Chapter 39

1.5K 27 0
                                    

Habol ko ang aking hininga nang huminto ako sa harapan ng kwarto ni Vience, ang dibdib ko ay naghahabol dahil sa aking pagtakbo, unti-unting gumalaw ang paa ko upang mas lalong lumapit roon. Hinawakan ko ang door knob at mariing pumikit bago 'yon binuksan, dinilat ko ang mata ko at lahat sila ay nakatingin sa akin, bumagsak ang tingin ko kay Vience na nakahiga pa rin doon. Nakatingin na rin siya sa akin at dilat na dilat.

Bumuhos ang luha ko nang makitang buhay na buhay siya ngayon, hinawakan ko ang laylayan ng aking gown at tumungo sa kanya, pinalibot ang aking kamay sa kanyang leeg, sumubsob ako sa dibdib niya, marahan kong naramdaman ang paghaplos niya sa aking ulo.

"Gising ka na, Vience..." tila basag ang aking boses nang sambitin ko 'yon pumikit ako at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Baka masaktan si Vience, Serene." Bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap nang magsalita si Gaez sa aking likuran.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at hinawakan ang kitang-kita pa rin na pasa niya.

"Huwag na huwag mong pabayaan sarili mo, Vience!" bahagya kong pinalo ang braso niya.

Humikbi ako at mas niyakap pa siya lalo, narinig ko ang halakhak niya sa aking tenga, "you're crying, why?"

"Akala ko hindi ka na gigising, Vience! Alam mo bang pwede akong mamatay sa takot."

Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at diretsong tinignan sa mata, "ngayon hindi na kita pakakawalan, Vience, akin ka na ulit, maalala mo man ako o hindi, akin ka na." Then I kissed him directly at his lips. I closed my eyes so that I can feel him.

Nadilat lamang nang marinig ang pang-aasar nang aking mga kaibigan at ng pamilya ni Vience, hinawakan niya ako ulit sa ulo at mas lalong lumalim ang kanyang paghalik. Bumitiw ako sa paghalik at ipinakita sa kanya ang kwintas na suot.

"Dati sabi mo may ibibigay ka sa akin, pero hindi mo na naibigay dahil marami nang nangyari...siguro ito yung ibibigay mo sa akin, Vience."

Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan ang kwintas na nasa kanyang leeg, ngumiti ako sa kanya at tumingin sa kanyang pamilya.

"I will marry your son, even you don't want, I will. Wala pong makakapigil sa akin."

Tinignan ko ng diretso ang mukha nila, pinanliitan ako ng mata ni Madame Vina atsaka lumapit sa akin, hinawakan niya ako sa baba gamit ang kanyang daliri.

"Then marry him." Gumuhit ang ngiti sa labi niya at niyakap ako, "from now on, call me 'mommy', I'll try my best to like you." Tinignan niya ako.

"Ano pa ba magagawa namin, it seems like Vience like you a lot too." Humalakhak ang kanyang ama.

Naramdaman ko ang paghawak ni Vience sa akin kamay, nilingon ko siya at tinignan niya naman si Perge, nakita ko siyang papalabas. Nginitian ko siya bago ko hinabol si Perge.

"I'm sorry."

Nahinto siya sa paglalakad at unti-unti akong tinignan, wala siyang ekspresyon, tulad ng dati. Nung una ko siyang nakita sa rooftop, 'yong walang ekspresyon na mukha ni Perge.

"I just want you to be happy, Serene."

Walang nagsalita sa amin ng ilang halos isang minuto, nagulat ako nang hawakan niya ako sa baywang patungo sa kanya, niyakap ko siya pabalik nang humigpit ang yakap niya sa akin.

"You will always be my boy bestfriend, Perge, you're my savior when I'm in a bad situation."

Hinaplos niya ang likod ko bago bumitiw sa yakap, ngayon ay tipid siyang ngumiti sa akin.

"I will always stay beside you, remember that."

Tumango ako at pinakawalan na siya, pinagsalikop ko ang mga daliri ko at nang hindi na nakita si Perge ay bumalik ako sa loob. Inasar-asar ako nila Gaez at ng mga babae kong kaibigan dahil nagmukha daw akong desperada sa aking ginawa, pinagtanggol naman ako ni Vience.

"Aalis muna kami." Kumindat si Atashia sa akin at hinatak palabas si Gaez, ngumiti ako sakanila at binaling ang atensyon kay Vience.

Kami na lang ang naiwan rito, umupo ako sa gilid niya at hinawakan ang kamay niya at pinaglaruan. Nakapikit siya habang nakangiti.

"Vience..."

"Hmm?" hindi siya dumilat, hinawakan ko ang isa niyang pisngi at dahan-dahan 'yon tinapik.

"Magpagaling ka, ah."

Dumilat siya at hinawakan ang kamay ko ng mas mahigpit, ngumiti siya sa akin at mas nilapit ako sa kanya.

"Magaling na magaling na ako, cupcake."

I was shocked, hindi ko alam kung anong ikinagulat ko nang sabihin niya 'yon, siguro dahil ngayon may naalala siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagpigil ng ngiti.

"When I'm in coma, I had a dream calling you cupcake."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, sinuklay ko ang curly perm niyang buhok gamit ang aking mga daliri, "wala ka man maalala sa nakaraan natin, araw-araw ko naman ipaparamdam sa'yo yung pagmamahal na ibinigay ko sa'yo noon, hanggang ngayon."

It's like a magic that in just a glimpse of an eye, we were together again, I waited for about four years, he came and didn't recognize me, but his heart telling him that I was that girl. I am that girl, who love him. And I promised to myself that I will marry this Badboy.

I watched them walking at the aisle, today, they are celebrating their graduation. Cameras all over the auditorium. Mayroong press sa labas, bilang isang Dela Vegas ay makapangyarihan sila. Sikat ang pamilya nila kaya't pati ang graduation na ito ay sinusubaybayan ng lahat.

I smiled when our eyes met, kumaway ako sa kanya at pinanood sila na kumakanta. Pumalakpak ang lahat nang tinawag ang apat upang sabihin ang kanilang speech, pinagsalikop ko ang mga daliri ko at mas lalong lumawak ang aking ngiti nang nagtawanan silang apat sa harapan at nagfinger heart sa harap, tumawa ang mga tao sa kanilang ginawa kaya nagkaroon ng ingay sa paligid. Huminga ako ng malalim at tinignan ang hawak ni Blaze bilang award nila rito sa school at bilang isa sa mga tumulong na mapaganda ang aming skwelahan.

Isa-isa silang nagsalita, makahulugan ang mga sinabi nila at may matutununan ka, tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinasabi nila, nagsigawan naman ang mga tao nang biglang kinuha nila ang mga iba't ibang instrumento, ang kay Perge ay flute, si Ga...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isa-isa silang nagsalita, makahulugan ang mga sinabi nila at may matutununan ka, tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinasabi nila, nagsigawan naman ang mga tao nang biglang kinuha nila ang mga iba't ibang instrumento, ang kay Perge ay flute, si Gaez ay Violin ang kay Blaze at Vience ay gitara.

"Can I call Aeverlise Serene Plamera?"

Kumunot ang noo ko kay Vience, tumingin siya sa akin dahilan nang pagtingin din sa akin ng mga tao, namula ang mukha ko, gumuhit naman ang ngiti sa kanyang labi.

"I want to sing a song for my girl, She's Serene. The love of my life."

Mas lalo pa akong namula, tumayo ako at tila nanigas sa kinatatayuan, nagbulong-bulungan ang mga tao at ilang saglit lang ay marami na silang sinabi na ang swerte ko raw kay Vience.

Nag-umpisa siya mag-gitara, alam ko kung anong kakantahin niya. 'yong kinanta niya sa aming unang date. Ngumiti rin ako at hindi na nakalma ang aking puso na tumibok ng sobrang bilis, ang makita siyang kinakantahan ako sa harap ng maraming tao ay nagpapalambot sa akin.

That bad boy can make my heart melt in just a glimpse of his smile, sumulyap siyang muli sa akin, gaya ng dati ay natulala na naman ako nang makita ang paglubog ng kanyang dimple. My yoda.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon