Chapter 9

935 42 1
                                    

Slumber Party

CHEN

Naupo kami at hinintay ang papasok.

"Wag kang mag-aalala ako nalang kakausap." pagpepreainta ko dahil wala naman siyang balak ngumiti mamaya umatras pa yun sa usapan lalo na pagsungitan nitong pinaglihi ng sama ng loob.

"Eh ba't mo ba ako pinapunta dito?"

"Para may kasama akong umuwi."

"Sana nagpasama ka nalang sa mga kaibigan mong bakla."

"Nahiya naman ako sa katrabho ko."

"Eh san---"

"Uy, ayan na pala siya--- good evening Mr. Austria! Hi Mister or Miss Aus--- aray! Ra--- asdfghjkllkjhdhjjafskh" nagulat ako nang bigla niya akong kurutin at tinakpan ng unan sa mukha.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" naniningkit ang mata niyang bulong sa akin as if papatayin siya. Problema ne'to?

"Uhm may problema ba?" mahinahong tanong ni Mr. Austria habang inaayos ko naman ang nagusot kong buhok. Kaloka.

"Uhm... Ah. Wala Mist--- mis---"

"Call me Dylan. Hahaha, wag Miss di pa naman ako nagiging babae hahaha."

Humugot naman ng isang malalim na hininga si Raile at umayos na rin. May saltik rin 'tp eh.

"Have a seat." alok nito kay Dylan at umupo naman ang huli sa tabi ko.

Teka.... Di kaya?

RAILE

Pumasok ako sa kuwarto namin ni Coco ngunit walang tao. Saan naman kaya nagsusuot yung kukong yun?

"Bulaga!" panggugulat nito sakin.

"Pag ako tinopak pepektusan talaga kita."

"Bakit wala ba?" mapang-asar nitong tanong. Akmang papasok na ako nang magsalita siya. "Cheret lang! Tara sa kuwarto ni Archie!"

"Bakit?" tanong ko.

"Slumbbbahhhh parteeeeeh!" masayang sigaw nito habang blangkong titig lang ang ipinukol ko sa kanya.

"So?"

"Sama ka dali! Masaya 'to."

"Ayaw ko."

Papasok na ako nang iangkla niya ang kamay sa braso ko.

"Sige na pleeease." pagmamakaawa ni Coco.

"Bitaw." maawtoridad kong utos.

"Basta pag hindi ka pumunta hihilahin kita palabas." bilin nito.

Napairap nalang ako. Bad mood ako ngayon? Kelan ba hindi? Tsk.  Ah basta di ako pupunta.

Naligo ako nang mabawasan naman ang bigat sa katawan ko. Halos kalahating oras ang itinagal ko sa banyo at lumabas rin. Nagsuot ako ng paborito kong pajamas, isang sweater na may mukha ni bugs bunny at yung rabbit slippers ko. Nang matuyo na ang buhok ko ay dinama ko ang kalambutan ng kama.

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon