Epilogue

1.3K 46 8
                                    

Beautiful Scars

RAILE

"Chennie, say goodbye to Lolo." Ani Chen sa tatlong taong gulang na batang babae. Masaya itong kumaway sa puntod ni Papa.

"Wowo Ayko, paypay." Halos di pa nito mabigkas ang mga salita pero naiintindihan naman namin.

"And to mama also."

"Mama, paypay."

"Very goo--- aray!"

"Ikaw kahit kelan talaga yang kalokohan mo." Irap ko dito. Kinuha ko ang anak namin sa kanya at ako na ang kumarga. "Baby, wag na wag kang makikinig sa Papa mo okay?"

Tumango naman ito na tila naiintindihan ako. Ngumiti naman ako at hinalikan ito sa ilong.

"Andayaaa wala akong kakampi. Chennie, say papa. Love mo si Papa diba?"

Umirap nalang ako at nauna na sa kotse.

"Uy Rae! Gawa pa tayo ng isa at nang may kakampi naman ako!" Sigaw nito habang hinahabol kami sa kotse.

Pagkatapos naming pumunta sa sementeryo ay pumunta kami sa grocery store upang mamili ng mga pagkain para mamaya. We will be celebrating New Year's Eve sa bahay namin. Maliit lang naman na salo-salo, yung mga kaibigan ko at ni Chen lang ang dadalo.

"Ba't ba ang dami-dami mong nilalagay?" Tanong ko dito.

"Pakialam mo. Ako may dala ng cart eh, akin na si Chennie."

Inagaw nito sakin si Chennie at naunang maglakad. Napasapo nalang ako ng noo.

"Look baby, ito, kalahi mama mo. Say hi to your titas." Narinig kong usap nito sa anak namin habang tinuturo ang isang hilera ng toyo.

"Wayyy!" Sunod naman ni Chennie.

"Kaya ayaw kong ikaw humahawak kay Chennie eh." Reklamo ko.

"Cheret lang naman. Ano, nabili mo na ba?"

Ipinakita ko naman sa kanya yung cart.

"Teka," napatingin naman ako sa biglang paghinto nito sa paglalakad. "Babyyyy kapatid ng mama mo, ohhh!"

Tumitili-tili ito habang papalapit sa isang monkey stuff toy.

"CHEN!"

"Cheret, kapatid ko talaga 'to." Kinuha niya ang stuff toy at binigay kay Chennie at dumiretso na sa counter.

"Hi Fafa pogi." Bati nito sa cashier. Nakita ko namang nilagay niya si Chennie sa counter.

"Di ko po iniscan yung bata." Nahihiyang sabi nung cashier. Gaga talaga 'tong baklang 'to. Kinuha ko naman si Chennie na ikinagulat niya at iniwan siya sa loob at naghintay sa kotse.

Nakita ko siyang kinikilig na lumabas ng grocery store. Aba'y...

"Ba't moko iniwan dun? Muntik nakong sumama kay Fafa pogi."

Hindi lang ako kumibo at nakipaglaro kay Chennie.

"Tas alam mo, ang ganda ko---"

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon