*****
Pumasok na sila sa Loob. Nang makapasok sila, lahat ng tao do'n ay nabigla
"Kuya? E-Eliza? Oh My Gosh! Kyaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!"
Kinikilig na sigaw ni Kirsten kasabay pa ng pagpalo at paglukot ng damit ni Harry na katabi niya.
"Aw!-- Ah! Ay!-- Tama na! Ouch!-- Taena! Tama na!"
Sigaw din ni Harry. Halatang nasasaktan na siya.
"Oh Apo, Umupo na kayo."
Umupo na si Kenly sa katabi ni Eliza.
"Boo? Anong gusto mo? Chicken? Hotdogs? Cake?"
Tanong ni Eliza kay Kenly na kumukuha ng pinggan. Nagkatinginan naman sila Harry at Kirsten. Halatang pinipigilan ang tawa.
Inipakan ng palihim ni Kenly si Harry sa paa.
"Aw!"
"Ah...Boo, Kahit ano na lang. Yung gano'n din tulad ng iyo."
Hindi na napigilan ang tawa nila Kirsten at Harry kaya tumawa na sila ng malakas.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"ANG GALING UMAKT---"
Tinapakan ulit ni Kenly si Harry sa paa.
"Hahahahahaha...ha-ha-ha Ehem!"
Tumigil na sila sa kakatawa.
Kumain lang sila habang pinag-uusapan ang mga gagawin ngayong Birthday ng Lolo nila Kenly at Kirsten.
*****
Matapos ang kainan, tuwaan at ang mga ginawa nila sa kaarawan ng Lolo nila Kenly, ay nagpasiya na silang umuwi. Sabay sabay na silang uuwi. Tatlong kotse kasi ang nandiyan.
Isa kay Harry, Isa din kay Kirsten, at Isa kay Kenly.
"Oh Apo, Maraming salamat sa pagpunta niyo dito sa kaarawan ko, gusto ko rin sanang makasama kayo ng kasintahan mong si Eliza."
Ngiti lang ang sagot nila sa Lolo ni Kenly.
"Aalagaan mong mabuti 'yan! Nako! Kenly! Sinasabi ko sa'yo!"
Natawa na lamang sila.
"Opo Daddy Lo, Aalagaan ko po si Eliza at mamahalin."
"That's my Boy!"
Natawa ulit sila.
"O'siya! Mag-ingat kayo sa pagmamaneho, Kirsten!"
"Po?"
"Siya ba ay kasintahan mo rin?"
Nagkatinginan naman sila ni Harry at Kirsten.
"Po? S-Siya? Boyfriend ko? Daddy Lo naman eh!"
"Biro lang!"
BINABASA MO ANG
Fake Lovers (PUBLISHED)
RomanceA Hope & Quen Fan Fiction! Enjoy The Story Hope & Quen Fan
