Chapter 22

1.2K 24 0
                                    

Humikab ako nang paggising ko, kagabi napuyat ko dahil kung saan saan kami nagpupunta ni Perge. Tinignan ko ang binigay niyang teddy bear at niyakap.

"Ate, gumising ka na, kailangan ko ng kumain!"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang palautos na boses ng aking kapatid, bumangom ako sa kama at lumabas ng kwarto.

Nagulat ako nang makita si Perge na nakaupo sa may couch at naglalaro sila ng ps4 ni Mark.

"Anong ginagawa mo? B-bakit may ganyan?" Tinuro ko yung ps4 na hawak ni Mark.

Nilapag niya ang hawak niya at tumayo, "My gift, what's the problem? Mag-ayos ka na. Mali-late ka." Kumamot ako sa ulo at kumilos na.

Pagkarating sa school ay agad ko rin silang iniwan dahil may kailangan pa akong gawin na papers para sa next school year ko, dalawang hanggang tatlong oras ay natapos ko rin naman agad.

Bumili ako ng sandwich at ng drinks sa cafeteria, kinausap ko rin saglit si Vane at pagkatapos  ay naglakad na ako papunta sa lounge ng G-four, nakasalubong ko si Atashia at inabot niya sa akin ang paborito kong chocolate.

"Ah, right! We need to talk, may chismis ako sayo." Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Sige, pupuntahan kita sa bahay niyo mamaya." Nagpaalam na ako at agad na umakyat sa lounge.

"He's really coming back, what do we do now?"

"Sinong babalik?" Tanong ko pagka-akyat ko, nanlaki ang mata nila sa akin na para bang nakakita sila ng multo, nagkatinginan sila.

Umayos naman ng pagkakaupo si Perge at tumingin ng diretso sa akin, "Sino?" Tanong ko ulit.

Hindi siya mapakali kaya tumayo na siya at agad na lumapit sa akin.

"It's Vience, he's coming back, he'll study here for good."

I have no say, I don't know why kung bakit wala akong nasabi roon.

Niyakap ako ni Perge at hinawakan ang ulo ko, "It's okay, I'm here."

Tipid akong ngumiti sa kanya at ipinakita sa kanya ang mga binili kong pagkain.

"T-tara bumili ako ng pagkain, baka g-gusto niyo?" Nilagpasan ko si Perge at nilapag sa round table ang mga pagkaing binili.

Agad na nilamutak iyon nila Gaez at Blaze, tumawa ako at nakisali na rin sakanila. Tumabi si Perge sa akin at kumuha ng isang drink.

"Are you done now?"

Tumango ako sakanya at pinanganga ko siya para isubo ang sandwich sakanya, tumawa ang dalawa sa ginawa namin.

"Seriously, kayo na ba?" Tatawa tawa si Gaez.

Napatingin sa akin si Perge, nanliit ang ngiti ko at hindi na lamang sumagot.

Nagpahatid ako kay Perge sa bahay nila Atashia, kinwento ko na sakanya dati ang tungkol sa nangyari sa amin ni Atashia, nung umpisa ayaw niya sanang tanggapin ko iyon. Ngunit kalaunan ay wala rin siyang nagawa.

Nag-doorbell ako at agad din naman akong pinagbuksan ng pinto, sinamahan ako ng yaya niya sa kwarto ni Atashia.

Nakita ko siyang nagde-design ng mga gowns. Bumeso siya sa akin at ipinakita ang ginagawa niya.

"Buti dumating ka na, may gusto ka bang kainin?"

Ngumiti ako at umiling, "Okay lang, busog pa ako." Tumango siya at nagpakuha na lang ng maiinom.

"About dun sa sinabi ko..." Panimula niya. Umayos ako ng upo at mas tinignan siya ng diretso.

"Vience is coming."

Kumurap kurap ako doon at walang naging reaksyon.

Bakit ba puro Vience ang pinag-uusapan ng mga tao ngayon? Wala na bang iba?

"Alam ko na yan!" Tumawa ako at agad na ininom ang kakalapag lang na inumin.

"And you're just chilling!?" Gulat na gulat ata siya at wala akong reaksyon doon.

Ngumiti ako at tumango. "Kailangan ko pa ba paghandaan ang pagbabalik niya?"

The truth is I'm trembling now, I don't think I can see him, my heart is pounding everytime I think about that he's coming back, I'm thinking what he looks like now? Is he okay? Is he still badboy?

Tulala ako pagdating ko sa bahay, palaging nakatingin sa kisame, hindi ako makatulog gaya nang dati sa tuwing iniisip ko iyong paghalik niya sa akin.

Nang hindi ko matiis ay tumayo na ako at binuksan ang box, hinawakan ko ang binigay niyang bangle. Ito lang yung ala-ala niya sa akin. Hinawakan ko yung A&V at napangiti. Why is my heart pounding so fast?

I missed him, that's the truth. Whatever I do, I just can't forget him.

I tried to love Reivan again, but I just can't. It's been always Vience.

When vacation came, Nagpasya ako na ubusin ang bakasyon para sa sarili ko. Since lagi akong stressed sa school at mga problema sinubukan kong sarili ko naman ang isipin ko.

Inayos ko ang pagbitbit ko sa mga paper bags na dala ko, namili na rin ako ng mga bagong damit kasi hindi na kami naka uniform at civilian na lang kami palagi hanggang fourth year, ininom ko ang hawak kong lemon juice at tumingin tingin pa sa iba nang bigla akong mapaupo dahil may nakabangga akong lalaking matangkad, hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil naka sumbrero siya at may sunnies siyang suot. Hinawakan niya ako nang bumagsak ako.

"Miss, are you alright?"

Did I just hear his voice? Napatitig ako sa lalaki nang ginalaw niya ang bibig niya ay parang siya talaga yun. Kumunot ang noo niya at tumayo ng maayos.

"Tss, maarte, di naman maganda." Lumayo na siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Napatayo ako ng mabilisan at tinignan siyang naglalakad palayo, hindi ko gaanong maisip kung siya ba yun, matagal ko na siyang hindi nakikita kaya hindi gaano maalala ang pangangatawan niya.

''Seaver, you're here!" May humawak sa braso ko at nakita si Reivan na kasama si Celina.

Nakangiti si Celina sa akin at nakita kong nakahawak siya sa braso ni Reivan.

"Celina! Reiv." Ngumiti ako sakanila, muli kong nilingon yung lalaki pero wala na siya.

"Bakit mag-isa ka?" Tanong ni Celina at lumapit sa akin.

"Ah, wala lang." Ngumiti ako ng pabiro at sumenyas. "Mauuna na ako, may mga kailangan pa akong bilhin."

Aalis na sana ako nang hawakan ulit ako ni Reivan.

"You need my help?"

Ngumiti akong umiling, "Okay lang ako, Reiv, sige na puntahan mo na si Celina."

Umiling siya at dinala ang mga paperbags na hawak ko, tumingin siya kay Celina.

"You go first, ihahatid ko lang si Seaver."

Ngumiti si Celina at tumango.

Gumapang ang kamay ni Reivan sa aking baywang habang ang isang kamay ay hawak ang mga pinamili ko.

"Ayokong nag-iisa ka hindi ba? Why you didn't call me?"

Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon