Chapter 2

3.8K 63 1
                                    

Bumuga ako ng hangin ng pagpasok ko sa School. Naagaw ko nanaman ang atensyon nila. Alam kasi nilang ako ang may hawak ng red ring ngayon. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bag ko.

Tumitingin ako sa mga gilid ko habang naglakakad, hindi nga ako nagkamali. Pagpasok ko ng hallway ay hose ng tubig agad ang bumungad sa akin, nakatapat ito sakin, nagtatawanan sila at kung ano anong pinagsasabing panlalait.

Hindi ako kumikilos, nakayuko lang ako at pilit na nagpapasyensya.

Nang marinig ko nanaman ang sigawan na 'G4' ay agad kong inangat ang ulo ko, diretso ang tingin ko sakanila. Akala mo kung sino sila, estudyante lang naman din sila dito. Pare parehas lang kami ng karapatan.

Huminto sila sa tapat ko, huminto ang pambabasa nila sa akin at lumapit ang isang myembro nilang si Blaze. Umakbay ito sa akin at bumulong.

"Kneel in front-" Di ko na siya pinatapos pa, Hinding hindi ako luluhod sa harapan ni Vience para magmakaawang itigil na lahat ng kabaliwan niya.

''N-No."

Nagbikit balikat si Blaze at may sinenyas si Vience, tinapik ni Blaze ang balikat ko atsaka bumalik sa mga kasama. Mariin akong napapikit nang biglang may tumulak sa akin ng malakas mula sa likod.

"Inggrata ka! Malandi!" Dumagan siya sa likod ko at hinatak ang buhok ko, "Don't you mess with G four." Bulong nito. Binasag niya sa mukha ko yung hawak niyang itlog.

Narinig ko nanaman ang malakas na tawanan at sigawan.

Inangat ko ang paningin ko sa harap kong si Vience. Nakataas ang isang kilay nito.

Sa inis ko ay malakas kong binawian ng pagtulak si Atashia, halos masubsob ito sa sahig. Tumayo ako at hinarap ang maangas na mukha ni Vience.

"Ano bang gusto mo, huh!?"

Seryoso abg ekspresyon niyang nakatingin sa akin. Napa 'woah' ang tatlo sa likuran niya.

"I want you.to.kneel.in front.of.me!" Mas lumapit pa siya sa akin.

I smirked, "Ako?'' Sarcastic kong sabi, "Ako luluhod sa harapan mo?" Ulit ko, "No way!" Inayos ko ang bag kong nakasabit sa kanang balikat ko at aalis na sana ng bigla niya akong sinipa sa likod.

Ininda ko ang sakit, lalo na dahil halos mauntog ang ulo ko. Hindi ako agad nakatayo.

"Gotta go."

Huminto nanaman ang ingay dahil sa pagsalita ni Perge. Dumaan ito sa harap ko, hindi siya huminto pero nagsalita siya.

"Lampa." Yun yung sinabi niya bago sila sunod sunod na umalis. Naubos ang tao sa paligid hanggang sa ako nalang ang natira.

Naupo ako sa may gilid, humikbi ako nang makita ang gasgas sa tuhod ko At sa may wrist ko. Ayoko pa namang nagkakasugat ako.

Pinunasan ko yung luha ko bago ako tumayo at tumakbo papuntang locker room. Nahihirapan akong tumakbo pero pinilit kong tumakbo dahil late na ako sa klase.

Kaso halos gumuho yung mundo ko nung pagbukas ko sa locker ko at nakitang nilampaso sa putik at pinaggupit gupit ang isa pang pares ng palda ko. Kinuha ko yung palda ko at nagsisipa ako sa galit.

Hindi ba nila alam na bawat gamit ko importante sa akin? Pawis at dugo ang ang nawawala kay Mama at Papa para lang mabilhan ako ng nga kailangan ko!

Iika ika akong naglakad habang hinahanap ang apat na yun, pero hindi ko talaga mahanap. Sa huli pumunta nalang akong rooftop. Umupo ako at umiyak. Hindi ako papayag na aapihin lang ako ng ganito.

"Lampa na nga iyakin pa." Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino yun.

It was Perge. Bumuntong hininga to at pabagsak niyang inabot sa akin panyo niya bago siya umalis.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon