Prologue

1.4K 17 0
                                    



*****

"Babe! Oh My Gosh! Buy me that one! And yun yung dress, Oh god! Look at these shoes! On My Gosh! Ang ganda ng bracelet! Can you buy this one for me? And oh! That pink dress to--"

"Ano ba?! Tigilan mo na ako Sab! Nasisiraan ka na ba ng bait?! Lahat gusto mo ipabili. Gusto ko nun, Gusto ko niyan wawawaha!"

Puno ng galit si Kenly, Lagi na lang kasi ang gusto ni Sab ang mga pinapabili niya.

Pabili dito, Pabili doon. Pero nangako siya sa Lolo niya na iingatan niya si Sab. Hindi pa kasi nakikita ng Lolo ni Kenly si Sab, Kahit kailan.

Pero talagang napapagod na si Kenly kay Sab, Lagi na lang nauubos ang pera niya. Kun'di pagkain, Sa mga dresses at shoes naman ang ipanapabili. Kung minsan, Mga bags at accessories naman.

Flashback

"Daddy Lo! Kamusta na po kayo diyan? Miss ko na po kayo!"

Kausap ni Kenly ang Lolo niya sa telepono. Daddy Lo ang tawag niya sa Lolo niya. Ang Lolo niya kasi ang nagpalaki sa kaniya nung namatay ang Dad at Mom niya dahil sa car accident.

Kaya nung nagtapos siyang mag-College at ang kurso niya ay sa Lolo niya ibinigay ang kaniyang tagumpay.

Hindi man nakikita ng Lolo niya si Sab pero ramdam na ramdam niya kung gaano niya kamahal iyon....NOON.

Pero pagod na si Kenly kay Sab dahil nalaman niyang pera lang naman ang habol niya rito sa binata. Pero hindi alam ni Sab iyon.

[Kamusta naman yung kasintahan mo? Bakit hindi mo pa ipakilala sa akin 'yang mahal mo? Kahit man lang pangalan?]

Hindi niya rito sinabi ang pangalan ni Sab, Dapat sasabihin niya na iyon pero nalaman niya nga ang tinatago ni Sab galing sa mga impormasiyon ng mga kaibigan niya.

"Amh...Daddy Lo, Kamusta na po si Mikey?"

Pag-iiba niya sa kwento, Si Mikey ang aso nila na mabalahibo at maputi. Ayon na lang ang kasama at inaalagaan ng Lolo niya dahil wala naman siyang kasama. Maliban kay Manang at sa mga maid.

[Masigla at Mabait na aso pa rin, Siya nga pala Apo. Dadalaw ba kayo ng kasintahan mo rito? Sana naman makadalaw kayo at mapakilala mo na siya sa akin. BAGO KO PANG MALAMAN NA MAY APO NA AKO.]

Nabigla naman siya sa sinabi ng Lolo niya, Dahil alam niyang hindi iyon matutupad.

Pangarap kasi ng Lolo niya na magkaapo na hangga't buhay pa siya. Hindi naman sa malapit na siyang mamatay pero dahil tumatanda na siya.

Gusto niya munang matupad ang pangarap ng Lolo niya. Nangarap ito na makita ang Apo bago pa siya mawalay sa mundo.

Ayaw niya namang malungkot ang Lolo niya kaya gagawa siya ng paraan.

Pero paano? Hindi niya kayang magpakasal kay Sab dahil hindi naman siya mahal no'n at pera lang ang gusto at hiling sa kaniya.

[Oh? Apo? Bakit natahimik ka? Bakit? May apo na ba ako? Naku! Gusto ko munang kasal kayo bago manganak 'yang kasintahan mo hah? Nagmana ka sa akin Apo, huwag kang maingay. Hindi ka nagmana sa Tatay mong loko-loko Hahaha.]

Napatawa na lang si Kenly pero problema pa rin ang nasa isip niya.

Hindi niya pwedeng suwayin ang Lolo niya dahil malaki ang utang na loob niya rito, Sa pagtitiyaga sa pag-aalaga at pagpapalaki.

"Sige po Daddy Lo, Promise po. Matutupad na po ang kahilingan niyo."

Ngumiti na lamang si Kenly pero hindi maalis ang lungkot sa mga mata niya. Maari niyang masaktan ang Lolo niya kapag sinabi niya rito na hindi niya papakasalan ang babaeng DATI niyang minahal at hindi rin ito maipakilala sa anak niya na magiging apo.

[Oh? Apo sige na, matulog ka na at huwag mong papabayaan ang kasintahan mo, Lalo't na kapag buntis na 'yan! Naku! Kenly Joseph Alfaro. Huwag kang gagaya sa tatay mong loko-loko ah?]

"Hahaha! Promise po Daddy Lo."

[Ay Kenly! Bago ko makalimutan, Huwag mo ng isumbong sa Tatay mo ang mga sinabi ko sa'yo. Baka mag-Collapse ako sa takot dito ah?]

"Hahaha! Opo Daddy Lo, Good Night po."

"Good night din Apo."

Pinutol na nila ang pag-uusap sa telepono.
Iniisip pa rin ni Kenly ang mga pinag-usapan nila ng Lolo niya kanina.

Siguradong masasaktan si Lolo kapag hindi natupad ang mga hiling niya sa buhay, Pero paano? Hindi naman ako mahal ni Sab? User lang siya at ako push lang ng push! Aba! Bagay pala kami eh, User at Push. Pusher! Adik pala 'yung Sab na 'yon.

Sabi ni Kenly sa kaniyang isipan na nakahiga sa kama, Nag-iisip siya ng paraan para matupad ang pangarap ng Lolo niya na magpakasal siya, Magkakaapo siya na kahit dalawang dosena pa 'yan. At higit sa lahat, Mamahalin niya ang asawa at ang magiging anak niya.

End Of Flashback

"Tsk! Whatever."

Sabi ni Sab at inirapan si Kenly patalikod, Tumingin lang si Kenly ng masama kay Sab.

Kukunin na sana ni Sab ang Dress pero...

"Kapag hinawakan mo 'yang damit na 'yan, Sorry, Break na tayo!"

Napalingon si Sab.

Napanganga na lang si Sab at tila ba
nang-aasar pa.

Hinawakan ni Sab ang damit gamit ang hintuturo. Napahawak na lang sa bibig si Sab gamit ang isa pa niyang kamay.

"Oopps! Nahawakan ko! Sorry din, BREAK NA TAYO!"

Umalis si Sab at tinarayan pa nito. Halos patayin na ni Kenly si Sab sa paningin.

Nag-Ring ang cellphone niya.

"Hello?!"

[Apo? Kamusta ka na?]

Ang Lolo pala ni Kenly ang Tumatawag.

"Okay naman ho Daddy Lo."

[Siya nga pala Apo, Makakapunta ka ba sa kaarawan ko? Sa Sabado na 'yon Apo. Ay! Isama mo na 'yung kasintahan mo para makilala ko na rin siya.]

Kinakabahan si Kenly sa bawat salita ng Lolo niya, Mukhang hindi niya kasi matutupad ang pangarap niya rito. Ayaw niya namang sabihin na break na sila ni Sab, Tiyak magagalit ang Lolo niya.

"Si-sige ho, Da-Daddy Lo."

[Okay Apo.]

Naputol na ang pag-uusap nila sa telepono.

*****

"Hah?! Break na kayo ni Sabrina?!"

"Oo Bro! Break na kami."

Pumunta si Kenly sa bahay nila Harry, Bestfriend niya. Pinag-uusapan nila kanina ang mga napag-usapan ng Lolo niya.

"Eh paano 'yan? Hindi mo man lang natikman si Sab kahit halik man lang, Ang sarap kaya ni Sab!"

"Gago! Ayaw ko namang gawin 'yon kay Sab, Well dati gusto ko pero ayaw ko na sa kaniya."

"So, Paano na 'yang pagpapakilala mo? I'm sure magagalit sayo 'yung Lolo mo at baka 'yung galit na 'yon ay ayun pa ang sanhi ng pagkamatay niya."

"Tsk! Ewan ko nga eh. Wala naman akong makikitang babae na mamahalin ako ng tunay at magandang katawan. Syempre baka 'yung iba hindi ako magustuhan."

"Pa-audition tayo?"

"Baliw! Ang daming magiging despirada!"

"Oh eh ano?!"

*****

To Be Continued...

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon