*****"Oh eh ano?!"
"Mhh? Bahala na!"
"Diba Sa Sabado na Birthday ng Lolo mo? Oh sinong ipapakilala mo? Si Hazel?!"
Si Hazel ang kapatid ni Harry na may gusto kay Kenly.
"Si Hazel?! 'Yung kapatid mo?! Naku! Huwag na lang. Baka pagpinakilala ko siya eh hindi niya na ako pakawalan."
"Oh sino nga?"
"Si Eliza?"
Si Eliza ang kaibigan ni Kirsten na kapatid ni Kenly, May bangs, may braces, at makapal na kilay.
May salamin at madaming libro. Nerd siya kung tawagin. Pero mabait, Mabangis nga lang kapag inaway mo.
"Bakit siya? Eh ang pangit pangit no'n!"
"Pwede namang ayusan diba? At saka bangs at braces pati ang matabang kilay lang ang nagpapapanget sa kaniya."
"Sa bagay may point ka rin, Pero hindi ka niya nga type diba?"
Ayaw din ni Eliza si Kenly dahil lagi niyang dahilan Playboy daw!
"Oo nga ano? Basta gagawin ko 'yung STT!"
"STT?! Hindi ka makakapasa 'dun! Mahigpit at amazona si Eliza!"
"Staring, Touching at Texting lang ang makakapag lambot sa kaniya."
Itinaas ni Harry ang dalawa niyang kamay. Para bang hinoholdap siya.
"Okay! Sige! Wala ng problema! Problem Solve! Pero hindi mo siya mapapa-inlove ng madalian, Alalahanin mo sa Sabado na yung Birthday ng Lolo mo."
Tinapik-tapik ni Harry ang balikat ni Kenly.
"I-Cancel ko na lang kaya?"
"Baliw! Magagalit 'yun!"
"Okay sige sige!"
*****
Kakagaling lang ni Eliza sa pinagtatrabahuhan niyang Coffee Shop. Nagtatrabaho siya 'don para makapag-ipon.
Wala na kasi ang Mommy niya at ang Daddy niya na lang ang nag-aalaga sa kaniya.
Only Child lang siya at wala pang mga pinsan. Nakatapos siya ng pag-aaral at kurso. Pero ginamit niya rin iyon sa operation ng Mommy niya.
Gusto niya sanang tubusin ang lupang ibinenta ng Daddy niya para lang sa pagpapagamot ng Mommy niya kaya siya nagtatrabaho.
"Liza!"
Sigaw ni Kirsten kay Eliza. Bestfriend niya si Kirsten na kapatid ni Kenly.
"Oh?"
"Concert?"
"Ikaw na lang, magtatrabaho pa ako eh."
Nagsinungaling siya. Wala naman talaga siyang trabaho sa ngayon at kakatapos niya lang.
"Bilis na! Last na kaya 'yon ng LizQuen! May bago kasi silang teleserye, 'yung Bagani!"
"Ikaw na lang."
"Bilis na! Mamaya pa namang 4 PM 'yun eh. Mag-Shoshopping muna tayo."
"Okay! Okay!"
*****
"Tatawagan ko na si Daddy Lo."
"Oh bakit?"
"Sasabihin ko na hindi makakapunta 'yong Girlfriend ko para wala na tayong problema."
BINABASA MO ANG
Fake Lovers (PUBLISHED)
RomanceA Hope & Quen Fan Fiction! Enjoy The Story Hope & Quen Fan