Chapter 35

1.4K 20 1
                                    

"Salamat po." Ngumiti ako sa nagtitinda ng ice cream at nagbayad na.

Naglakad na ako pabalik ng school at nakasalubong si Vience, iniwas ko ang tingin ko at sumubo ng ice cream, napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Vience." Tawag ko sakanya, nilingon niya ako at nagtaas ng isang kilay.

Umiwas ako ng tingin sa kanya bago ko nagsalita. "P-pwede mo ba akong samahan sa rooftop?"

Hindi siya sumagot pero sumabay siya sa paglalakad sa akin, medyo nailang ako dahil wala man lang nagsasalita sa amin. Pagbukas ko ng pintuan ng rooftop ay agad kong nilanghap ang sariwang hangin.

"Tara doon tayo!" hinatak ko siya papunta sa may veranda, naupo ako doon at tinignan ko siyang nakatayo lang sa tabi ko.

"Ayaw mong maupo?" nilapag ko ang medyo tunaw ko ng ice cream.

Umiling siya at tinignan lang ako, umiwas ako ng tingin at nag-indian seat na lang ako.

"Alam mo, gustong-gusto ko talaga malaman kung ano yung gusto mong sabihin sa akin nung araw na 'yon." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

" 'Yon din yung gusto kong maalala." Tumingin ako sa kanya at nagulat ako nang nakatingin din siya sa akin.

"Ah." 'yon nalang ang nasabi ko.

May kinuha siya sa bulsa niya at ipinakita sa akin, "Ibinigay ko ito sayo di'ba?"

Tinignan ko ang bangle na hawak niya, bumaba naman ang tingin ko sa suot kong bangle ngayon. Tumingin rin siya doon at ibinaba ang kanyang kamay.

"Itatago ko na lang muna." Ngumiti siya sa akin.

Blaze Point of View

Tinignan ko ang nakahigang si Vane, nakatingin lang ito sa langit at parang wala siyang pake kung madumi man ang hinihigaan niyang sahig, pumi-pikit pikit siya sa tuwing tumatama ang sinag ng araw sa kanya.

"It's been so long, and yet I still like him." Aniya

Tumabi ako sa kanya at tinitigan ang maganda niyang mukha, hindi ko aasahan na kay Vane ako mahuhulog ng sobra. Hindi ko nga alam na nakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Serene, e. Akala ko noon magkaka-away kaming apat dahil sa isang babae. But, nah. Noong bumalik rito si Vane parang gustong gusto ko siyang yakapin.

Simula nung umalis siya, ako ang nakakausap niya palagi. At masasabi kong kabisadong-kabisado ko na siya.

Alam ko kung nagsisinungaling siya, kung malungkot siya o ano. Ilang beses ko na rin sinubukang umamin sa kanya pero paulit-ulit niyang sinasabi na nanghihinayang siya sakanila ni Vience, pero okay lang daw tutal kay Serene mapupunta ang taong una niyang minahal.

"Ugh, fine! Hahanap na talaga ako ng iba.'' Bumangon siya at kinuha ang mga gamit niya.

Tumayo na rin ako at hinabol na siya.

Serene Point of View

"Nakilala mo ako kasi, binigyan mo ako ng red ring." Ngumisi ako at inalala ang mga nangyari noon.

"Ako naman galit na galit ako sayo. Lahat ng estudyante dito takot sainyong Gorgeous Four, wala kaming magawa dahil makapangyarihan kayo. Ikaw na ata ang pinaka badboy ng Brinté Academy! Until...natulak ako ng isang estudyante at nadaganan ko ang sapatos mo." Tumawa ako at nilingon siyang nakangiti.

"Galit na galit ako nun sa'yo, gustong-gusto kitang patayin nun." Diretsahan kong sabi at hinawakan ang tenga niya at pinaglaruan iyon, namula siya kaya nilayo ko ang kamay ko.

"S-sorry." Umiwas ako nang tingin nang hawakan niya ang kamay ko at idinala sa tenga niya.

"Kung ikaw ang hahawak ng tenga ko, okay lang sa akin." Ngumiti siya sa akin.

Napangiti rin ako at pinisil-pisil ang tenga niya.

"Mas nagalit pa ako sa'yo nun nang pinapaluhod mo ako sa harapan mo para huminga ng tawad!" kinunotan ko siya ng noo.

Tumingin siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa ginagawa niya sa akin. "Nagawa ko 'yon sa'yo?"

Tumango ako at pinitik ang ilong niya, "Kaya hanggang ngayon galit na galit ako sa'yo!"

Kumunot ang noo niya, "Dahil hindi kita maalala?"

Lumukot ang mukha kong tignan siya, namula rin ang mata ko.
"Kasi hanggang ngayon kinakalimutan mo kung gaano kita ka-mahal, hindi, yung pangalang ginawa mo para sa akin kinalimutan mo." I smirked.

Umayos siya nang pagkakatayo at tinitigan ang mukha ko.

"Alam mo ba dati? Palagi mo akong tinatanong kung totoo ba na gusto kita, paulit-ulit kong sinasabing oo, nagawa ko pa ngang huwag ituloy ang kasal dapat namin ni Reivan para sa'yo." Pumeke ang ngiti at tinulak siya. "Kinabukasan wala na, iniwan mo na ako agad, hindi ko man lang alam. Ang sama mo talaga!"

Hindi ko na napigilang hindi umiyak, hinatak niya ako pababa at niyakap, hinawakan niya ang ulo ko at tinapik iyon. Umiyak ako sa dibdib niya at bumalik ang lahat ng sakit.

"The worst thing that you did to me is to look at me like you don't know me, like you didn't love me." Basag na basag ang boses ko nang banggitin ko 'yon.

Yes, nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. Nasabi ko na kung gaano kasakit sa akin ang tignan niya akong parang iba ako. 'yong hindi niya ako kilala.

"I'm sorry for leaving you, Aever."

"Gustong-gusto kong bumalik ka sa akin pero bakit parang ang hirap? Bakit parang hindi pwede?" hinarap ko siya, "Siguro kasi ayokong masaktan si Perge."

Pinunasan niya ang luha sa mata at pisngi ko, nilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako.

"Hindi man kita matandaan, sinasabi naman ng puso ko na ikaw ang mahal ko, Aever, hindi na kita ulit iiwan."

Umiling ako at bahagyang lumayo sa kanya, "Hindi na kailangan, Vience, kahit anong mangyari hindi ko iiwan si Perge." Ngumiti ako at umupo ulit.

"Sa ngayon, magkaibigan na lang tayo, Vience."

Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko, sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"At least, kahit kaibigan." Aniya at tumingin sa kung saan ako tumingin.

I sighed.

Siguro ito ang tamang gawin? Hindi ko siya iiwan, pero hindi ko rin siya babalikan. Papagitna na lang kami, kaibigan ko siya, kaibigan niya rin ako. Hanggang doon lang.

Ayokong masaktan si Perge, masyado siyang maraming ginawa para sa'kin at ayokong masaktan siya dahil sa akin, sobra-sobra na ang ginawa niya, palaging ako ang inuuna niya. At ayoko ng bigyan siya ng sakit ng ulo.

"Vience," sabi ko bigla."Balikan mo na si Tazanna."

"Don't want." Tipid na sagot niya.

Hinawakan ko ang mukha niya at biglang may naalala, si Madame Vina at si Mama. Siguro ito talaga ang tama. Dahil ako, ayokong may masaktan. Para sa akin ito ang tama. Ang manatili kay Perge.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon