Chapter 25

1.2K 19 0
                                    

***

Try to play the video while reading, guys, para may feels! hehe. That was the music I'm listening while writing this chap. So, hope you like it :) just repeat the song when it's done.
***

Naglalakad ako sa gilid ng mahabang daan patungong school nang mapahinto ako dahil may nagkakagulo sa gate ng Brintè Academy, binilisan ko ang paglalakad ko para makita kung anong nangyayari.

"G4! G4! G4!" Napahinto ako nang marinig ang pangalan ng grupong iyon.

Simula nang makilala ko sila, matagal ko ng hindi narinig ang mga ingay na ito, matagal na simula nang...

"New ring...new ring..."

I sighed, nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na sana titignan ang mga kung anong nangyayari ngunit napahinto ako nang may isang babaeng naglakas-loob na pumunta sa gitna.

"Vience, you're here!"

Napahinto ako at umatras para sumilip kung sino yung babaeng yun, it was her, yung may katangkarang babae. Hinagkan niya si Vience at binati ang tatlong kaibigan.

Humigpit ang hawak ko sa bag ko, lalo na nang makitang hinawakan niya ito sa baywang.

"You're looking for me?"

Nagtama ang mga paningin namin ni Perge, umiwas agad ako at aalis na sana pero hindi ko mapigilan na hindi pakinggan ang mga pinag-uusapan nila.

"Yes, babe, I want to be with you."

"Let's go, Tazanna." Tumingin si Vience sa ibang G4, "I'll go ahead."

Bago pa sila umalis doon ay nauna na ako, nagmadali akong maglakad, pero mapagbiro ata talaga ang tadhana dahil natapilok pa ako, naka heels kasi ako ngayon.

"Miss, are you okay?" Narinig ko ang boses nung 'babe' ni Vience.

"She's fine." Naramdaman ko ang palad ni Perge na sumakop sa akin, inangat niya ako at bumaling sa dalawa.

"Oh, Perge! Is she your girlfriend?" Tanong nung 'babe' ni Vience.

Ngumiti ito sa akin, ''I'm Tazanna."

Umiwas ako ng tingin at yumakap na lang sa leeg ni Perge, "Bro, this is Serene, my girl friend."

Tinignan ko si Perge, pero iba pa rin ang nakita ko sa peripheral vision ko. His smirked.

"Ah, that's why she knows me." Hindi ko siya nililingon pero siya ang nakikita ko sa peripheral vision ko.

"Mauna na kami." Ani Perge, naglakad na siya habang buhat ako.
"Okay ka lang?"

Tumango ako sakanya. "Nagmamadali na kasi ako kanina kaya natapilok ako."

"Oh my gosh, Serene! What happened to you!?" Narinig ko ang maingay na boses ni Atashia. "Sinong may gawa nito?" Kung makatingin siya kay Perge ay akala mo si Perge ang may kasalanan.

Tumawa ako sakanya at pinakalma siya, "Tash, I'm fine. My fault, naka-heels kasi ako."

Tinignan niya ang heels ko at tinanggal iyon, sumabay siya sa amin at inupo nila ako sa may bench, lumuhod sa harapan ko si Perge at hinilot ang paa kong natapilok, napapikit ako nang maramdaman ang sakit.

"You are too obvious, Serene, he still has an effect on you, don't be like that."

Tumayo si Atashia at binato ang heels ko.

"Bullshit! Is he playing around!? Wala siyang alam sa nararamdaman mo, Serene, araw-araw kang nasasaktan!"

Yes, I still cry for that badboy, I still love him, that badboy making me crazy.

"Uuwi ako agad dyan, Serene! Hindi ako makakapayag, magta-transfer ako agad. Ako ang napapagod sa'yo kapag nakikita kitang umiiyak!"

Humikbi ako sa harap ng screen, "Vane..." Iyon na lang ang lumalabas sa boses ko.

Pagod na pagod na ako, paulit-ulit na lang akong nasasaktan, sa bawat araw na lumilipas paulit-ulit niya lang pinapaalala kung bakit siya't siya pa rin ang gusto ko. Dahil iyon sa pagiging makasarili at pagiging mayabang niya.

Tinakpan ko ng concealer ang eyebags ko, medyo binuhay ko ang mata ko dahil namamaga na naman dahil sa iyak, kinuha ko na ang bag ko at nagulat nang makita si Reivan sa labas.

"Seaver, I missed you!" Humigpit ang yakap niya sa akin. Niyakap ko siya pabalik at tiningala.

Alright, again.

"Stop loving him, Seaver, you're just hurting yourself." Mahigpit niyang hawak ang kamay ko habang naka-upo kami sa may swing.

Ngumiti ako sakanya at ipinakita ang suot kong bangle, "Stop loving me, Reivan, you're just hurting yourself." Ulit ko sa sinabi niya.

Ngumisi siya at hinawakan ako sa ulo, "I'm too numb to feel that I'm hurt."

Sinandal ko ang ulo ko sakanya at hinawakan ko na rin ang kamay niya.

"Marry me, Seaver, once again accept the offer."

Inangat ko ang ulo ko at pinitik ang ilong niya. "Hindi ganun kadali! Masyado mong sinasaktan sarili mo!" I smirked, tumayo na ako at naglakad na. "I need to go, malapit na lang yung school ko, kaya ko na." Ngumiti ako at kumaway na sakanya.

Inayos ko ang buhok ko at ang dress na suot ko. Sinuot ko na rin ang ID ko at dumiretso na sa loob.

Naisipan kong pumunta na muna sa lounge para sana batiin sila ngunit nang pag-akyat ko doon ay si Vience lang ang nakita ko.

Naka-upo ito at mukhang malalim ang iniisip, bago pa niya ako mapansin ay baba na lang ako, kaso huli na. Inangat niya ang tingin niya sa akin.

"Perge is not here, he's in the rooftop with Gaez and Blaze."

Ngumiti ako sakanya at tumango, pinanliitan niya ako ng mata, tatalikod na sana ako nang magsalita ulit siya.

"Uh- can I see your face for a sec-" Hindi ko na siya pinatapos at humarap na ako agad sa kanya.

Tinignan niya ng mabuti ang mukha ko, kahit mukha ko lang maalala mo, okay na sa akin.

"Are you my friend? You looks familiar."

Kinagat ko ang dila ko bago magsalita, "H-hindi mo ako kilala, p-pero ako kilala kita, simula pa noon."

Nagbikit balikat siya at sumimsim sa kape niya.

"P-pero sa oras na may maalala ka kahit isang pangalan man lang, s-sabihin mo agad sa akin."

"Are we close?"

Kumunot na ang noo ko sakanya at umiling.

"So, no need." Kinuha niya ang magazine sa gilid at binuklat iyon.

"It's really hard to forget you." Mariin kong sambit.

Nilingon niya ako ulit at binitawan ang magazine na hawak, "Are you flirting with me? Don't even try, I have my Tazanna, you're not my type."

Naikuyom ko ang kamao ko at mas lumapit sakanya, binuhos ko sakanya ang kape niya habang sunod-sunod na tumutulo ang luha ko.

"How can the memories forgotten so easily, huh?" My voice' trembling like an idiot. My heart was pounding. Tumayo siya sa gulat ng ginawa ko.

Kumunot rin ang noo niya sa akin ngunit hindi naman niya ako sinigawan.

Napayuko ako ng bahagya at humikbi, "I tried my best to forget you, but it was too hard for me! You're so unfair, Vience. Too unfair." Inangat ko ang kamay kong may suot ng bangle na ibinigay niya.

"This is useless, Vience." Hinatak ko iyon sa wrist ko at binato sakanya. "I'm done, sorry for the trouble, Vience. I'm sorry."

Then I found myself running away, I saw Perge and the others, but I keep on running.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon