Chapter 30

1.3K 19 0
                                    

Matagal kong tinitigan ang hawak kong bangle bago itong tuluyang isinuot sa akin. Inayos ko ang mga gamit ko at hiniram kong libro.

Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong si Perge, nakangiti ito sa akin at agad akong niyakap.

"Good morning." I hugged him back.

Inangat ko ang kamay ko at ipinakita sakanya ang suot kong bangle sa aking wrist. "I'm wearing this, Perge."

Mas lumawak ang ngiti niya sa akin at mas lalong humigpit ang pagkakayakap.

"You're officially mine now, Serene, my baby, I love you." I closed my eyes when he kissed my forehead.

Tiningala ko siya at tumingkayad para dampian siya ng halik sa pisngi, "Me too."

Siguro, mas mabuti ng ganito. Iyong alisin ko na si Vience sa buhay ko. Dahil ako, matagal na niya akong inalis sa buhay niya. Ngayon, nandito ako para kay Perge. Si Perge na laging nasa tabi ko kapag kailangan ko ng masasandalan.

Tumili sila Vane at Atashia nang ikwento ko sakanila ang tungkol sa amin ni Perge.

"Huwag kayong maingay!'' Tumawa ako at nagpangalumbaba sa harap nila.

"Seriously, Serene? Pero kiss lang muna, ah!"

Tumango-tango ako sakanila, nung ikwento ko kay Clayi ang tungkol sa amin ni Perge ganito rin ang reaksyon niya.

"Alam mo ang saya ko! Finally, kakalimutan mo na rin si Vience!"

Ngumiti ako at tinignan ang cellphone ko nang tumunog ito.

"Ah, pupuntahan ko lang si Perge." Tumayo na ako agad at pumunta na sa rooftop.

Pagbukas ko palang ay nawala na agad amg ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino-sino ang nandoon.

"Serene." Tumungo si Perge sa akin at pinagsalikop ang mga daliri namin.

Pinanliitan ako ng mata ni Tazanna at mas humigpit ang pagkakahawak sa braso ni Vience, itinikom ko ang bibig ko at yumakap sa baywang ni Perge, upang ipakita na hindi ko na guguluhin pa ang fiancé niya.

Naupo kami at ngumiti kila Gaez nang makita ang naglalakihang ngiti nila sa amin ni Perge.

"Let's eat." Ani Perge.

Nagsimula agad silang kumain nang matahimik. Tumingin sa akin si Perge at nagtanong kung anong gusto kong kainin.

Tinuro ko ang gusto ko at agad naman niya akong pinaglagyan sa plato. Inangat ko ang tingin ko at nagtama ang mga paningin namin ni Vience, seryoso siyang nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin at inabot ang pagkaing hawak ni Perge, sinubuan niya ako ng seafood na hawak niya. Tumawa ako nang muntik nang mahulog iyon.

"Woah! Ang sweet." Tumingin kami kay Gaez nang magsalita ito.

"Bro, hanap ka na rin ng sayo!" Sabat naman ni Blaze. Tumawa ako sakanila at inabutan sila ng mga iba pang pagkain.

"Dapat ipakilala niyo na muna sa akin!"

"Me too, mas dapat kong malaman iyan, ha!"

Tumingin kami kay Tazanna nang magsalita ito. Ngumiti lang ako at bumalik sa pwesto sa tabi ni Perge. Sumandal ako sakanya, ang kamay naman niya ay ipinalibot niya sa akin.

"Let's date, my baby." Tumingala ako nang bumulong siya sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"So ano, sama kayo mamaya?" Finally, nagsalita na rin si Vience.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Ako lang ata ang walang alam dahil lahat sila ay sumang-ayon.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon