Chapter 24

1.2K 18 0
                                    

"He has an amnesia, Serene, he doesn't know you. Last year kaya umalis kaming tatlo dahil yun yung time na naaksidente si Vience, madali niya kaming naalala, pero ikaw...hindi kami hinayaan ni Mrs. Dela Vegas na ipaaalala ka sakanya."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig iyon.

"Hindi ka niya kilala, Serene."

Bumitiw ako sakanya at pilit na ngumiti, kung hindi niya ako kilala, mas mabuting hindi ko rin siya kilala.

"Hindi ko rin naman siya kilala." Ngumiti ako at hinatak na siya, ''Tara dun, hinihintay ako ni Tash."

Pinaupo ko siya sa tabi ko, nagulat pa si Atashia nang makitang kasama ko si Perge, nakita niya ata ang ekspresyon ko kaya wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan na muna ako.

Hindi ko alam kung paano ko nagagawa ito, yung pigilan na huwag maiyak sa harapan ng mga taong pinapasaya ko araw-araw. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang magkunwaring wala lang sa akin ang nangyari.

If you love someone set him free, if he comes back it's yours, if not it will never meant to be.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya silang bumalik na sa mga rooms nila, since 2:00 pa naman ang next class ko ay magpapahangin na lang muna siguro ako sa rooftop.

Dahan-dahan akong naglalakad paakyat dahil natutulala ako, napahigpit ang hawak ko sa hawakan sa may hagdan, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinilit pa rin pigilan na huwag tumulo ang mga nagbabadyang luha, ngunit huli na nang tumulo na ito. Nagmadali akong umakyat at agad na pumasok doon, tumakbo ako patungo sa may veranda.

Gusto ko siyang sigawan na kung bakit sa lahat ng makakalimutan niya bakit ako pa?

Then I just heard someone singing. Nah, it's a familiar voice and a familiar song.

When you were here before

I can't be wrong. It is him, that hisky voice of him.

Naglakad ako ng dahan dahan.

Couldn't look you in the eye
You're just like an angel

And yes, I was right, he's sitting and singing, nakasarado ang dalawang mata habang kumakanta, parang napaka-kalmado niya sa tuwing kumakanta siya.

Your skin makes me cry
You float like a feather

Tumapat ako sa harap niya, hinahangin ang buhok ko pero hindi ko inintindi iyon at tinignan ko lang siya, sa sumunod na linya ay sinabayan ko siya sa pagkanta.

In a beautiful world
I wish I was special

Nahinto siya sa pagkanta at idinilat ang mata, nagulat siya nang makita ako sa harapan niya. Tumayo siya at kumunot ang noo niya sa akin.

"Who the hell are you!?" Singhal niya sa akin.

Hindi ako nagpatinag at nakipaglaban ako sa titig niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"I'm asking you! Who-"

I cutted him off, "Aever." Nilahad ko ang kamay ko sakanya.

Tinignan niya at agad din binalik ang tingin sa akin.

''Weirdo." Aniya at inayos ang mga gamit niyang nakakalat.

Tinignan ko siya at napangiti.

"But I'm a creep, I'm a weirdo." Pakanta kong sambit.

Tumingin ulit siya sa akin at nang naka-kunot anh noo.

"Can you please leave now?" Mahinahon ngunit alam kong nag-iinit na ang ulo niya, "Or else, I'll give you a red ring."

Ngumiti pa ako lalo at kinagat ang pang-ibabang labi, eto na naman ang mapagbiro kong mata.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya, "I'm honored."

Binitawan niya ang mga dala niya at lumapit sa akin, "Sino ka ba, ha?"

Umatras ako dahil hindi ko na kaya yung mga sinasabi niya sa akin, hindi niya ba talaga ako naaalala? Kahit pangalan ko lang. Yung pangalang siya mismo ang tumawag sa akin. Kasi kung hindi niya talaga ako kilala, hindi ko na rin siya kilala.

"Aever."

Nag-igting ang panga niya at bumuga ng hangin, tumango ako at unti-unting lumayo sa kanya.

"We're s-schoolmates s-since I was in junior, nothing special." Ngumiti ako at tumakbo na palabas ng rooftop.

Napaluhod ako sa sahig nang makababa ako, sunod-sunod na tumulo ang luha ko, pero gaya ng dati, may nagtapik ng likod ko at niyakap ako sa gitna ng aking pag-iyak.

"Don't push yourself to him, Serene, masasaktan ka lang."

Binuhat ako ni Perge at tinakpan ang mukha ko, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero niyakap ko nalang siya para mas gumaan ang pakiramdam ko.

"Hindi niya ako kilala, hindi ko na rin siya kilala." Sambit ko at nilingon siya nang nilapag niya ako sa isang upuan.

Nasa abandoned room kami, inayos niya ang magulo kong buhok at ngumiti sa akin.

"Please, Serene, don't get hurt. He's not the only man in this world, marami ang nagmamahal sa'yo, hindi mo lang nakikita. Subukan mong lumingon sa iba, makakalimutan mo rin siya."

Tinignan ko ang bangle na ibinigay niya, hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ako makasagot, ayokong magsalita na alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya.

"Be my girl, Serene."

Napatigil ako sa sinabi niya, ipinakita niya sa akin ang hawak niyang bangle, doon ang nakasulat ay A&P. Hindi ako agad nakasagot, nahalata niya atang nagulat ako kaya hinawakan niya ang ulo ko at niyakap ako.

"I'll give you some time para mag-isip, don't think too much. Okay?" Tumingim siya sa akin.

Tumango ako at ngumiti rin pabalik, dinampian niya ng halik ang noo ko at may kinuha sa bag niyang iilang libro.

"This might help you, hiniram ko yan kay Celina, parehas kasi kayo ng course."

Imabot ko yun at nagpasalamat. Ang hawak na bangle ay inilagay niya sa aking bag bago ako iniwan.

"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin si Perge? Ang swerte mo siguro kung siya na lang at hindi na si Vience."

Tinignan ko si Clayi sa kabilang banda, wala siyang trabaho ngayon kaya nandito siya sa bahay at nanggugulo. Umiyak na rin ako sakanya kanina dahil kinwento ko sakanya yung mga nangyari.

"Mahirap kasi, Clayi, paano ko siya tatanggapin kung hindi ko siya mahal? Masasaktan ko lang siya."

Binato niya ako ng unan, "Eh ikaw, ilang taon ka na bang nasasaktan, Everlise? Gising-gising rin!"

Inirapan ko siya at nag make face, "Wala ka kasing boyfriend!"

Tumayo siya sa sofa at lumapit sa akin, "Ah, ganon?" Tumawa siya at kiniliti ako, "Ganon pala, ah!"

"Ano ba, Clayi! Lumayo ka nga!" Tumawa ako at bumagsak sa sahig dahil sa kiliti.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon