Chapter 6

2.7K 57 0
                                    

"Uy...Kanina ka pa nakatulala dyan, Erlise! Iniisip mo pa rin ba si paps Reivan?" Tumawa si Clayi

Ngumuso ako at hinampas siya, "Walang problema kay Reivan, ang problema ay paano ko haharapin ang g four bukas." I sighed.

Binitawan niya ang inaayos niyang table cloth at naglakad papunta sa akin, ''Hala...Ano na naman ang ginawa ng isang Aeverlise Serene Plamera, aber?"

Napa face palm ako nang maalala kung paano ko sinuntok ang perpektong mukha ni Vience, kung ano ang reaction niya sa ginawa ko. Yung seryosong tingin niya sa akin.

Tumili ako sa iritasyon, "Ah! Ayoko na talaga,Clayi!"

Uminit ang pisngi ko, alam kong namula ako at hindi ko alam kung bakit. Baka dahil sa kahihiyan at takot na nararamdaman ko ngayon.

"Hala, anong nangyari?"

Tinignan ko siya ng nag-aalala ang mukha, "Sinuntok ko siya..." Tinakpan ko ang bibig ko, nakita ko ang panlalaki ng mata niya, "Not once but twice!"

Napalayo na lang si Clayi sa akin at binato ako ng basahan, "Patay ka na, Erlise!"

Tumango tango ako at napa face palm ulit. Ano ba kasing pumasok sa isipan ko at ginawa ko ang kababalaghan na yun!?

"Seaver!" Napatayo ako nang marinig ang boses ni Reivan.

''Hi Reivan! Naka-uwi ka na pala." Bumati si Clayi kay Reivan.

"Oh, yeah." Bumaling siya sa akin, "Bakit pulang pula yung mukha mo?"

Natawa si Clayi sa gilid, "Paano ba naman kasi-"

"Ang init kasi rito, Reivan! Tara sa labas?" Hinatak ko siya palabas ng shop.

"Actually, may pupuntahan tayo...Somewhere, kailangan mong mag-ayos, dahil yung kaibigan kong galing pang NYC ay kauuwi lang.''

Lumawak ang ngiti ko, "Woah, talaga? Sino?"

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, "Celina Johnson."

Napatingin ulit ako sakanya, "Kilala ko siya! Model siya hindi ba?"

Ngumiti siya sa akin, ''Yeah, how do you know?"

Nagbikit balikat ako at napatingin sa malaking box na nasa harap namin.

"Oh! That's your gown." Kinuha niya yung box at binuksan ng kaonti. Kuminang agad yung mga naggagandahang bato.

"Reivan, hindi ko isusuot yan! Okay na akong ganito."

Nilapag niya yung box, "No, Seaver. It will suit you."

Umiling ako at tumingin sa may labas, "Kahit na, Reivan. Ayokong binibilhan ako nang kung ano anong mamahaling gamit."

Hinimas niya yung likod ko, "Okay, fine. If you don't want to."

Nang makarating kami sa isang magandang mansion naisipan kong mukhang nagkamali ata akong hindi ko isinuot yung gown na bigay niya sa akin, dahil sa may gate palang nakikita ko na ang mga babaeng magaganda ang suot na gown.

My gown's color is black with stone, it's backless revealing my back, in front you can see half of my chest because it's v-line.

Inalalayan akong maka-baba ni Reivan, humawak ako sakanya nang pagpasok namin, paano ba naman kung makatingin silang lahat sa amin.

May mga bumabati kay Reivan, nakaka inggit yung mga babaeng ang gaganda na bumabati kay Reivan. Halos magtago ako sa likuran ni Reivan nang magsigawan silang

'G four'

Nilingon ako ni Reivan sa likod niya, "Ganyan ka lang." humawak ako sa kulay puti niyang tuxedo.

Sumilip ako at halos malaglag ang panga ko sa kagwapuhan ng apat, lalo na yung isang lalaking nakasuot na kulay pulang tux. Agaw nilang lahat ang atensyon.

Hinatak ako ni Reivan, humawak ito sa baywang ko at sinubuan ako ng kinakain niyang s'more.

Tumingin ulit ako sa G four, nakita ko silang nakaupo sa enggrandeng sofa. Ngayon naman ang nakaagaw sa atensyon namin ang babaeng pababa ng enggrandeng hagdan, kumaway siya sa amin. Hindi ko alam pero tingin ko kahit sinong lalaking tumingin sakanya ay maiinlove sa kanya. Sobrang ganda.

Sumayaw sila sa gitna ni Perge, humarap ako kay Reivan, "Punta lang akong poolside." Tumango siya at humarap ulit sa kausap.

Nakakahiya naman tong suot ko, Hindi ako babagay rito. Para akong isa sa mga crew dito, Kumuha ako ng inumin.

"Well...Look at this poor girl, trying to be rich."

Humarap ako kay Atashia, naka kulay abong cocktail dress ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Tumawa sila, "Hindi ka babagay rito.'' Tinulak niya ako pero mahina lang naman kaya napaatras lang ako.

"Oh, Hi Seaver!" Napatingin ako sa tumawag sa akin ng Seaver.

"Hi?"

Tumingin siya kila Atashia, "You know what? kayo ang hindi bagay rito...Mga mukhang basura!" Tumawa siya at hinatak ako.

Agad naman kaming sinalubong ni Reivan, napatingin ako sa enggrandeng sofa, nagtama ang mga paningin namin ni Vience, agad naman niyang iniwas yun. Ang tatlo ay mukhang nag-aalala na natatawa.

"I told you to wear that long gown, Seaver." Inalalayan ako ni Reivan na maupo sa couch, bumalik si Celina na dala na ang box na malaki.

"It's okay, Reiv, don't worry." Ngumiti ito kay Reivan.

Reivan sighed, "Take care of her, alright? Hintayin ko kayo sa baba." Lumabas siya ng kwarto.

Ngumiti sa akin si Celina atsaka nag-umpisa na siyang ayusan ako, unang una niyang inayos yung buhok ko. Tinali niya yun pataas at kinulot ang bandang ilalim, sunod ay yung mukha ko. Ang sabi niya dapat simple lang tutal ay maganda naman ang mukha ko. Natawa ako ron, sa mga pamilya ko siya palang ang nagsasabi na maganda ako.

"Woah, look at yourself, Seaver!"

Gulat na gulat din ako sa sarili ko, hindi ko halos makilala. Ever since ngayon lang ako naayusan ng ganito. Yung magandang damit na to ngayon lang ako nakapagsuot.

"Thank you, Celina."

Tinignan niya yung repleksyon ko sa salamin, "No wonder..."

Ngumisi lang ako at hindi alam ang sinasabi niyang 'no wonder'

Bumaba na kami at halos lahat sila ay namangha sa ayos ko, sumalubong agad sa akin si Reivan, nagulat sila dahil sino ba namang napaka-gwapo ang magkakagusto sa akin.

Nagtama ulit ang paningin namin ni Vience, seryoso itong nakatingin. Hindi bumibitaw ng titig sa akin, ako na ang umiwas at tumingin na lang kay Reivan. Nagsimula nang tumugtog. Dinala ako ni Reivan sa harapan at niyaya na sumayaw.

Tumawa ako dahil sinabi ko sakanyang hindi naman ako marunong na sumayaw, "It's okay, I'll teach you."

Dahan dahan kaming sumayaw. Nang biglang may narinig kaming bumagsak, napatigil ang lahat ng tao at tumingin kay Vience, may sinuntok pala siyang lalaki.

Pinanliitan niya ako nang kanyang mata, "You're still a trash." Aniya at agad na naglakad palayo.

Susuntukin sana siya ni Reivan pero inawat ko nalang.

"Is he crazy?" Umiling ako sakanya at hinawakan nalang ng mahigpit ang braso niya.

"Stop it, Reivan."

What's with him?

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon