Trip To Love
RAILE
Di ako nakinig buong meeting at lutang na lutang ang isip ko. Pagkatapos ng eksena sa tren kanina eh back to normal na naman kami.
Ganun na 'ata siguro iyon.
Nagulantang ako nang magbunyi ang buong team namin.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Coco, na siyang architect ng team.
"Di ka ba nakarinig?" tanong nito.
"Magtatanong ba ako kung narinig ko?"
"Ewan ko sa'yo." simangot nito.
"Sige na, ano nga?''
"Para sa advance celebration sa success ng resort is a 5-day trip." excited na sabi ni Coco. "At puwedeng magdala ng kaibigan."
"Oh."
Yun pala yun. Sino naman kaya isasama ko? Aha, si Kaye.
Agad kong tinext ito kay Kaye at agad rin namang sinang-ayunan ng huli.
CHEN
Mabilis na lumipas ang panahon at papunta na kami ngayon sa Batanes. Peaceful ang lugar kaya naisipan ng team na doon i-spend ang 5-day trip.
"Excited na akong maghanap ng boylets." kumikinang ang mata na sabi ni Deo.
"Gaga. May jowa ka kaya." sabat naman ni Pat.
"Haleeer, single kaya ako. At si Chen lang naman yung may jowa dito no?" irap ni Deo.
"Kelan ba kayo maghihiwalay?" tanong ni Benj.
"Aba'y bastos to ah!" akmang hahampasin ko na si Benj ng bag na hawak ko nang tapikin ni Archie ang braso ko. "Ano?!"
Ngumuso siya at napatingin ako kay Rae. Kakarating palang nila. Tatlo sila, si Coco, siya at di ko kilala yung isang girl.
"Hi gurl!" bati ni Archie at bumeso kay Rae. Umiwas naman siya kay Coco habang ipinakilala ni Rae ang kaibigan nito.
Sumunod na rin ang mga bakla kay Archie. Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng buong team namin.
"Okay, since medyo madami tayo. Tatlong van ang gagamitin, ang isanf van ay para na sa amin ng kaibigan ko---"
"Isama na natin sila Rae!" sigaw naman ni Benj.
"Okay. At yung dalawa naman is, bahala na kayo kung saan kayo sasakay? Okay? And about the trip, kayo nalang ang pipili kung nanaisin niyong mag-solo or grupo or jojoin kayo sa amin, pero mukhang may kaibigang kasama ang lahat. Okay, let's have fun and forget our work muna."
Na-hype naman ang buong silid at nagsilabasan na kami. As usual, umiwas ako kay Rae, ayokong mas lumala ang pagkalitong nararamdaman ko.
Inilagay na namin lahat ng gamit namin sa van habang minomonitor ko si Rae gamit si Archie.
"Ayos na ba yung gamit ni Rae?" bulong ko kay Archie.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (ANWAG Part 3)
Romance"Sometimes, it's better to pretend you're weak even though you're strong, Than to pretend you're strong even though you're weak."