Chapter 25

687 29 8
                                    

Bring Back and Let Go?

CHEN

"Ano ba nangyari kay wakla?" nagtatakang tanong ni Deo.

"Ba't inom ng inom yan?'' tanong naman ni Benj.

"Baka napagkamalang tubig yung alak?---aray!" reklamo ni Pat nang makatanggap nang sabunot kay Archie. "Eh kanina pa tinutungga yung alak eh."

"Brineakan niya yung jowa niyang clingy mga gaga." paliwanag ni Archie.

"Truuuue?" takang tanong ni Pat.

"Para kaya silang linagyan ng mighty bond nun. Di ako naniniwala." satsat ni Benj.

"Agree." sang-ayon naman ni Deo.

"Akyat muna ako." paalam ko sa kanila.

Matamlay akong umakyat sa kuwarto ko at sumalampak sa kama. Nadurog ang puso ko nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Darwin kanina lang...

"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong nito.

"I thought next month pa ang balik mo." pilit kong iwinawaksi ang topic.

"Napostpone ang event. Tell me babygirl, what's wrong?"

"Look Darwin, umuwi ka muna please."

Sa sobrang saya ko kasama si Rae nakalimutan kong may jowa pa pala ako. Pagtataksil ba ang ginagawa ko?
With such thought, bigla akong nabalot ng guilt.

"See, you never call me babyboy anymore." nagtatampo nitong sabi.

"I'm sorry, I'm just tired."

"Look Chen, ayokong gawin 'to. But I'm letting you choose now."

"What?"

"Nitong mga nagdaang araw, we never go an a date anymore na palagi nating ginagawa, you never find time for me anymore, at kung magkasama man tayo? Lagi mong bukambibig yang Rae na yan. Pinabayaan ko lang kasi baka close mong kaibigan, but nung pinauwi mo ako at sabi mong baka magselos si Rae? Are you even thinking? Kapag lasing talaga ang tao madami itong nagsasabi, at karamihan sa nasasabi nito ay ang tunay nitong nararamdaman."

Bakas ang kalungkutan sa boses niya. Samantalang ako lumuluha na.

"Now choose, me or Rae?"

Tuluyan akong napaupo sa sahig.

"Lalaki rin ako Chen, and the way you look at her, the way your eyes twinkle when you saw her, when you look at her, never kong nakita ang mga matang yun na tumitig sakin."

"B-babyboy..."

"See? It's easy for you to say no but you never did. Mukha na akong tanga dito but I'll ask again. Me or Rae?"

"I-i d-don't k-know..."

Humahagulhol na ako sa harapan niya. Darwin and I had been together for three years, and he stayed with me through the years. Iba siya sa lahat ng manloloko, he's different. Mahirap bitawan ang isang dyamante para sa isang kahon na di mo alam kung anong laman.

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon