Chapter 20

1.4K 32 0
                                    

Inabot ko kay Perge ang binili kong juice, binuksan niya iyon at agad na ininom. Umupo ako sa tabi niya at inilagay ang dalawang kamay sa aking bulsa ng cardigan.

"Sorry talaga, naghintay ka ng matagal."

Pagkatapos niyang uminom ay tumingin siya sa akin, "Walang problema, at least dumating ka."

Napangiti ako, kahit kailan talaga ako lang ang iniisip niya, hindi man lang niya naisip na baka hindi na ako dumating.

"Hmm, napansin ko kasi may problema ka kanina..."

Umiling siya at tumayo, nilapag niya rin ang bote ng juice. " Walang problema, Serene, I'll go. Kailangan ko pa ihanda ang isusuot ko sa graduation.

Bago ko pa siya pigilan ay nakalayo na siya, oo nga pala, sa susunod na araw na ang graduation nila. 

"Ayoko man umalis rito, pero kailangan kasi, I'm really sorry, Serene!" Kanina pa ako niyayakap ni Vane sa tabi ko dahil pagkatapos nang class year na ito ay sa states na siya mag-aaral, paulit ulit siyang humihingi ng tawad dahil iiwan daw niya akong mag-isa rito.

Tinapik ko ang likod niya, "Ano ka ba, Vane, okay lang, basta ipangako mo sa akin na hindi mo ako kakalimutan!"

Tumango siya sa akin at nagpuppy eyes, tumawa ako sa ginawa niya at kinurot ang pisngi niya. Inabot niya sa akin ang isang box at binuksan ko iyon. Bumungad sa akin ang isang perfume, shower gel at lotion na mula pa sa Beauty Bar.

"Devane!"

Tumawa siya at niyakap ako ulit, "Linggo linggo kitang padadalhan, kapalit nun dapat i-video call mo ako, okay?"

Nakangiting tumango ako sakanya, tumayo siya nang biglang may humawak sa balikat ko, tiningala ko kung sino iyon at nakitang si Vience.

"Kapag hindi ka pumunta sa airport sa linggo, kalimutan mo ng nakilala mo ako." Dinuro niya si Vience habang tumatawa, nagpaalam siya sa akin at umalis na.

Tumayo ako at hinarap si Vience, niyakap niya ako bigla kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Okay ka lang?"

Tumango siya at mas lalong hinigpitan ang yakap.

"I love you, Aever."

Kumurap-kurap ako at hindi nakasagot sa sinabi niya, bumitiw siya sa yakap at tinapik ang balikat ko.

"Babalik na ako sa room." Ngumiti siya at tinalikuran na ako.

Naestatwa ako roon ng ilang segundo at natauhan lang nang mag-ring ang cellphone ko.

Sinagot ko ang tawag ni Reivan at sinabi niyang gusto niyang mamasyal kami, pumayag ako at sinabi kong magkita na lamang kami roon, pumayag naman siya agad.

Nang mag-uwian na ay tumungo muna ako sa auditorium para panoorin silang nagpapractice ng Graduation. Hinanap ko kung nasaan si Vience, nahanap ko kung nasaan ang tatlo, kumaway sila at ngumiti sa akin, nawala ang ngiti ko nang makitang wala si Vience doon. Tumayo ako para lapitan sila Gaez dahil malayo pa naman sila.

"Serene."

"Nakita niyo ba si Vience?" Nagkatinginan silang dalawa ni Blaze at nagbikit balikat, tumingin ako kay Perge.

"He's in Rooftop, I don't know if he's still there." Napangiti ako sa sinabi niya at agad na tumakbo papunta doon.

Bukas na ang graduation kaya bakit hindi siya nagpapractice? Hingal na hingal kong binuksan ang pinto ng rooftop, nilibot ko nang tingin ang rooftop pero wala na siya roon. Napaupo na lamang ako sa may bench at kinagat ang pang-ibabang labi.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon