Chapter 4

1.2K 50 0
                                    

It Was Once My Home

RAILE

"S-saan u-uli ang r-resort?" nauutal kong sabi.

No it can't be, matagal ko nang kinalimutan ang lugar na yun, di naman sana yun ang pupuntahan namin.

Narinig ko siyang salita nang salita pero di ko na maintindihan lalo na nang makumpirma ko na doon pala kami pupunta.

"Hey, Pina okay ka lang?"

"Pina?"

"Short for pinaglihi ng sama ng loob?"

Napatingin ako sa kanya. Matalim ko siyang tiningnan animo'y papatay ako nang wala sa oras.

"Chill. Joke lang yun Rae."

Nabigla ako sa sinabi niya, pero being me, di ko ito pinahalata.

"Nev---" kung pagbabawalan ko siya na sabihin ang agnay ko, mangungulit siya kung bakit, knowing bakla, di siya hihinto. "Let's go."

Nauna akong maglakad.

"Hey! Hintayin mo naman ako, sasambunuta--- hehe joke lang! Sabi ko nga, lumakad ka. Humayo at magpakarami!" sabi nito at sumunod nalang sa akin.

Nakarating kami sa beach. Siya lang ang puro may ginagawa, taga-tango lang ako, bigay ng kailangan niya at tagasalo ng pang-aasar niya.

"Gutom na ako, di ko na keri yung paglalakwatsa natin. Tara kumain tayo gurl!" pag-aaya niya sabay angkla ng kamay sa braso ko.

Lumipas na pala ang araw at gabi na rin pala, ba't di man lang ako nakaramdam ng gutom?

Dahil wala ako sa sarili ay nagpatangay nalang ako sa kanya. Gustuhin ko mang umalis, kanina pa ako nawalan ng lakas nang makarating kami dito.

Pumasok kami sa isang mumurahing karinderya since di pa talaga kilala ang lugar na ito at konti palang ang makikitang establisyemento.

Nagulat naman ako nang halos ilagay na lahat ng ulam sa hapag namin.

"Ang dami naman nito, kakatayin na ba ako?" walang gana kong sabi na ikinatawa naman niya.

"Havey yun gurl. Syempre gaya ng sabi mo, di ko rin alam ang gusto mo kaya inorder ko lahat."

"E sana nagtanong ka."

"Kanina pa kaya ako tanong ng tanong di naman ako nakatanggap kahit 'ni isang Ayoko Niyan, kaya binili ko nalang lahat. Mura lang naman. Kaya tara na, lumafang na tayo!"

Beefsteak, adobo ng baboy at manok, chicken curry, pritong galunggong, sinigang na baboy, menudo, lechon paksiw at caldereta. Fiesta ba ngayon?

Di pa ako nangangalahati pero nakatatlong balik na ang waiter sa kakabigay ng kanin kay bakla.

"Uy Pina--- este Rae, diet ka ba o sadyang wala kang gana o sadyang di ka lang gutom o ayaw mo lang kumain o nagagwapuhan ka sa akin--- eew!" pandidiri niya na tila nangingisay pa.

"Kape kape rin nang kabahan ka sa mga sinasabi mo."

"Sabi ko na eh wala akong magandang sagot na matatanggap sa'yo. Kelan pa kaya? Hmmm."

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon