Chapter 22

1K 47 4
                                    

Can't Hide It Anymore

RAILE

"Sali kami!" napalingon naman ako sa tumili. Si Deo.

Apat lang sila, asan kaya si Chen?
Wag mo ngang hanapin yung baklang yun. Nababaliw ka lang.

Mukhang ito talaga ang hanap nila dahil halata naman sa outfit nila na volleyball shorts.

"Kavogue ang outfit natin ngayon Raile ah?" pansin ni Archie.

"Crop top at short shorts. Bongga!" masayang sabi naman ni Pat. "Mukhang sasapian ako ni Patriciano ah--- aray!"

Agad naman siyang binatukan ni Benj.

"Di naman halatang gusto mong mamatay gamit ang tinidor sa bumbunan eh no?" saway ni Benj.

Natawa naman ako sa kanila.

Agad naman kaming naglaro team by team.

"Guys para exciting, pairing dapat!" suggest ni Coco.

"Gusto mo lang makapartner si Arc--- asdfghjklalsjalaldstreeiwirpqpe" agad namang tinakpan ni Coco ang bibig ni Kaye. Yup, ganyan na sila kaclose.

"Game ako diyan! Partner kami ni Diosdado!" sigaw ni Pat at umakbay kay Deo.

"Kay Kaye ako! Yoko kay Archie, di marunong magserve yan!" sigaw naman ni Benj.

"Baliw! Injured ako noon." depensa naman ni Archie.

"Uy bakla! Partner tayo!" yaya naman ni Coco.

"Yoko sa'yo! Kay Raile lang ako!"

"Ayoko maglaro. Manonood nalang ako." angal ko nang mapagbigyan naman si Coco dahil gustong-gusto niya naman talaga si Archie.

Umupo lang ako sa upuan na nakaharap sa kanila nang sa ganun ay makita ko silang mabuti.

"Parang tournament lang tayo guys. Dapat makadalawang panalo ah? Si Pat at Deo team PaEo (payo). Si Benj at Kaye naman is team BeKaye---"

"Kaloka ng pangalan ng team natin gurl!" natatawang sambit ni Benj na may pahampas pang nalalaman.

"---at samin naman ni Archie is team CoChie."

"Ay, parang kotse lang?" sabat naman ni Deo.

"Unang laban is BeKaye versus CoChie. Tapos ang mananalo magpapahinga habang ang natalo naman is kakalabanin ang PaEo. At ang huling mananalo ay dapat may reward..."

Marami pa silang diniscuss na di ko na pinakinggan. Nagulat naman ako nang tumabi sakin si Ferdi.

"Oy Raile! Sali mo si Ferdi!" yaya ni Kaye.

"Ayoko niyan! Soccer alam ko eh, baka sipain ko yung bola." natatawang tanggi naman ni Ferdi.

Di na sila nangulit pa at kinausap ko nalang si Ferdi.

"Akala ko ba uuwi ka na?"

"Eh andito pa ako eh."

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon