Chapter 2

1.6K 61 4
                                    

Vague Memories

RAILE

7:12 AM

"The presentation should be done within two hours..." discuss ko sa team ko habang binibigyan sila ng instruction bawat isa. Umagang-umaga boses ko na naman ang maririnig sa conference room. Natapos kami bandang alas nuwebe y medya at nagsimulang trabahuin ang dapat naming gawin. Dahil suweldo na, busy kami ng team ko lalo na at kami ang assign sa pay roll.

Nakarinig ako ng katok at hinintay kong sino ito.

"Ms. Raile, may naghahanap sa'yo."

"I'll come."sabi ko pagkatapos pirmahan ang pinakahuling papel. Lumabas ako at nakita ang baklang gunggong na yun. Kasama nito ang supervisor namin.

"This is Mr. Chunder Tobias Madrigal, the one who's assigned for Humpher Co.'s new project so he'll stay with you temporarily, so be nice. And also, treat him as your boss." pagpapakilala ni Mr. Aguilar.

Umalis ito at naiwan si Chen.

"Nabokot ako sa mister ah." pagbibinakla niya na ikinagulat ng workmates ko. "Call me Sir Chen nga pala, wag Chunder tumitindig balahibo ko. Wag rin Mr. Madrigal? G?"

Napairap nalang ako sa kawalan at bumalik sa opisina ko.

"Hey! Raile!" tawag nito sa akin.

"We're at work. I'm Ms. Saavedra and you're Mr. Madrigal." pagtatama ko sa kanya nang hindi man lang ito linilingon.

"Sungit nito, labas tayo."

"I don't go out."

"Sige na, ikaw naman unang kaibigan k---"

"I don't have friends here, so go away."

"Sungit---"

"You're my boss but when it's not about work, don't talk to me." sabi ko dito at sinirado ang pinto ng opisina ko.

I hate people being nice at you then'll working to gain your trust but in the end will leave and just don't care at you at all. I'm tired with that thing.

Sakto namang pagpasok ko ay ang pagring ng cellphone ko.

Kaye calling...

Sinagot ko ito. If there's someone who stayed, it was her.

"Yes?"

"Busy ka ba? Feel ko malungkot ka..."

"I am." pabulong kong sabi.

"We really do have twin hearts. Feel na feel ko eh. Let's go out?"

"Tatapusin ko lang ang work ko, I'll be there."

"Same time."

"Same place."

Pinatay ko ang tawag at pasalampak na umupo sa swivel chair at pinaglaruan ito. Pinaikot-ikot ko ang sarili ko habang nakapikit. Then, a tear escaped my eye. Pinunasan ko ito at agad na isinubsob ang sarili ko sa trabaho.

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon