. Lumabas ako dala ang kumot ko. Itinalukbong ko ito sa ulo ko at nagmukhang madre.
"Anong pag-uusapan naten?" pagmamaldita ko.
"Let's talk seriously, hm?" mahinahon nitong sabi.
"Tapos na Darwin eh. Tapos na."
"Come on. You won't just throw all those years away. You're happy with me, and you still are. Right?"
Tiningnan ko ito.
"Reflect what we have gone through. Ikakasal na tayo sana ngayong taon diba? Chen, think of it. I'll wait for you."
Natulala ako. Ano ba dapat kung sabihin?
"Kala ko ba nakalabas ka na ng bansa?"
"May sakit si Papa e, kaya bumalik ako. Papunta palang ako doon." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay agad siyang nakaalis sa bahay. Bumalik naman ako sa kuwarto ko at pinagpatuloy namin ng kisame ang aming staring session...
6 years ago...
"Alam mo ba mga mamsh, itong si Arsenio may gustong merlat." Pagbubuking ni Deo na agad namang sinampal ni Arsenio. "Ay secret lang pala yon."
Hindi nakuntento si Archie at akmang sasabunutan na si Deo kaso wala pala itong buhok.
![](https://img.wattpad.com/cover/146839926-288-k571719.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (ANWAG Part 3)
Romantizm"Sometimes, it's better to pretend you're weak even though you're strong, Than to pretend you're strong even though you're weak."