Chapter 30-Kidnapped

340 8 0
                                    



*****

"Boss, eh ano po bang maipaglilingkod namin sa inyo?"

Ang sabi ni Clark, isa sa mga tauhan ni Ford. Nasa Planta sila ngayon at doon ang SECRET HIDE OUT PLACE

"Mhh...Gusto kong paamuhin niyo si Eliza sa akin."

"Pero Boss, mawalang galang lang, Eh diba ang sabi ni Ma'am Eliza sa inyo na mamahalin ka daw niya kapag nagbago ka na?"

Napaisip si Ford.

"Bakit ba ayaw mo sa akin? Gwapo naman ako ah! Mayaman! Matalino!"

"Yeah! Gwapo ka nga, matalino, mayaman pero mabait ka ba? Hindi. Hindi mo ngang magawang hantayin ako eh. You're such a jerk!"

Lumingon si Ford kay Clark.

"Sabagay...Tama ka."

Huminga naman ng malalim si Ford.

"Gusto kong kidnappin niyo siya. Pagkatapos no'n ako, mismo kunwari ang magliligtas sa kaniya. Para utang niya ang buhay niya sa akin. Maliwanag?"

"Yes Boss."

*****

"Bespren, Ilang weeks na ba 'yan tiyan mo?"

"Mhh? 3 Weeks na. Bakit?"

"Wala lang."

Nasa food Station sila Kirsten at Eliza. Kumakain sila. Ngayon na lang kasi sila nagkita dahil napakahigpit ni Kenly ng mga nakaraang araw.

"Oh Teka lang, pinayagan ka ba talaga ng Kuya mo para magMall? Baka magalit sa'yo 'yon. Masaklap na kapag nalaman niyang kasama mo pa ako."

Sabi ni Eliza. Si Kirsten naman ay kumakain lang ng Burger.

"Mhh? Syempre, pinayagan ako. Sinabi ko na lang na kasama ko si Hazel."

"Baka naman makita niya si Hazel at tanungin niya."

"Huwag kang mag-alala, sinabi ko kay Hazel kapag nakita siya ni Kuya, sasabihin niya lang na....'Ah...Magmamall po kami ni Kirsten, nalate lang siguro po ako.' Ayon!"

"Ah..."

Kumagat si Eliza ng Burger, halos mangalahati na ang Burger sa laki ng kagat niya.

"Nashan bsha Khusya Msho?"

Hindi masiyadong maintindihan ang sinabi ni Eliza.

"Huwag ka ngang magsalita habang puno ang bunganga mo."

"Huwag ka ngang magsalita habang puno ng pagkain 'yang bibig mo."

Hindi niya alam kung bakit biglang narinig niya yung mga sinabi sa kaniya ni Kenly noong kumakain sila ng umagahan.

"Oh bakit bigla kang natulala?"

"H-ha? Amh...Wala lang. Parang ayo'ko nang kumain."

"Tara na. Baka makita tayo ni Kuya dito."

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon