Chapter 32

1.3K 27 0
                                    

Naglalakad kami ni Perge sa loob nang campus habang hawak hawak niya ang kamay ko, ang libro kong dala ay hawak niya naman sa isa niyang kamay. Tiningala ko siya para tignan. Nakangiti ito at tumingin rin sa akin.

"Saan ba tayo pupunta, Perge?" tanong ko.

Ngumiti lang siya at nag-bikit ng kanyang balikat. Nakarating kami sa may field, naupo siya sa mga dahunan at tumingala sa langit, "Maupo ka rito." Naupo ako sa tabi niya. "Nagsasawa na kasi ako sa rooftop, kaya dito na muna tayo."

Tumango ako at sinandal ang ulo sa balikat niya.

"Actually I want to talk to you privately."

Umayos ako ng pagkaka-upo at seryoso siyang tinignan, anong gusto niyang pag-usapan namin?

"Tungkol saan?"

Inilabas niya ang kanyang panyo sa bulsa at nagpunas na muna ng pawis, tumingin siya sa akin at binaliktad ang panyo niya at ako naman ngayon ang pinunasan niya ng pawis, inurong niya pa ako lalo sa tabi niya.

"Did he remember you?"

"Sino?" tinignan ko siya.

Nag-smirked siya at pinindot ang tungki ng ilong ko, "Vience, of course, huwag ka nga." Pumeke siya ng tawa at bigla niya akong niyakap ng patagilid, nagulat ako sa ginawa niya kaya nag-react ako.

"Ah...tungkol doon, hindi niya ako naaalala. Pero ang sabi niya, puso daw niya ang nagsasabi na ako yung babaeng yun."

Hindi na siya kumibo, tinignan ko siya at nakitang nakapikit na ang kanyang mga mata, napangiti ako at tinakpan ang sinag ng araw na lumalapat sa kanyang balat, gamit ang mga palad ko ay tinakpan ko iyon.

Minsan iniisip ko kung anong mali kay Perge, kung bakit hindi na lang siya ang nagustuhan ko? Minsan naiisip ko rin kung paano nga ba ako napasok sa buhay nila. Simple lang naman ang buhay ko noon kasama si Reivan at ang pamilya ko.

"Hoy, Vane! Ibigay mo nga sa akin yan, nagugutom na ako!"

Tumawa na lang ako sa dalawang naghaharutan sa harapan ko, palagi silang naghaharutan. Iniisip ko tuloy na silanh dalawa ang matagal ng magkaibigan, e.

"Aeverlise Serene Plamera!" nahinto ang dalawa sa paghaharutan nang may tumawag sa buong pangalan ko, napatayo ako at tumingin sa likuran ko.

Nagtinginan ang mga tao sa amin ng taong nasa harapan ko, hindi na ako nagulat na nasa harap ko siya. Pero nagulat ako nang isang malakas na sampal ang binungad sa akin ni Tazanna.

"Hindi mo kilala ang kinakalaban mo, Miss Plamera, kung inaakala mong ganoon mo lang kadali makukuha sa akin si Vience, oh well, sorry to tell you. You're wrong! Madame Dela Vegas' coming. You better get out of our sight."

"Anong pinagsasabi mo, Tazanna?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Tanga ka ba?" mas lumapit siya sa akin.

"Mas tanga ka, kala mo maganda ka?" humarang naman si Atashia sa harapan ko, ngayon ay siya na ang nakaharap kay Tazanna.

"And who the hell are you?"

"Tanga na nga, makakalimutin pa. Triple kill ka na, waley ka talaga kay papi Vience." Humalakhak si Atashia at nakipag-apir kay Vane pero dinilaan lang siya nito.

Kunot noong tumingin sa akin si Tazanna at umalis sa aming harapan.

"Aray! Ang lutong nun, ah!" pahabol ko sa kanya at humawak sa pisngi kong sinampal niya.

"Gosh, girl! Yung maganda mong mukha!" Lumapit silang dalawa sa akin, para akong may kaibigan na ignorante dahil sa kanila. Ang OA nila. Pero kahit ganoon thankful ako dahil nandyan sila pinagtatanggol nila ako.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon