Chapter 23

1.1K 47 3
                                    

Real Fantasy

RAILE

Tuwang-tuwa naman ako habang kausap si Ferdi. Gusto niya muna daw akong makausap bago siya umalis patungong Italy at dumalo sa isang contest doon para sa bartending. At dahil napasarap ang kuwentuhan namin ay pinili ko munang di bumalik doon, lalo na't na-aawkward rin ako kay Chen.

Nagulat naman ako nang biglang may yumakap sa akin. Sasapakin ko na sana nag makita kong si Chen ito. Halatang nag-aalala siya pero di ko pinansin. Iniiwasan niya ako diba?

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon kong sabi.

"Ano ba naman Rae?! Ako ang kasama mo pero yang posporong yan ang pinagtutuunan mo ng pansin!" sigaw nito na ikinabigla ko.

"At anong pakialam mo doon?---"

"Yun na nga Rae eh! Dapat wala akong pakialam pero dahil sa ewan kong kabaliwan ko nagagawa ko 'to!!!!" sigaw nito.

"So?" pinilit kong maging malamig kahit gusto kong ipagsigawan sa kanya ang nararamdaman ko.

"SO?! ANONG SO?! LINILITO MO AKO RAE EH!!!!"

"Wala akong pak--- anuba?! Bitawan mo ako!"

"DI KITA BIBITAWAN LALO NA AT GINUGULO MO ANG PAGKATAO KO RAE!!! GINULO MO AKO!!!"

Nagpupumiglas ako pero di niya ako binitawan. Nagulat ako nang bigla niya akong ipasok sa cabin niya at nilock nito ang pinto.

"BAKIT RAE!?!! BAKIT PAG SIYA ANG DALI KA NIYANG PATAWANIN PERO AKO? DI KO AGAD YUN MAGAWA??? NAGSESELOS AKO!!!! AT NAIINIS AKO DAHIL NAGSESELOS AKO KAHIT WALA NAMAN AKONG KARAPATAN! AT NAIINIS AKO DAHIL DI KO MAGAWANG KONTROLIN ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA'YO!"

Natulala naman ako habang nakaupo sa kama niya.

"RAE IPAINTINDI MO SAKIN!!! BA'T MO GINULO ANG MUNDO KO! BAKIT?!" sigaw nito. Umiiyak na siya.

Mas lalo ko namang nakumpirma ang nararamdaman ko para sa kanya nang maramdaman kong parang nadurog ang puso ko.

"BAKLA AKO RAE EH! BAKLA AKO! PERO BAKIT GANUN? MAY BOYFRIEND AKO RAE. MAHAL KO SIYA AT MAHAL NIYA AK---"

"SIGE! IPAMUKHA MO SAKIN NA KAYONG DALAWA ANG NAGMAMAHALAN! MASAYA KA NA?!" di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. "MASAYA KA NA BA HA?! MASAYA KA NA BA DAHIL ISINISI MO SAKIN ANG PAGKALITO MO? MASAYA KA NA BA HA!!!"

Nagulat naman ako nang bigla niya akong halikan ng mariin. Nagsusumamong halik. Halik ng pangungulila. Halik na di ko mawari kung ano ang ibig sabihin.

Inipon ko ang lakas ko para maitulak siya bago pa ako mawala sa katinuan.

"ISA PANG HALIK MALALAGAS ANG NGIPIN MO." pagbabanta ko.

Di naman natinag ang bakla at hinalikan ako hanggang sa maihiga ako nito sa kama.

Ulit ko naman siyang itinulak dahil 'tila kung magtatagal pa ay mawawala na ako sa katinuan.

"SUSUNTUKIN KITANG BAKLA KA!"

"GAWIN MO RAE! MAS TATANGGAPIN KO PANG MASAKTAN AKO NG PISIKAL KESA EMOSYONAL."

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon