Chapter 27

1.2K 20 0
                                    


Naglalakad ako sa may hallway mag-isa para pumunta sa library nang biglang may lumapit sa akin na lalaki at binuhos ang dala niyang inumin. Napapikit ako dahil biglaan ang ginawa niya.

Narinig ko ang mga halakhak ng mga tao na nasa paligid, ngumisi ako. I'll start here.

"Yan lang ba ang kaya niyo?" Taas noo kong tanong, nagbulungan ang iba at bigla nila akong pinagbabato ng mga kung ano-anong hawak nila. Umilag ako pero patuloy pa rin akong tinatamaan.

"Stop!" Huminto sila nang marinig ang boses ni Perge, lumakad ito papunta sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at tinignan ako kung nasaktan ba ako sa ginawa ng mga ito.

"Serene!" Sabay na pumunta si Gaez at Blaze sa akin, nilingon nila si Vience sa dulo na nakaupo sa may bench, nagtaas ito ng kilay nang tignan ko siya.

Ngumisi ako sakanya at taas noong hinarap siya. "Bakit nakakaalala ka na ba!?"

Hindi siya nagsalita at tumayo lamang, "Ano, Vience! Sagutin mo ako!"

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tinalikuran kami, sinalubong niya si Tazanna na papunta na rin pala dito. Naikuyom ko ang kamao ko lalo na nang umakbay siya rito.

"Serene, let's go." Hinawakan ako sa braso ni Perge.

Tumango ako at sumunod na lang sa gusto niyang gawin.

"Hindi natin mapipigilan si Vience, Serene, kabisado mo naman siya diba?" Umupo sa tabi ko si Gaez.

Tumango ako habang inaayos ang damit na hinubad ko kanina.

"Hindi namin alam ang tungkol kay Tazanna, nalaman nalang namin nang ibalita ni Mrs. Dela Vegas." Ani Blaze.

"She really hated me."

"Why don't you forget him nalang? Since he doesn't remember you." Tumingin ako kay Gaez sa sinabi niya.

Tumayo ako at inilagay na ang bag sa aking balikat, "I'll try, kapag nagawa ko na ang mga bagay na makaaalala siya at hindi pa rin umepekto, I will forget him." Tumingin ako kay Perge at naglakad patungo sakanya.

Inabot ko sakanya ang towel niya, "Isosoli ko nalang itong shirt mo." Ngumiti ako at tumalikod na sakanila.

Tinali ko ang buhok ko para mas maging bagay sa akin ang suot kong oversized shirt ni Perge, umakyat ako papuntang room dahil hindi ko naman mahanap sila Vane at Atashia.

Paupo na ako sa chair ko nang may tumawag sa akin, "Serene?"

Inangat ko ang tingin ko sa may corridor at nakita si Tazanna. Why is she here?

Ngumiti siya sa akin at sumandal sa may corridor, nilapag ko ang bag ko sa desk at lumabas. Kumaway siya at lumapit sa akin.

"Hi, can we talk?"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung papayag ba ako o kung ano, ngumiti siya lalo at hinawakan ang braso ko. Hindi pa ako pumapayag ay hinatak na niya ako kung saan.

Dinala niya ako sa garden, hinawakan niya ang mga naggagandahang bulaklak, "Beautiful." Aniya na tila manghang-mangha sa mga iba't ibang klase ng bulaklak.

Our memories came back to my mind, the song that he sang for me. Our first date, and I think it will be the last too.

"May iniisip ka?'' Nagulat ako nang nasa harapan ko na si Tazanna. Naupo siya sa may bench at tiningala ako.

Naupo ako sa tabi niya at tinignan siya, "Anong pag-uusapan natin?"

Hinawakan niya bigla ang buhok ko at inamoy iyon, "Ang bango ng buhok mo." Aniya

Ngumiti ako, "Hmm."

Pinanliitan niya ako ng mata at ipinakita sa akin ang suot niyang kwintas.

"Bigay sa akin ito ni Vience, ang ganda diba?"

Tumango ako sakanya at pinuri ang kwintas na ibinigay sa kanya ni Vience.

"Alam mo, paulit-ulit niyang sinasabi na may nakikita daw siyang bangle sa panaginip niya. Hindi niya alam kung kanino yun." Ngumuso siya at tumingin sa akin ng patagilid.

"Alam mo ba kung kanino yun?"

Nanlaki ang mata ko at agad na umiling, "H-hindi."

Ngumisi siya at tumayo, "Liar!" Tinuro niya ako, "What do you think of me? Stupid? Oh, come on! You're his ex-lover, right?"

Kumunot ang noo ko sakanya at tumayo rin upang magpantay kami.

"Mamita told me about you two, she's right, you're a whore. You're not satisfied yet? Pati si Perge!"

Ngumisi rin ako sakanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa, "Kilala mo pala ako, e! Bakit hindi mo aminin kay Vience na alam mo ang tungkol sa amin? Hindi ako ang sinungaling rito, kundi ikaw'ng babae ka!" Dinuro ko siya at hinawakan ang kwintas na nasa leeg niya.

"Kapag ba naalala niya ako, sa tingin mo ikaw pa rin ang gusto niya?" Lumayo ako ng bahagya sakanya.

"I'm gonna end you, Serene Plamera." Pinasadahan niya ako ng matagal na tingin bago niya ako iniwan na mag-isa roon.

I can't believe this, ngayon hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Pero ang malamang may alam siya, siguro dapat ngang ipaalala ko kah Vience ang lahat, simula sa paano niya ako nakilala hanggang sa paano niya ako minahal.

Lumabas ako ng garden at nakasalubong ko sila Vane at Atashia.
Mukha silang natataranta.

"Serene, where have you been!? Iyong mga gamit mo sinusunog sa may field!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko at agad na tumakbo papunta sa field, bumuga ako ng hangin nang nauubusan na ako ng hangin, sa laki ng school namin ay talagang malayo ang field. Nakita ko silang nagkakagulo roon sa may field. Nakisingit ako at nang sa wakas ay nasa gitna na ako ay napaupo nalang ako nang makita ang gamit ko na unti-unting nauubos dahil sa mga nagkalat na apoy. Naubo ako sa usok.

Natauhan na lang ako nang may tumadyak sa akin, sumubsob ang mukha ko sa lupa. Buong lakas akong tumayo at inikot ang aking paningin, nakita ko si Vience na papunta rito, hindi niya kasama sila Perge.

Naglakad ako patungo sakanya habang nagsasalita.

"You're nothing but a useless boy in this world, Vience! Wala kang pinagbago!" Sinuntok ko siya mukha at halos matumba siya sa lakas ng aking pagkakasuntok. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

"Serene!?"

Narinig ko ang boses nila Gaez, Blaze, Perge, Vane at Atashia sa kung saan. Hinatak ko ang polo niya at nilapit siya sa akin.

"You want play? We'll play." Ilang segundo ang tinagal bago ko dinampian ng halik ang labi niya, I closed my eyes. Then he closed his eyes too.

That Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon