Chapter 1

8.5K 96 1
                                    

Nanlalaki ang mata ko sa mga nakikita ko pagpasok ko ng Brintè Academy. Last year ang pagkakaalam ko hindi naman ganito yung mga estudyante rito. Sakto lang, yung normal na mayaman. Pero ngayon? Inubos na ba nila pera nila mabili lang yung mga nagagandahang bags, shoes at kung ano ano pang gamit nila?

Humahaba na rin yung nguso ko rito, paano ba naman etong bag na gamit ko bag ko rin nung JHS palang ako. Niyakap ko ng mahigpit yung bag ko habang tinitignan yung mga kaklase kong nag uusap usap tungkol sa mga brands ng gamit nila. Yung isa sa NYC pa daw niya yun nabili last vacation.

Kung ako siguro bibili ng ganyan pang isang taong pangkain na namin nila Mama yun.

Bumuntong hininga ako pagpasok ng teacher namin. Hay salamat!

"Good Morning!"

Binagsak niya ang makapal na libro sa Glass Desk niya. Tinignan niya yung kabuuan ng klase niya.

"Oh! There you are!" Tinuro niya ako, nagulat ako kaya napabalikwas ako.

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin na para bang nagsasabing, kadiri ako.

Tinuro ko rin yung sarili ko, "Ako?"

Tumango ito at tinignan ako sa ilalim ng eye glasses niya, sinenyas niyang lumapit ako sakanya. Tumayo ako agad at pumunta sa harap ng nakayuko.

"Introduce yourself."

Naguluhan ako ron, "Hindi po ako transferee..."

Nagtawanan ang lahat.

"I know, Miss! Dahil Scholar ka rito."

Mas lalong nagtawanan silang lahat. Napalunok ako at nahihiya na.
Umiling iling ako. Fighting lang Aeverlise!!

"Hi! I'm Aeverlise Serene Plamera." Ngumiti ako sakanilang lahat.

Nagtahimik ang lahat at walang umimik, sa kahihiyan ko ay tumakbo ako pabalik sa Desk ko. Natapos ang isang asignaturang walang gulo hanggang sa...

"New Ring...New Ring...New Ring!!"

Nabuhayan yung dugo ko at kinabahan. Nagtakbuhan ang mga estudyante pababa sa may Cafeteria. Nang wala ng tao sa classroom ay tumayo na rin ako at tahimik na naglakad.

Kinakagat ko yung kuko sa may kanang daliri ko. Bawat hakbang ko ay maririnig mo. Pababa ako sa hagdan ng marinig ko na ang ingay na nagmula sa Cafeteria.

Eto na nga ba e, Ang G4 magbabalik na naman. Ang mga hari ng Brintè Academy.

Ang G4 ang hari ng school na ito. Sila ang mga anak ng mga pinaka mayayaman rito sa bansa. Lahat ng gusto nilang gawin. Nagagawa nila, walang nagagawa ang mga school staffs dahil ang pamilya nila ang nagbibigay buhay sa school na ito.

Lahat sila...Nakakatakot, nakakatakot makabangga. Dahil konting pagkakamali mo lang...Makakatanggap ka na ng Red Ring. Sa singsing na yun may naka engrave na G4•Dead

Hindi pa ako nakakatanggap nun dahil nilalayuan ko sila. Wala akong ni isa kinakausap rito sa school. Wala akong kaibigan dito sa school, hindi ko kailangan nun. Dahil ang kailangan ko ay makapagtapos. Ilag ako sa apat na yun. Yun lang ang kahiling hilingan ko. Ang huwag mapalapit sakanila.

Dahil ang apat na yun ang sumisira sa buhay ng iba... Lalo na si Vience.

Vience Dela Vegas

Vience Dela Vegas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon