Chapter 28

707 28 7
                                    

Happy Endings

RAILE

Nagising ako at napatitig sa puting kisame ng kuwarto ko. Ninamanam ko ang lambot ng kama at kumot ko. Nang biglang gumalaw ang katabi ko kaya nagkunware akong tulog.

Ramdam ko ang titig nito sa akin kaya pasimple akong umunat.

"Gising ka na ba?" mahinang bulong nito. Ramdam ko ang mapanuring titig nito at gusto kong tumawa pero pinigilan ko. "Ah, hindi pa."

Naramdaman ko ang pag-alis nito sa kama. Idinilat ko ang mata ko at nakitang pumunta ito sa CR. Ilang minuto muna bago ito bumalik kaya ipinikit ko uli ang mata ko.

Tumabi ito sa akin at nang idilat ko ang mata ko ay nagkunwareng tulog ang baliw.

"Good morning." bati ko dito.

Nag-unat unat pa ito at ngumiti.

"Morning."

"Kakagising mo palang ba? Ang ganda mong gumising." Puna ko.

"Ah, oo. Yun ba?" Nakakatawang kinilig ito 'tila nahihiya pa.

"Ba't pala ang tagal mo sa CR?" Natatawa kong tanong.

Napalitan naman ang ngiti niya ng malapatong ekspresyon.

"Gising ka na ba?" Panggagaya ko sa boses niya.

Nagtampo naman ito at tinalikuran ako.

"Che!"

CHEN

"ANES?!"
"SI RAAILEE?"
"JUGJUGAN?"
"CONGRATS!"

That was Deo, Pat, Benj and Archie in order. Kinuwento ko sa kanila na may nangyari sa amin ni Raile and we're dating now, pero mas shookt sila sa jugjugan part. Si Deo na kulang nalang mahimatay, si Pat na nagluluksa kasi crush niya si Raile, si Benj na jowa na si Kaye pero wala pang ganap sa kanila at si Archie na proud president ng ship namin.

"Yes sist. Ang ganda ko diba?"

Bigla naman akong binatukan ni Pat.

"Hoy! Para saan yon?"

"May lamok te."

Napakamot nalang ako ng batok ko.

"Akala ko pa naman magkakajunior na ako." Bulong ni Pat na rinig na rinig ko.

"Patriciano?!"

"Cheret! Syempre congrats! Anong regalo usto mo? Wag lang teneder nekekebeket!" sagot nito habang nagtatago sa likod ni Deo.

"So sis? Tumikim ka na ng tahong?" pagkaklaro ni Deo.

"Yes sist! Super sarap, worth it yung pagsisisid."

Diring-diri naman si Deo kaya natawa ako. Bigla naman akong kinuwelyohan ni Benj.

"Sis anong ginawa mo? Paano siya pumayag? Paano kayo nagsimula? Anong halik ginawa mo? Sapilitan ba?" Desperadong tanong nito.

Beautiful Scars (ANWAG Part 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon