Chapter 38

1.4K 23 0
                                    

"Reivan?" nagulat ako nang pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Reivan, nakangiti ito sa akin at may hawak na box.

"Seaver," pumunta siya sa harap ko at inabot sa akin ang box. "Pwede ka bang sumama sa party ng school namin mamayang gabi?"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil naisipan ko sanang bantayan si Vience, kaso ang makitang ganito si Reivan ay ayoko naman sana. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Sige, sasama ako sa'yo."

Lumawak ang ngiti niya sa akin at niyakap ako, niyakap ko siya pabalik at pinasok ang binigay niyang box, binuksan ko 'yon at nakitang magandang gown 'yon, lumungkot ang mukha ko. Saka ako huminga ng malalim, hindi ko alam kung paano napunta ang sitwasyon sa ganito. Matalik kong kaibigan si Reivan simula bata pa lamang kami. Lumaki kaming magkasama at bilang magkasintahan pero bakit napunta lahat sa ganito? Yon bang simula nakilala ko ang G4 ay nag-iba na ang takbo ng buhay ko.

Pinikit ko ang mata ko at hinagkan ang binigay niya sa aking gown.

I'm sorry, Reivan. I betrayed you.

"Ano'ng klaseng mukha yan, Serene?" kumunot ang noo sa akin nila Vane at Atashia nang makitang wala akong ekspresyon at nakatulala lang.

Natauhan ako at tinignan din sila, "huh?''

"Anong 'huh?', hibang ka na ba, Serene?" umupo sa table si Atashia at nilapit ang mukha sa akin, "don't tell me ini-stress mo na naman ang sarili mo dahil kay Vience!?"

Ngumuso ako at umiling, "hindi no, tabi nga. Maiwan ko muna kayo, may pupuntahan lang ako." Niligpit ko ang gamit ko at nilagpasan na sila.

Naglalakad ako malapit sa field nang sinabayan ako ni Blaze maglakad, tiningala ko siya at nakitang naka-simangot siya.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong ko at tinignan siya lalo.

"Nakakahawa ka kasi, ayan, pumapangit pa naman ako kapag naka-simangot!"

Natawa ako sa sinabi niya at pabiro siyang kinurot sa braso, "loko ka talaga, Blaze!" tumawa rin siya at inakbayan ako.

"Huwag ka ng sumimangot, kung ano man yang problema mo, matatapos rin yan. Kung si Vience ang iniisip mo gagaling rin siya at gigising. Pakakasalan ka pa daw niya, e."

Gumuhit ang ngiti sa aking labi at hinawakan ang suot kong kwintas na may nakaukit na pangalan ko, huminto kami sa paglalakad nang makita namin si Gaez na may binibigyan ng bulaklak ngunit ayaw atang tanggapin dahil nakapamewang ito at mukha siyang nag-aalburoto. Siguro tulad ko yang babaeng yan, galit sa Gorgeous four.

Dumako ang tingin niya sa amin, kumaway siya at binalik ang tingin sa babae nang umalis ito sa harapan niya, tumawa ako at nakipag-apir kay Blaze.

"Bakit kaya hindi natin siya ilapit kay Atashia?"

Nagkatinginan kami, agad din akong sumimangot sa kanya. "May boyfriend si Atashia!"

Ngumuso siya at mukhang nagulat sa sinabi ko, "talaga? Sino?"

"Wala rito, nasa korea."

Tumango-tango siya at binalik ang tingin kay Gaez, naglalakad na ito ngayon patungo sa amin.

"Grabe! Ayaw talaga sa'kin. Hindi naman kagandahan."

Kinunotan ko siya ng noo at hinatak siya palapit sa akin, "ano'ng sabi mo? Gaez, sabihin mo nga kung hindi ka nagagandahan sa kanya, ano yang pa-flowers mo?"

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko, "easy, Serene, pa hard-to-get kasi. Kung sana maganda siya at ma-shape ang katawan."

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso at tumawa. "Tutulungan sana kita, kaso mukha trip mo lang, huwag na!" tinignan ko si Blaze na tawa ng tawa, "ikaw, bakit hindi kita ilakad kay Vane?" ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon