Ang Saradong Puso
RAILE
Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit ayaw huminto ng mga luha ko??? Bakit ayaw nilang mapagod??? Pagod na ako!!! Bakit kayo hindi????? Di ba kayo nauubos?!!?!?!
"Mama..." tahimik na hikbi ko habang nakasiksik sa sulok ng kama at sapo ang ulo ng aking mga braso habang nakasuporta ang aking tuhod. Tahimik akong humikbi habang naaalala ang kamatayan ng aking ina.
"Your mother has a stomach cancer. Unfortunately, malala na ito dahil sa wala siyang isinagawang test o kahit anong maaaring makapagpahinto ng pagkalat ng mga cancer cells. I'm sorry to say this, but we need an operation."
"Pero Doc, wala kaming pera."
"I'm really sorry. Pero kailangan talaga."
Di maubos-ubos ang luha ni Rae habang tinutungo ang direksyong kelanman ay di niya ninais puntahan. Hinarap niya ang isang kahoy na pinto at hinugot ang isang malalim na hininga at pikit-matang kumatok.
Pinagbuksan siya ng dalawang magkayakap na lalaki.
"Sino sila?" biglang nanikip ang dibdib ni Rae sa nakikita niya. Ang kanyang ama na walang kaalam-alam na ang anak pala nito ang kausap.
Kinalimutan muna niya ang galit at biglang tiningnan ang ama, mata sa mata.
"P-pa... Pu-pwede bang ma-k-kahiram ng p-pera?" utal niyang sabi.
Nagulat ang ama niya at ang karelasyon nito. Pero agad rin itong nag-iwas ng tingin at akmang isasarado na sana ang pinto nang harangin ito ni Rae.
"P-pa---"
"Hindi mo ako ama! Umalis ka!!!"
"P-pa..." pinipilit ni Rae na wag lumuha pero naghalo na ang galit niya sa ama at awa sa ina. Ginawa niya ito para sa ina dahil wala na siyang ibang kilalang mauutangan maliban sa kanyang itinuring na ama.
"UMALIS KA!!!!"
"MAY CANCER SI MAMA AT MAMATAY NA SIYA NGAY---"
"Edi mabuti---"
Di na nakalagpas ito kay Rae at agad niyang sinuntok ang ama. Gumanti ito pabalik dahilan para matumba siya.
"ANG LAKAS NG LOOB MONG PUMUNTA DITO PARA MANAKIT!!!!!! ANO?!!?! MASAYA KA NA?!?!?! UMALIS KA KUNG GUSTO MO PANG MAKITANG MAMATAY ANG MAMA MO!!!!"
Bigla siyang siniraduhan ng pinto at galit na galit niyang pinagsusuntok ang pintuang iyon. Kahit sa ganoong paraan ay maiibsan man lang ang kanyang sakit na nadarama.
Nahinto siya nang tumawag ang ospital sa kanya.
"H-hello?''
"Ms. Saavedra? Kailangan niyo pong pumunta sa ospital."
Nagmamadali namang tinakbo ni Rae ang limang kilometrong layo ng ospital sa kanyang kalagayan. Kahit umuulan ay di niya ito alintana, di siya nakaramdam ng pagod o gutom... At pagdating niya'y 'tila mas gumuho ang mundo niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (ANWAG Part 3)
Romance"Sometimes, it's better to pretend you're weak even though you're strong, Than to pretend you're strong even though you're weak."