Chapter 8

1K 40 2
                                    

A Person In The Past

CHEN

Pauwi na ako nang may masulyapan ako sa isang mart. Si Rae.
Ipinark ko ang kotse ko at kunwari'y bibili rin nang magkasalubong kami.

"Hi Pina."

Kunot noo itong tumingin sakin at di man lang ngumiti. Eh kelan ba ito ngumiti?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Nagsiswimming. Feel ko kasi lumangoy kasama ng gulay, sardinas--- aray!" hampas nito sa braso ko. Kitam! Di na nahiya sa boss niya. "Cheret leng! Sinusund--- este bibili ng groceries."

"Ah, alis!"

Naglakad na siya papuntang counter at sadyang wala naman akong bibilhin kaya hinablot ko ang kung anong maabot ng kamay ko at sumunod sa kanya sa counter.

"Dami ng pinamili mo ah." pansin ko.

"Pake mo. Tsaka napkin? Bibili ka niyan?"

"Pake mo r--- aray! Eh sa meron ako eh." irap ko sa kanya.

"3000 lahat miss."

Magbabayad na sana siya kaso kulang ang pera niya.

"Ay isabay mo nalang yung napkin sa kanya miss, kanya talaga yan eh. Nahiya lang." sabi ko sa cashier at binayaran ang kulang niya.

"Ay, ang sweet naman ng boyfriend niyo miss."

"Boyfriend teh? Kaloka. Sa lipstick kong mas red pa sa dugo, boyfriend?!"

"Aba malay ko po. Eh sa bagay kayo." pambabara ng cashier.

"Eh sabi ko nga." bulong ko.

Naniningkit naman ang mga mata ni Rae habang papalabas at nang makalabas kami ay dun niya na ako inaway.

"Aray! Ba't mo binato yung napkin? Eh kakailanganin mo naman yan ah?!"

"Kainin mo mag-isa!"

"Uy! May utang ka pa saking bruha ka! Magbayad ka!"

Tinaliman naman niya ako ng tingin.

"Di mo ako madadala sa ganyan. Sige na umuwi ka na! Shooo! Wag mo ng bayaran wala ka namang utang na loob eh! Shoooo!" pagtataboy ko dito.

RAILE

"Pina, pinasok mo ba yang buong closet sa maleta mo ha? Tagal mong bumaba." dismayadong tanong ni bakla pagkababa ko sa lobby.

"Sa tingin mo magkakasya yun rito. May utak nga di naman ginagamit, duhhh." pambabara ko. "At sinabi ko bang sunduin mo ako?"

"HAHAHA! Ano ka ngayon? Hi! Rae---" tawang-tawa na sabi ni Archie.

"Ako lang tatawag sa kanya ng ganun Arsenio."

"Edi ikaw lang, hihi. To naman." biglang bawi ni Archie.

"Ay, isinama ko na pala sila. Para di ka mabore." sabi ni bakla.

"Ah, may isinama rin ako."

"Hi boss Chen!"

Napatingin naman kaming lahat sa kakarating lang, si Coco.

Nakibeso siya kay bakla at mangha namang napatingin sa apat na bakla na nakaupo sa sofa.

"Kasama ko pal---"

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon