Chapter 4

3K 61 2
                                    

"Eh basta ayokong lumiban. Sayang rin yung araw na itutunganga ko dun sa bahay noh."

Nag pout ako.

Kahit di ko nakikita yung reaksyon ni Clayi alam kong nag uusok na yung ilong niya dahil sa inis sa akin. Paano ba naman kasi ayaw nila akong papasukin dahil akala nila may sakit pa ako, okay naman na yung pakiramdam ko. Kaya lang tumakas ako para lang pumasok.

"Bahala ka nga dyan, Erlise! Huwag mo na akong tawagan. Humanda ka mamaya sa akin sa shop!" Binaba niya yung tawag. Natawa naman ako sa ginawa niya.

Inayos ko yung uniform ko at bumuntong hininga bago pumasok sa School, pagpasok ko palang ay ramdam ko na ang maiinit nilang titig sa akin. Yung mga bulong bulungan nila rinig na rinig ko.

''Ginagalit niya talaga si Vience."
"I bet mas matindi ang gagawin ng g four sakanya."
"Mabuti lang yun, ang kapal ng mukha niya para kalabanin sila Vience, nuh."

Bahagya akong yumuko dahil sa kahihiyan, iniisip ko rin kung anong pwedeng ikagalit nila sa akin pero wala talaga akong maisip na dahilan. Kung yung bang pagkakaroon ko ng sakit o ano.

Nasagot naman yung tanong ko nung pag-akyat ko nakasalubong ko ang seryosong mukha ni Gaez. Ipinakita niya sa akin yung hawak niyang singsing.

"Take this."

Umatras ako at umiling, "I'm not stupid. Bakit ko kukunin yan kung alam kong ikapapahamak ko?" May sarcasm sa boses ko nung sinabi ko yun.

"Are you fool? Why don't you just fuckin' give up, huh?"

Kumunot ang noo ko, Hindi maintindihan kung anong pinagsasabi niya.

"Alis, may klase pa ako." Lalagpasan ko na sana siya nang harangan niya ako.

Nagkatinginan kami, umiwas siya ng tingin at nagulat ako nung bigla niyang sinuntok yung pader. Napapikit ako.

"Ano ba, Gaez!? Wala naman ako-"

"Gaez." Sarcasm yung pagkakabanggit niya sa pangalan niya. "Bakit ba hindi mo nalang sundin ang gusto namin? Luluhod ka lang, hihingi ng tawad hindi mo pa magawa!"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, lumapit ako ng kaonti sakanya.

"Bakit ako luluhod sainyo, santo ba kayo para luhuran? Kahit patayin niyo ko sa harap ng maraming tao...Hinding hindi ako luluhod sainyo." Sinanggi ko ang braso niya nang bigla na naman niyang ipasuntok ang isa pa niyang kamao sa pader.

"You foolish girl."

"Vience told you to just give that damn ring to her, right Gaez? What's happening?"

Umigting ang panga ni Gaez, hinablot niya ang kamay ko at isinuot sa akin yung singsing. Tinalikuran niya ako atsaka nauna ng umalis, dumapo ang tingin ni Blaze sa akin bago sumunod kay Gaez.

Nagsi-alisan ang mga tao sa paligid na kanina lang ay nanonood sa kung anong nangyayari kani-kanina lang.

Nanlambot ang tuhod ko at hindi agad nakapaglakad.

"Serene!" Tumatakbo si Vane papunta sa akin, Hinawakan niya ako sa magkabilang braso, "May ginawa ba si Gaez sayo? Okay ka lang?"

Pinakita ko yung daliri kong may pulang singsing.

"Okay lang."

Niyakap niya ako bigla, "Hayaan mo na lang sila. Mga isip bata talaga yung apat na yun!" Gigil na gigil siya mag-react.

Natawa ako sa reaksyon niya, "Para kang eng eng dyan, Vane. Mauna kana sa class mo...pupunta muna akong library may kailangan akong basahin para sa next lesson, e." Kumaway ako sakanya habang patakbo na sa library.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon