Chapter 11

2.2K 41 0
                                    

"Sorry talaga, Reivan." Pagka-uwi ko kasi nandito siya sa bahay at mukhang alalang alala. Siguro dahil sa pagpatay ko sa tawag niya.

Pinaupo ko siya sa maliit naming sofa at kumuha rin ng maiinom niya.

"Pagpasensyahan mo na itong si Serene, Reivan." Ani Mama at tumabi kay Reivan.

"Ma!"

"Okay lang po, Tita, nag-worry lang po talaga ako." Ngumiti siya, "Anyway. Okay naman po siya aalis na po ako, pasensya po sa abala."

Ngumiti rin si Mama at ako, "Sigurado ka?" Tanong ko. Tumango naman ito at lunapit sakin para dampian ng halik sa noo bago umalis.

Bago pa siya makalabas ng bahay ay agad ko na siyang hinabol.

"Ah Reivan."

Tumingin siya sa akin ng nakangiti.

Yumuko ako at inisip kung tama ba ang gawin to. As his friend and fiancee, dapat lang na gawin ko ito. Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ako ng second thoughts na gawin ang mga bagay na dapat naming gawin.

Tumingkayad ako at inabot ang pisngi niya upang dampian ng halik. Tumingin siya sa akin ng may pag-aalala sa mata, hindi ko alam kung nagustuhan niya yun o hindi. Kumamot ako sa ulo ko at natawa.

"I thought that was the right thing to do..."

Ngumiti siya sa akin at tinapik ang ulo ko, "You don't need to do that, just be with me and remind me all the time that I'm still your first love, alright?"

"Hmm." Tumango ako at hinatid na siya sa labas, kumaway ako sakanya nang makasakay na siya sa sasakyan.

Pagkatapos kong kumain ay naghanda na agad akong pumasok sa trabaho, sakto namang kakauwi lang ng kapatid ko. Palagi itong seryoso ang mukha at para bang galit sa mundo.

Tumawa ako nang makitang ganoon pa rin ang ekspresyon niya, "Papasok na si Ate."

Tumango lang ito at hindi na sumagot pa, nag-paalam na rin ako kay Mama na aalis na.

Pagpasok ko palang sa shop ay sinalubong na agad ako ni Clayi, hinawakan niya ako sa magkabilang braso na may malaking ngiti.

"Nagkita na ba kayo ni paps Reivan?"

Nagtaas ako ng isang kilay at tumango.

"Omg! Sinasabi ko na nga ba! Sinasabi ko na nga ba, e, mahal na mahal ka talaga niya! Alalang alala kaya siya kanina." Sinusundot sundot niya ang baywang ko habang kinikilig sa nangyari.

"I know, Clayi, stop acting like that." Tumawa ako at nagsuot na ng uniporme.

Marami pa siyang sinabi bago siya napagod magsalita at nagtrabaho na lang, ilang sandali ay napatingin ako sa daliri ko. Suot ko pa rin ang straw na binigay ni Vience. Tinanggal ko yun at nilagay sa bulsa ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok, nabigla pa nga ako nang makitang naghihintay si Vane sa labas ng campus, kumaway ako sakanya at binatis siya, ganun rin siya sa akin.

"Akala ko lalayuan mo talaga ako." Niyakap niya ang braso ko at tumawa.

"Hindi ah, sinabi lang yun ni Perge." Ngumiti ako sa kanya.

Pumasok kami sa loob at wala namang gaanong tumitingin sa amin, that was I thought, but I was wrong nung nasa harapan na kami ng room nila Vience ay may humatak sa uniporme ko.

"Pati ba naman fiancee ni Vience nilalapitan mo? You know what, Aeverlise Serene, lahat sinisira mo!" Inawat siya ni Vane ngunit hindi ito nagpatinag ang babae at mas lalo pa akong hinigit.

"Alam mo ba kung bakit nag-away si ate Celina at Perge!? Dahil sayo yun, Aeverlise Serene!" isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin, napapikit ako dahil sa sakit ng sampal niya.

"Serene!" Hinawakan ako ni Vane.

"Is that all?" narinig ko ang boses ni Perge, inangat ko ang ulo ko at hindi nga ako nagkamali, lumapit siya sa akin niyakap ang ulo ko, tinulungan niya akong makatayo at inalalayan.

Ngayon ay humarap siya kay Vane, "Ano pang balak mo?" hinawakan niya ako sa balikat para makapaglakad na kami.

"Wala namang ginawa si Vane." Sabi ko nang makalayo na kami.

Inupo niya ako at tinignan ang pisngi kong namumula, "You don't know anything, Serene, that's why I want to protect you." Niyakap niya akong muli at pagkatapos ay hinawakan akong aking pisngi, "Are you okay, Serene?"

Tumango ako at napatingin sa mata niyang kumikinang, marahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata niya.

"Perge..." I whispered his name, "Totoo ba na...Nag-away kayo ni ate Celina?"

Hindi agad siya nakasagot roon at nagdalawang isip pa kung ano ba ang dapat na sabihin, sa huli ay umamin. Gaya ng aking inaasahan na hindi niya kayang magsinungaling.

"Maliit na tampuhan lang, don't worry." Hinawakan niya ang ulo ko.

Ngumiti ako sakanya at hinawakan ang kamay niya. "Can you stay by my side, Perge?"

Tumango itong nakangiti. "I'm always in your side, Serene, can you stay away from them? Sa tingin ko kasi hindi nakakabuti sayo ang mapalapit sa kanila. Just be with Reivan all the time huh?"

Hindi ko man maintindihan ang gusto niya kung bakit gusto niyang palagi akong nasa tabi ni Reivan ay tumango na lamang ako. Hindi ko man alam kung gusto o tama ba ang sumunod sa mga gusto niya, basta ang naiisip ko lang ay panatag akong nasa tabi niya. Hindi ko man siya ganun kilala, pakiramdam ko ligtas ako kapag nandyan siya at nililigtas ako.

Gaya ng sinabi ni Perge siguro nga ay wala akong alam sa kahit na ano, sa mga sumunod na araw kasi hindi na ako pinansin pa ni Vane. Ngumingiti ito ngunit hindi na ito lumapit pang muli sa akin.

Minsan ay mag-isa ako, minsan nakakasama ko si Gaez at Blaze. Si Perge hindi ko alam pero hindi siya pumapasok at nag-aalala na rin ako sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba narito ka lang, e." Tumingin ako sa likod ko at nakita si Blaze na kakapasok lang ng rooftop.

"Hi." Umupo siya sa tabi ko.

"Hideout ito ni Perge, ah? Nagkikita ba kayo rito?"

Nakangiti akong tumango, "Madalas, oo."

Nagbikit balikat siya at inabot sa akin ang soda at paborito kong pagkain. "That's good."

Hindi na ako sumagot at nag-umpisa na lang na kumain.

"That thing...You know, the time when I kissed you?"

Nasamid ako nang maalala na naman yun, hindi pwedeng may makaalam nun!

"It's true, Serene, I like you..."

Uminom ako ng soda at seryosong tumingin sa kanya, "Hindi mo ako pwedeng magustuhan, Blaze. Kahit na sino sainyo, mayroon ng nagmamay-ari sa akin."

This time ay seryoso na rin siyang nakatingin sa akin, may kung ano sa mata niyang hindi ko maintindihan, "Is he...Perge?"

"His name is Reivan...My fiancé."

Umiwas ako ng tingin at hindi ko na maintindihan pa ang iba't ibang pakiramdam na naghalo halo na sa akin. Sa tatlong lalaking nakapaligid sa akin, hindi ko alam kung sinong mali at sinong tama.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon