Chapter 40

2.5K 37 0
                                    

Ngumiti ako sa mga estudyanteng bumabati sa akin, ang mga ibang kakilala ay binabati ko rin pabalik. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa aking bag at kumaway sa kakilala kong binati ako, ang sarap sa pakiramdam na wala ng nambu-bully sa akin pagpasok, parang nakakapanibago. Mayroon sa akin ang hinahanap-hanap ang mga nangyayari sa akin noong panahon na ginugulo pa ako ng Gorgeous Four, mga oras na nakakatanggap ako ng red ring nila. 'yong mga oras na sabay-sabay kaming kumakain.

Niyakap ako ni Atashia at Vane nang magkita na kami sa harap ng room namin, sa asignatura na ito ay magkakaklase kami. Maraming nagbago sa kanila, sa akin? Wala. Siguro kung mayroon mang nagbago 'yon ang ngiti sa aking labi.

"How's your vacation?"

Nagbikit-balikat ako at ngumiti kay Vane, nag-stay ako kila Mama sa ibang bansa ng ilang buwan para makasama ko naman sila, ilang araw lang ay sinundan ako ni Vience roon. Ipinakilala ko rin siya kila Mama at Papa, they are shocked nang marinig nila ang Dela Vegas. But still, I explained. Hindi sila bitter kaya sinuportahan nila ako roon.

Nilapag ko ang tray sa table namin nila Atashia nang maka-order na ako, nag-angat ng tingin sa akin si Vane at ngumiti.

"Baka hindi ako makasabay sainyo mamaya, susunduin ako ni Blaze."

Pinanliitan ko siya ng mata at binitawan sandali ang kubyertos, tumawa si Atashia sa gilid niya at nagpangalumbaba sa kanyang harapan.

"Kayo na ba?" nagpuppy-eyes pa si Atashia sa kanya.

"Kayo, kelan kakasal?" tukoy ko sa koreano niyang boyfriend.

"Seriously, Serene, are you teasing me? Last month pa kaming wala. Madali siyang magsawa." Ngumuso siya at nagpatuloy na lang sa pag kain.

Itinikom ko ang bibig ko at hinawakan muli ang kubyertos para magpatuloy sa pag kain. Hindi pa ako nakakasubo ay narinig ko na ang sigawan at tilian nang mga estudyante, nag-angat ako ng tingin at nakita ang aking pinakamamahal, simple lang ang suot nito hindi gaya ng dati. Napangiti ako nang makita ang ayos niya, sinunod niya ang gusto ko na maging simple siyang tao. Nakita ko rin ang buhok niya na hindi niya pinaayos.

Tumayo ako at sinalubong siya ng yakap, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking baywang, lalong lumakas ang tilian sa paligid.
Hinaplos niya ang buhok ko at bumulong sa aking tainga.

"Lunch with me."

Tumango ako at nilingon ang mga kaibigan, kinuha ko ang mga gamit ko at nginitian nila ako ng nakakaloko at ngumisi, nanlaki ang mata ko nang bigla akong binuhat ni Vience, humawak ako sa leeg niya.

''What the hell, Vience!" humalakhak ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanyang leeg.

"You're not heavy at all, you're so skinny. Hindi ka'ba pinapakain ng maayos?"

Kinunotan ko siya ng noo, "what?"

Then he smirked, "I'll feed you myself."

Nanlaki ang mata ko at hinampas siya, "the hell!"

Tumawa siya at lumabas na naman ang kanyang dimples, napangiti ako at hinawakan ang malaki niyang tenga, "My yoda." I whispered.

Tinignan niya ako ng nakakaloko at dinampian ng halik ang tungki ng aking ilong, I thought this is  just a dream that I'm dreaming since he left me. But now, in front of me he was standing smiling at me. Holding my hands. I never imagined myself that I would love him this much. He makes my heart beat so fast, and that butterfly in your stomach.

"Dinner's ready. Hinihintay na lang ang pagdating nila Mum and Pup."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya ng may ngiti sa labi, hindi ko siya maabot dahil masyado siyang matangkad sa akin, pero kapag ganito ang nangyayari ay yumuyuko siya. Hinawakan ko ulit 'yong dalawa niyang tenga at pinaglaruan 'yon.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon