Chapter 12

2.1K 45 0
                                    


"Paanong-" tumawa ako at pinalo siya sa braso.

"Joke lang, hindi ka mabiro." Sumubo ako ng pagkain, napilitan siyang tumawa sa biro na ginawa ko.

Nilabas ko yung notebook ko at ipinakita sa kanya. "Tignan mo ng mabuti yan para maintindihan mo yung topic niyo, subukan mong intindihan hindi ka kasi nagko-concentrate, e."

Nagbikit balikat si Blaze at naging seryoso rin naman agad nang tignan ang ginawa kong examples.

Pagkatapos naming tumambay roon ay sabay na kaming lumabas ng rooftop, nagulat pa ako nang makita si Vane at Vience na magkasama, bumaba ang tingin ni Vience sa daliri ko, agad ko yun tinago nang maalalang hindi ko suot ang straw na binigay niya.

"Bro!"

Bago pa sila mag-usap ay agad ko ng hinatak si Blaze palayo. Tumawa naman siya at agad ko rin siyang binitawan.

"Ah, gotta go, hahanapin ko pa si Gaez."

Tumango ako at kumaway sakanya, inayos ko yung gamit na dala ko at nagpatuloy na sa paglalakad nang makita ko si Perge, agad akong tumakbo pa tungo sa kanya.

"Perge!"

Tinignan niya ako, "H-hindi ka pumasok nung mga nakaraang araw..."

Ngumiti ito sa akin at inakbayan ako. "I'm sick, didn't they tell you?"

Nag-isip ako ng mabuti kung may nasabi ba sila, ang naalala ko lang kahapon nung kausap ko sila Gaez, ang sabi niya ay 'he needs to rest.'

"Hala! Sorry hindi man lang kita naalagaan." Napahawak ako sa noo ko.

Tumawa naman siya doon at may inabot sa akin.

"Just kidding, umalis ako nun kasama si Celina, nakita ko yan and I think magugustuhan mo yan kaya binili ko na."

Binuksan ko yun at nakitang Mug iyon na may picture ni Matsumoto Jun.

"Thank you." Alam kong namula ang pisngi ko dahil sa kilig at hiya, paanong hindi ako kikiligin kay Matsumoto? Kahit na medyo maedad na siya aba gwapo pa rin.

Umakyat kami sa rooftop at tsaka ko lang naalala na narito pala sila Vane. Huli na dahil nakita na nila kami at ganon rin kami, hinawakan ni Perge ang kamay ko at nagpatuloy sa paglakad. Hindi naman siya bumati kila Vience at Vane sa halip ay binuhat niya ako at inupo sa may Veranda.

"I'll go.'' Napatingin ako kay Vience nang tumayo ito at iniwan si Vane na mag-isa.

Tumingin si Vane sa akin at tumayo, "Hindi ko alam kung kaibigan kita, pero ang laki ng epekto mo kay Vience. I hate you.'' Padabog siyang lumabas rin ng rooftop.

"Don't mind her, she's immature since we were young."

Tumingin na lamang ako sa iba at nilanghap ang sariwang hangin. Hinawakan niya ako sa baywang nang biglang napasobra ang pagsilip ko.

"Mag-ingat ka nga, Serene."

Tumawa ako at pinisil ang pisngi niya. "Alam mo Perge ang gwapo mo." I sighed, "Siguradong gusto ka rin ni Celina."

Kumamot siya sa batok niya at tumabi sa akin, "She..." Nakangiti siya ngayon. "She's just like my older sister now. She might be my first love. Hanggang doon na lang yun." Tinuro niya yung building na mataas.

"That building...They owned that."

Nanlaki ang mata ko at tila sobrang namangha sa sinabi niya. Ibig sabihin ay talagang mayaman rin sila Celina. Tulad ni Reivan, ganun rin sila.

"Tara, may class pa ako." Tumango ako at bumaba na kami.

"Ah, Perge? Kailan ang practice niyo ng graduation?"

"Next week, start na. Manood ka ah? May speech kami. I'll mention you sa graduation namin."

Lumawak ang ngiti ko at nakipag apir sa kanya.

Pagdating ng uwian ay nagulat ako nang naghihintay si Reivan sa harap ng campus, hawak ang bouquet of roses ay seryoso itong nakatingin sa kawalan. Ngunit nang namataan ako ay agad na ngumiti ito at sinalubong ako.

"Hi."

Inabot ko ang bouquet at inamoy iyon, "Thank you, Reiv."

"May gagawin ka ba after ng class mo?"

Umiling ako. "Tapos na ang class ko, mamayang alas kwatro pa naman ang pasok ko sa shop. G-gusto mo bang lumabas tayo?"

Ngumiti ito at binasa ang pang ibabang labi niya gamit ang dila, "If it's okay."

Tumango ako at nag-thumbs up. "Tara?" Hinatak ko na siya papasok sa loob ng sasakyan at nagtawanan kami nang mauntog siya sa pinto. Masyado kasi siyang matangkad, pero kung titignan ay mas matangkad si Vience.

Nakarating kami sa mall, agad naman niya akong dinala sa mga mamahaling bilihan ng mga damit, tinitignan niya ang ganda ng mga pinipili niya, samantalang ako ay yung price ang tinitignan ko.

Tumawa siya nang kumuha ako ng may halagang isang libo lamang, sinauli niya iyon at kumuha ng cocktail dress na may shimmer.

"Try this one."

Umiling ako at ngumuso, "Hindi bagay sa akin yung mga ganyan."

Tinignan niya ulit ng mabuti ang kinuhang damit, "But, Seaver you need to...Kapag ikinasal na tayo palaging mamahalin na ang isusuot mo."

Ngumuso ako at hindi na lamang nagsalita, kinuha ko ang dress at sinukat sa fitting room.

Tinignan ko ng mabuti ang sarili ko sa reflection, kung titignan mo ay para akong isang mayamang Aeverlise Serene Plamera. Maraming nagsasabi na ang pangalan ko ay hindi nababagay sa antas ng buhay namin, masyado daw 'yon maganda.

Binuksan ko ang pinto at ipinakita kay Reivan nang si Vience ang nasa harapan ko. Hinatak ako nito palabas at nakakapagtaka nang hindi man lang kami hinabol ng mga tauhan dahil suot ko pa ang tinda nila.

Nahirapan ako sa paghatak niya dahil masyado siyang mabilis kaya nang pababa na kami kung saan ay agad niya akong binuhat at napahawak ako sa leeg niya dahil sa gulat.

"Vience, ano ba ibaba mo nga ako!"

Nang sa wakas ay nakababa na kami ay agad din naman niya akong nilapag, bumuntong hininga siya dahil sa hingal.

Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa parking kami.

Tumingin siya sa daliri ko at nakitang wala roon ang straw na singsing na binigay niya.

"N-nakalimutan kong isuot."
Teka nga, bakit kailangan kong mag-explain sa kanya?

Ngumisi siya at na-distract ako sa dimple niya.

"You don't care at all." Aniya at hinawakan ulit ako sa wrist nang pumalag na ako.

"Ano ba Vience!?"

Ngumisi ulit siya at may humintong sasakyan sa harap namin, nilapit niya ang mukha niya sa akin at nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako.

"This is not kidnapping, I like you."

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon