Chapter 18

1.5K 27 0
                                    

Naglalakad ako papasok ng school nang salubungin ako ni Vane, ngayon ay hindi siya mukhang problemado dahil iba ang ngiti niya ngayon.

"Serene! Buti naman dumating kana, nag-bake ako ng cupcakes, baka gusto mo?"

Natawa ako nang sabihin niya ang 'cupcake'

"Bakit?" Umiling ako sakanya at inabot ang hawak niyang box, ngumisi siya at kinurot ang baywang ko. "Ah! Cupcake kasi tawagan niyo ng ex-fiancé ko." Tumawa rin siya at hinatak na rin niya ako.

Pumunta kaming cafeteria para kainin iyon, narinig namin ang pamilyar na tilian, pumasok ang apat na pinakagwapo, pinakamayaman sa school na ito. Dumiretso ang tingin sa akin ni Vience, at ni Perge.

"Vience!" Kumaway si Vane at nagtaas ng kilay sa akin.

Umiwas ako ng tingin at kinagatan ang hawak na cupcake.

"Hi." Nakangiting inangat ko ang tingin ko nang makitang si Perge iyon.

"H-hi." Hinawakan niya ako sa braso at hinatak patayo, napatingin ako sa mga kasama niya at kay Vane, sumenyas ako na babalik ako at okay lang naman. Wala naman silang naging reaksyon ngunit si Vience ay biglang hinatak rin ako pabalik.

"Where you goin' " Lumipat ang tingin niya kay Perge.

Suminghap si Perge at binitawan ang kamay ko. "Who cares?" Nagtaas siya ng kilay at hinawakan ulit ako ngunit iniwas ko na ang kamay ko.

"Kakausapin ko kasi Vience, Perge, sorry." Tinalikuran ko si Perge at hinawakan si Vience at naglakad palayo.

"Ha, sino siya para kunin ka niya sa akin basta basta!?" Kanina pa siya bulong ng bulong kahit na nakalayo na kami kila Perge.

"Nababaliw ka na ba?"

Lumayo siya sa akin kaonti at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ayoko magpractice ng graduation, tara uwi!" Binuhat niya ako bigla hanggang sa may labas at binitawan lang niya ako nang nariyan na ang sasakyan nila.

"Ano ka ba, Vience!? Saan mo ako dadalhin?"

Tumawa siya at kumindat lang sa akin.

Nang makita ko na ang pamilyar na lugar ay alam kong sakanila kami pupunta, hindi nga ako nagkamali dahil doon nga ang tungo namin.

Bumaba kami at hinawakan niya ako sa kamay papasok sakanila.

"Asan si Lola?" Tanong ko.

"In her room, hayaan mo lang siya magpahinga." Ngumiti ako sakanya at tumango.

Nakita ko ang blangkong litrato, nandoon yung mukha ko noon ngunit ngayon ay wala na.

"Ah, wait me here, may kukunin lang ako." Binitawan niya ang kamay ko at naglakad paakyat.

Tumingin ako sa paligid at kahit nung una ay manghang mangha ako sa ganda ng mansion nila. Napatingin ako sa labas nang may narinig na humintong sasakyan, bumaba ang isang pamilyar na matandang babae. Ang matapang nitong mukha ay bumagsak sa akin. Napaatras ako at naitikom ang bibig.

Inabot niya sa katulong ang bag na mamahalin, hindi niya inalis ang tingin sa akin hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Tinanggal niya ang coat niya at pinasadahan ulit ako ng tingin.

"Aeverlise, right?" Umayos akon ng pagkakatayo nang magsalita ito.

"O-opo."

Ngumisi siya, "You're not that beautiful, I was thinking why did he like you so much?"

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam ang kasagutan roon.

"You're not even rich."

Bumuntong hininga ako at ngumiti sakanya, "Hindi lang naman po sa yaman nakukuha lahat."

Tumawa siya at hinubad ang singsing niyang may malaking bato, inabot niya iyon sa katulong.

"Money can do everything. Money changes everything." Saad niya.

"Mali po kayo." Ngayon ay sumeryoso na ang mukha ko.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "So magkano ang kailangan mo?"

Napaatras ako, naikuyom ko ang kamao ko at hindi na lamang nagsalita.

"Since yun lang ang kailangan mo sa anak ko, ako na ang magbibigay sayo, hija."

''Hayaan niyo po akong magsabi sainyo nito." Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko ito, ngunit masyadong nasaktan ang ego ko sa sinabi niya.

Hindi totoong iyon lang ang habol ko kay Vience, kahit na ako hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sakanya, bigla na lang na gusto ko siyang makita palagi. Hindi pera ang habol ko, dahil kung pera lang din bakit handa akong talikuran ang mas mayaman na si Reivan para sakanya?

"Gusto ako ng anak niyo, at gusto ko rin siya. Mali, mahal ko po ang anak niyo. But it doesn't mean I'll marry him, it doesn't mean I can be with him, I already have a fiancé, Ma'am. So don't worry, hinding hindi ko aangkinin ang anak niyo, hahayaan ko lang ang sarili ko na maging masaya ngayon, dahil darating ang panahon na ikakasal ako sa iba at hindi sakanya."

Ngumiti ako at tinalikuran na siya, nagtipa na lang ako ng mensahe para kay Vience na nauna na akong umalis dahil may emergency.

Bumuhos ang luha ko nang makalayo na ako doon, parang mali ata ang sinabi ko. Bakit parang nasaktan ako kahit na ako naman ang nagsabi nun?

Nagulat ako nang mag-ring ang phone ko, si Reivan ay tumatawag. Agad ko iyon sinagot.

"Reiv."

"Seaver, where are you?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago ako sumagot. ''Huwag mo na ako sunduin, nauna na ako."

Pinatay ko agad ang tawag at didiretso na lang siguro ako sa shop, niyakap ko agad si Clayi nang pagdating ko roon.

"Everlise, anong nangyari?" Kinalma niya ako at niyakap pabalik.

Kinwento ko lahat nang nangyari, simula sa una hanggang ngayon. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari, nag-aalala siya para kay Reivan dahil maaari ko daw masaktan si Reivan sa ginagawa ko.

Kahit na ako hindi ko alam kung paano ko ito nagagawa, bakit kay Reivan pa.

"Hindi ko alam, Clayi, siguro sasabihin ko na agad kay Reivan ang totoo, ayoko siyang paasahin."

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin, "Pero bago yun, isipin mo muna kung ano talaga ang nararamdaman mo. Kung sino talaga sakanila."

Ngumiti ako at tumango. Bumukas ang pinto ng shop at bumungad si Perge sa amin. Napatayo ako nang makita siya.

Tinignan ko siya nang hindi siya nagsalita kahit na kami nalang dalawa ang magkasama.

"You're now together?" sa wakas ay nagsalita na rin siya.

Nagbikit balikat ako, "Hindi ko alam, Perge. Ang gulo." Tumawa ako.

Pinantay niya ang mukha niya sa akin. "Basta lagi mong tandaan, nandito lang ako para sayo, kahit anong oras, anong lugar. Dadating ako para sayo, Serene."

Napangiti ako sa sinabi niya, niyakap ko siya. Sa mga ganitong sitwasyon si Perge ang laging nasa tabi ko.

Minsan iniisip ko kung bakit hindi pa nagiging sila ni Celina, maayos naman silang tignan dalawa, matagal na rin silang magkakilala.

"Salamat, Perge, sa lahat."

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon