Chapter 33

1.3K 25 0
                                    

Titig na titig ako kay Reivan habang pinupunasan niya ang mga luha niyang patuloy pa ring tumutulo kahit na pinupunasan niya. Kitang-kita ko ang pag-akyat baba ng kanyang balikat.

"I'd even cried." Then he laughed, faking his feelings.

Yumuko ako at nilapitan siya, hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya ng diretso kahit na nakapikit siya.

"Nandito lang ako, Reivan, hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. Sorry pero yun lang talaga ang maibibigay ko para sayo." binitawan ko ang kamay niya at tumayo.

Muli ko siyang tinignan bago ako lumabas ng kwarto niya, bumungad sa akin si Auntie na nakangiti. Niyakap niya ako at tinapik ang aking likod.

"Sana malinawan na siya sa pinag-usapan niyo, hija."

Tumango ako sa kanya at niyakap siya pabalik, "Nandito lang po ako para sa kanya, Auntie."

Bumintong hininga si Vane nang binitawan niya ang kanyang ballpen.

''Napapagod na ako magsulat!" biglang sabi niya at sumandal sa upuan.

"Ang tamad talaga nito."

"Ikaw kaya ang gumawa!"

Nahinto ang pagsasalita nila at tumingin sila sa akin, napatingin din ako sakanila.

"B-bakit?"

"Anong nangyari at tulaley ka dyan?"

Ngumuso ako at umiling, magsusulat na ulit sana ako nang biglang may humalik sa pisngi ko, inangat ko ang tingin ko at nakitang si Perge iyon.

"Surprise!" tumawa siya at inabot niya sa akin ang bouquet na hawak niya. Tumayo ako para yakapin siya, inamoy ko ang bulaklak at mabango iyon.

Nung naging kami, madalas na siyang magsalita at nakangiti, palagi rin siyang tumatawa. Hindi tulad noong unang nagkakilala kami.

"Ang sweet!" Sabi ko at naupo ulit, tumabi siya sa akin at pinanood ako sa ginagawa ko.

"Busy ka ba ngayon?"

Sasagot na sana ako nang biglang tumayo ang dalawa at nagwave sa akin na aalis na daw sila, ngumiti lang ako.

"Medyo, may hinahabol kasi akong project."

Ngumuso siya at tumayo. "Well, hindi na muna kita kukulitin. See you later!" pinisil niya ang pisngi ko at umalis na.

Iiling-iling akong nagsulat ulit, nakakalahati na ako nang biglang may umupo ulit pero sa harapan ko na ngayon. Hindi ko yun pinansin at nagpatuloy lang.

Naramdaman ko ang bahagyang pagkilos niya kaya inangat ko ang tingin ko at nagulat ako nang makitang si Vience ang nasa harapan ko. Nang tumingin ako ay inilapag niya sa table ang paperbag niyang dala habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

"Anong kailangan mo?" tanong ko at tumingin sa dala niya.

Hindi siya nagsalita at ngumisi lang siya sa akin. Lumabas ang dimple niya kaya natigilan ako. Then I just remembered, this is familiar. Back then, naupo rin siya sa harapan ko at tinitigan ako ng pagkatagal-tagal.

Nabitawan ko ang ballpen ko at nakipaglaban ako sa titig niya. "Anong kailangan mo, tinatanong kita?" ulit ko sa tanong ko.

Hindi siya nagsalita at mas lalo siyang ngumisi sa akin, nagpapa-cute ba sya? Kasi kung oo, hindi siya cute, dahil gwapo siya. 'yang ngiting yan! Yan ang pinaka-ayokong makita sa kanya. Ang ngumiti siya, dahil para sa akin kahinaan ko iyon pagdating sa kanya. Bihira lang siya ngumiti, at siya lang ang nagpaparamdam sa akin nang ganito kapag ngumingiti siya.

"What? I just touched your...uh-big ear?" aniya, kumunot ang noo ko nang ginaya niya boses ko.

"Naalala ko yung sinabi mong yan sa akin. Sa panaginip ko hindi malinaw ang mukha ng babae pero alam kong ikaw yon, yan ang sinabi mo sa akin pagkatapos mong hilahin ang tenga ko."

I gritted my teeth, secretly.

"Tama ako, di'ba? Ikaw yun. Wala ng iba, kundi ikaw lang, Aever. Ikaw na ikaw lang."

Ngayon naman ay ako naman ang ngumisi sa kanya, "Ano nga sa'yo kung ako yun? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo lahat-lahat?"

Hindi siya sumagot at tinitigan na lang niya ako ulit. Nakangisi siya sa akin at tila inaakit ako ng maganda niyang ngiti. Pwede ko bang sabihin na naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil gustong-gusto ko siyang halikan ngayon. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihin bumalik na siya sa akin? At nagagalit ako sa sarili ko dahil ngayon, pinisil ko ang dalawang malaki niyang tenga.

"Yan! Ganyan yun di'ba? Mali, ganito pala." Medyo hinatak ko ang tenga niya.

Mas lalo siyang ngumisi pero ramdam ko ang gusto niyang magalit sa akin dahil ang pinaka ayaw niya ang ginagalaw ang malaki niyang tenga, dati nung ginawa ko daw sa kanya yun binugbog niya ang lalaki para doon ibuntong ang galit. Ayaw niya ipakita sana sa akin pero para na daw syang sasabog kung hindi niya mailalabas ang galit.

"Nagagalit ka ngayon di'ba? Kasi ginalaw ko ang tenga mo...pwede mo akong saktan kung gusto mo. "

Nawala ang ngisi sa kanya at seryoso na lang akong tinignan.

"Naaalala mo ba ang ginawa ko non, nung ginawa mo yan sa akin? Kung natatandaan mo, iyon ulit ang gagawin ko. Kung alam mo ang rason, sana isipin mo."

Tumayo siya at binalibag ang upuan na inupuan niya kanina, nanghatak siya ng lalaking estudyante at pinagsusuntok iyon, napatayo ako sa gulat sa ginawa niya lalo na't tinadyakan niya ito at sinuntok ulit, bumagsak ito sa lupa. Kitang kita ko ang naghahabol na hininga si Vience, mula sa likuran niya.

Iniwan niya ang lalaki at naglakad na palayo. Mariin akong pumikit, kasabay non ang may mga pagbato sa akin ng mga kung ano-ano.

"Sinabi ko bang saktan niyo ang babaeng yan!?"

Tumingin pabalik si Vience sa amin, tumigil sila at parang langgam na binuhusan ng tubig dahil sa kakamadaling umalis.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya, una siyang bumitaw sa titig at nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko pa si Tazanna na humarang sa kanya ngunit binaliwala niya iyon. Nilingon ako ni Tazanna at masama akong tinignan.

Binagsak ko ang tingin ko sa paperbag na dala niya, binuksan ko iyon at tinignan ang laman. Napa-upo ako nang makitang ito yung kinain namin sa first date namin sa garden. Hindi kumpleto pero parehas ang mga pagkain, binuksan ko iyon para tikman. Napansin ko ring may note siya.

Aever,

I still can't remember your face, but you're still visiting me in my dreams.

Vience

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon