Chapter 29

1.2K 23 0
                                    

Serene Point of View

Inilipat ko ang pahina nang matapos ko na basahin ang pahina na yun, bumuga ako ng hangin nang maramdaman na ang pagod kakabasa.

"We should eat muna."

Narinig ko ang boses ni Perge sa gilid ko, nilapag niya ang kape sa tabi ko at inayos ang buhok ko. Nilingon ko siya at natigilan ako nang muntik na kaming-

Ilang kurap ang nangyari bago kami umayos ng pagkakaupo. Pumeke siya ng ubo at tumayo.

"Kukunin ko lang yung iba pang mga libro na kailangan mo."

Ngumiti ako sakanya. "Salamat, Perge."

Nandito ako sa bahay niya ngayon, kailangan ko kasing makahiram ng mga librong wala ako, since mayroon siya ay dito na lang muna ako nag-aral at nagbasa.

Pumayag naman siya agad at pinagsilbihan ako ng mga pagkain.

Ilang minuto ay bumalik na siya, nilapag niya ang mga libro sa desk at nagpangalumbaba sa harap ko.
Inangat ko ang tingin ko sakanya at natawa ako nang nakitang nakangiti siya sa akin.

"Anong ngini-ngiti mo dyan?" Natatawa kong tanong.

Nagbikit siya ng balikat at mas lalong ngumiti, "Huwag mo nga akong ngini-ngitian!" Pinalo ko ang kamay niya.

Inalis niya ang pangangalumbaba niya at tumayo ulit, umiling-iling na lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa. Hindi nagtagal ay bumalik ulit siya, nilapag naman niya ngayon ang platito sa gilid ng kape ko.

"Hindi ako nagugutom." Sabi ko.

Nag-smirked siya at umupo ulit, "Mukha kang nagugutom. Kumain ka na muna, kung gusto mo pwede naman kitang subuan."

Pinanliitan ko siya ng mata at pinitik ang ilong niya. "Shut up." Kinuha ko agad ang pagkaing dinala niya at inubos iyon.

Alas nwebe ay nakaramdam na ako ng antok, humikab ako at nakitang nagtaas ng kilay si Perge sa akin. Kanina pa siya dyan sa harap ko naka crossed arms at nakatingin lang sa akin habang tinatapos ko itong ginagawa ko.

"Perge, siguro sa bahay ko na ito tatapusin, gabing gabi na rin kasi."

Ngumuso siya at tumayo, "Dito kana matulog, pinaayos ko na ang guest room."

Tumayo ako at umiling-iling, ''Naku, hindi na! Nakakahiya naman."

"Bakit ka naman mahihiya? Bahay ko ito. Gagawin ko ang gusto ko at papapuntahin ko kung sinong gusto ko, you can sleep here, really." Ngumiti siya at tinulungan akong magligpit ng gamit.

"Don't worry magkalayo ang kwarto natin."

Tumawa siya, pinalo ko naman siya sa braso at hinabol siya para sabunutan, ngunit hindi ko magawa. Nakarating na kami sa baba nila habang tawa ng tawa kakahabol sa kanya.

"Humanda ka talaga sa akin, Perge!" Nagmadali akong umikot sa couch nila at nang mahuhuli ko na siya ay biglang bumukas ang pinto nila.

Napatingin kami doon ni Perge at nakitang sila Blaze pala. Pero huling pumasok si Vience, agad na nagtama ang mga paningin namin. Bumaba ang tingin niya sa paa kong walang sapin. Tinulak ko si Perge para makalayo siya sa akin.

"Ah," iyon nalang ang nasabi ni Gaez, kumamot ito sa batok niya.

Kumaway ako sakanila at naupo sa couch, "Hi!"

"Hello?" Tumingin si Blaze kay Perge.

Tumingin ulit ako kay Vience at nakitang hawak hawak ang kwintas na nasa leeg niya habang nililibot ng tingin ang bahay ni Perge.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Bakit, naka istorbo ba kami?"

"Stupid, ano nga?"

"We're bored..."

Bumuntong hininga ako nang sa wakas ay nawala na ang usapan nila, tumayo ako at naglakad papunta sa kitchen nila, binuksan ko yung ref nila at kumuha ng pitcher. Pagtalikod ko ay nakita ko na si Vience, nagulat pa kami nang makita ang isa't isa rito.

Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.

"W-why did you kissed me?"

Nasamid ako nang marinig ang tanong niya, nagulat siya at pumunta sa harapan ko. Tinignan ko siya ng masama.

"What's with your glance!?"

Inirapan ko siya at isinauli ang pitcher sa loob ng ref, aalis na sana ako nang hatakin niya ako pabalik.

"Why did you do that?"

Kumunot ang noo ko sakanya at itinulak siya, "Because, I want to!" Mayroong diin sa sinabi ko, "Ikaw, why did you suddenly left me?"

Ngayon naman siya naman ang kumunot ang noo.

"What are you talking about?"

I smirked, "You don't know? Then, just leave me alone! That kissed...it will be the last, hindi na kita pipilitin." Ngumiti ako at tinalikuran na siya.

Bumalika ako sa living room at nakitang may kung ano silang pinag-uusapan, "Perge, g-gusto ko na sanang matulog."

Nanlaki ang mata ng dalawa sa akin.

"She's staying here dahil gabi na, nothing more." Hinawakan na ako ni Perge palayo roon.

Hinatid niya ako sa guest room nila, "Sleep well, Serene." Dinampian niya ulit ako ng halik sa noo at kinumutan bago siya umalis ng kwarto ko.

Ilang beses kong sinubukang makatulog pero hindi ko magawa, papikit pikit ako at padilat dilat. Paulit ulit akong humikab pero hindi talaga ako makatulog.

Tumihaya ako at tumingin sa kisame, bumuntong hininga ako at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, gulong gulo na yung utak ko.

Bumangon ako at pumunta sa may veranda, sinalubong ako ng malakas na hangin, tumama ang hangin sa akin at hinangin ang mahaba kong buhok, niyakap ko ang sarili ko at tumingin sa langit.

Ilang sandali ay nakarinig ako ng tawanan sa ibaba, tumingin ako roon at nakitang nag-iinuman silang apat. Tumatawa sila, napatingin ako kay Vience.

Ilang taon. Ilang taon akong naghintay sa kanya, ilang taon akong umasa na pagbalik niya, ako pa rin. Ilang taon akong naghintay na babalik siya sa akin at magpapaliwanag kung bakit niya ako iniwan, ilang taon.

Tear drop fell from my eyes, the way he smile, the way he laugh. I know he has someone.

I miss the old times, I miss the way he laugh like that when he's with me. I miss when he sings for me, I miss the way he being clingy. I miss all of him. At wala man lang akong magawa para iparamdam sa kanya yun, ang mayakap man lang ay hindi ko magawa.

Bumuga ako nang hangin nang pinigilan ko ang paghikbi, kumurap ako nang magtama ang mga paningin namin. Nawala ang ngiti sa labi niya at umiwas ulit ng tingin.

Maybe he hated me that much, because of that kissed.

Tumalikod ako para bumaba at uminom ng tubig. Dahan-dahan akong bumaba at uminom ng tubig, ilang minuto pa ako tumambay sa kusina bago nagpasya na umakyat na ulit.

Napahinto ako nang makita si Perge na pulang-pula ang mukha, pangiti-ngiti ito sa akin.

"Perge, lasing ka na ata." Hinawakan ko siya sa braso para alalayan.

Pero nagulat ako nang hawakan niya rin ako sa dalawa kong balikat, tumingin siya ng diretso sa akin.

"I love you for so many years, Serene, yet you still in love with Vience...'' Papikit pikit ang mata niya at amoy na amoy ko ang hindi pamilyar na amoy ng alak.

"When he's gone, I'm always here for you, didn't you tired following your heart? Why don't you try loving me, huh? Am I that hard-" Hindi ko na siya pinatapos at sa ilang sandaling nagsalita siya ramdam ko ang sinseridad sakanya, maybe this is the right thing to do.

I filled his lips with mine, I closed my eyes to feel him, but I was wrong. Vience' face flashed on my mind when I kissed Perge.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon