Chapter 29-Spy Eliza

319 5 0
                                        



*****

Nagising si Eliza dahil sa tumamang sikat ng araw sa kaniyang bintana.

Unat-unat muna.

Bumaba siya. May naalala pala siyang gagawin. Kukumbinsihin niya si Kenly pero hindi na muna. Si Kuya Je muna ang kailangan niya.

Naligo muna siya. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya.

Medyo umuumbok na ang kanyang tiyan. 3 weeks palang yung Baby.

Nagbihis siya ng isang kulay asul na Dress.
Hanggang tuhod lang at off shoulder.
Nag-braid sa magkabilang buhok.

Nagdrive na siya papunta sa bahay nila Kenly. 6:20 AM pa lang kasi kaya malamang tulog pa 'yon.

Nang nai-park niya na ang kotse, sumilip muna siya. Laking gulat niya na gising at naka-suit si Kenly.

Ngayon ko lang nakitang maagang nagising si Kenly. Wow ah! Like Wow!

Nakasilip lang siya sa bintana ng kotse niya. Nakita niyang nakikipag-usap si Kenly kay Kirsten. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

Bumaba siya ng kotse, pero nakatalikod si Kenly kaya hindi siya napansin. Nagtago siya sa likod ng puno.

Naririnig niya pa ang ilang pinag-uusapan nila.

"Basta...ngayon, ako muna ang mag-me
merge ng Company ni Daddy. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay, magtatagal din ako do'n ng mga ilang oras kaya hindi ako kaagad makakauwi. Naiintindihan mo?"

Merge? Ng Company ni Tito? Hala....Buhay pa Daddy niya?

"Amh...Opo Kuya."

"One last thing, ayo'kong madadatnan si Eliza dito. Kapag ang oras na makita ko siyang kausap mo, alam mo na ang gagawin ko? Diba?"

"Opo Kuya, sisiguraduhin ko na hindi mo kami maabutan."

"Siraulo ka talaga! Saan ka ba nagmana? Ha?! Edi gano'n din 'yon!"

"Tsk...Whatever."

"Okay...Sige, sa'yo ko muna ipapagamit ang sasakyan ko. Me'ron naman akong sasakyan na bago dito. Si Harry, ang magiging kasama mo. Pinagkakatiwalaan ko 'yon."

"Okay Kuya...I love you."

Nakita pa ni Eliza na hinalikan ni Kenly si Kirsten sa noo.

"I love you too."

Pagkatapos no'n, ay umalis na si Kenly.
Kasabay ng pagpasok ni Kirsten sa bahay nila.

Maglalakad pa sana si Eliza ng bumaba ng kotse si Kenly.

"Oh Ser? Eh bakit ho?"

Rinig niyang tanong ni Kuya Je na 37 years old na.

"May nakalimutan lang ako Kuya Je, babalik din ako kaagad."

Muling pumasok si Kenly sa bahay nila. Si Kuya Je ay nakasandal lang sa kotse habang nagsisigarilyo.

"Kuya Je..."

Nagulat si Kuya Je ng makita si Eliza.

"Oh Ma'am Eliza? Bakit?"

"Kuya Je, pwede po bang makuha yung number niyo?"

"Ha? Oh sige sige."

Bibigay ni Kuya Je ang number niya kay Eliza.

"Oh bakit ba?"

"Ah...Kuya Je, paki balitaan na lang ako kay Kenly. Tignan tignan niyo kung anong ginagawa niya at itext niyo lang sa akin o kaya tumawag kayo."

"Eh Diba mag-asawa kayo?"

"Yun nga ho eh, nag-away ho kami."

"Okay...Sige sige."

"Tsaka Kuya Je, ano ba yung sinasabi ni Kenly na may Company daw yung Daddy niya?"

"Ah...Kasi daw, yung Daddy niya bago pala namatay ay may anak na sa labas, mas nauna pa 'yon na pinanganak kesa kay Kenly. Nagtayo na daw ng Company ang Daddy niya 16 years ago. Pero ang anak sa labas ay ayon na ang pinag-merge no'n. Kaya lang...Namatay na yung lalaking 'yon."

"Lalake?"

"Oo...Si Ser Kenjie."

"Kenjie?"

"Matapos no'n ay buntis pala ang mama ni Sir Kenly at ayon si Ma'am Kirsten. Kaya nung namatay si Sir Kenjie ay si Kenly na ang nag-asikaso."

"Ahh....Salamat po sa impormasyon. Thank you po. Basta huwag na huwag niyong sasabihin kay Kenly ah? Magagalit 'yon saka baka pati po kayo ay mawalan ng trabaho."

"Wala 'yon, teka nga pala, bakit kayo nag away ni Sir Kenly?"

"Eh kasi--"

Naputol ang sasabihin ni Eliza ng lumabas si Kenly.

"Tara na p--Kuya Je? Sino yung kausap mo?"

"Ah...Yung...Anak ko, Sir Kenly. Si
E-E-Elena."

"Elena? Okay Sige, tara na ho."

Nakapagtago na din si Eliza sa likod ng puno. Nag-wink na lang siya kay Kuya Je at ngumiti.

*****

To Be Continued...

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon