Chapter 13

2.1K 45 0
                                    

Hanggang ngayon ay hatak hatak niya pa rin ako kahit na pagbaba ng kanilang sasakyan, pinagbuksan kami ng malaki nilang pintuan at agad siyang sinalubong ng mga katulong nila.

Huminto kami pagpasok namin sa mansion nila, tinanggal niya ang wrist watch at inabot sa isang katulong. Tumingin siya sa akin ng nakangiti.

Napatingin naman ako sa matandang patungo sa amin, napahawak ako sa polo ni Vience dahil mukha siyang mangangain ng buhay, hindi rin ako makatingin ng diretso dahil sa ganda ng mansion na ito. Ang mga gamit ay babasagin na kapag hinawakan mo ay tila mababasag.

"Granny." Nagsalita si Vience at hinatak na naman ako patungo roon sa matandang babae.

Nag-mano siya samantala ay dumako ang tingin ng matanda sa akin. Napalunok ako sa matapang nitong tingin.

"Oh! Yeah right, granny this is Aever." Umakbay ito sa akin, napatingin naman ako sa kamay niyang dumapo sa akin.

Ngumiti ako sa matanda at naglahad ng kamay, "Nice meeting you po." Nag-bow ako at medyo tumawa.

Nakipag lahad siya ng kamay at ngumiti na siya sa akin. "Aeverlise Serene Plamer, a poor girl." Tumango-tango siya.

"Ah, opo." Pagsang-ayon ko.

Pumalakpak siya at maya maya lang ay may lumabas na mga tao at agad naman akong binuhat ng mga ito. Hindi ko iyon nagustuhan at nakita naman ata iyon ni Vience kaya pinababa niya ako.

Hinatak niya ako ulit sa tabi niya. "Okay lang, Granny, sanay na siyang maging panget."

Kumunot ang noo ng matanda sakanya at hinatak ang tainga niya, "Aray!"

Humalakhak ako sa ginawa ng matanda at ginaya ang ginawa niya.

"Kayo lang po ang nakakagawa sakanya niyan." Tumawa ako at hinatak ang tenga niyang malaki.

Nilakihan niya ako ng mata at inambaan ng suntok nang hinatak ko pa lalo ang tenga niya.

"Hindi, hija, mayroon pang iba."

Bumaling naman ako sa lola niya. "Sino po?"

Tinuro niya ang malaking painting sa taas ng foyer ng stair nila, may takip itong kurtina at nang itinuro ito ng matanda ay tinanggal ito at nakita ko roon ang mukha ko. Hindi ako nakatingin sa taong kumuha nito, mula sa malayo ay tumatawa ako at ang buhok ko ay hinahangin. Kung natatandaan ko ay ito yung panahon na magkakaaway kami ng mga G-four.

Bumaling ako kay Vience, sumama ang tingin nito at kinalabit ang lola niya.

"Bakit mo ipinakita!?" singhal niya.

"Pati siya, gumawa nun." Patuloy ng matanda sa sinasabi niya kanina. "Call me Lola, Aever." Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinisil pisil.

"Lola loves you." Pagkatapos ay tinignan niya ng masama si Vience bago umalis sa harapan namin.

Ilang minutong katahimikan bago ako nagsalita, kumamot ako sa ulo at tinuro ang labas.

"Uuwi na ako."

Hindi siya nagsalita at nilagpasan lang ako, diretso itong umakyat.

Kumunot ang noo ko sa inasal niya at padabog na lumabas sa magandang mansion.

"Bwisit ka, Vience! Hindi mo man lang ako pinahatid."

Hindi pa ako ganoon nakakalayo nang may humatak na sa akin pabalik.

"Aray, Vience!"

Ngumisi siya at mas lalo pa akong hinatak, teka nga! Masyado siyang ngisi ng ngisi ah?

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon