Chapter 26-Pregnancy Test

353 7 0
                                    



*****

Pumunta si Kenly sa bahay nila Harry. Alas dose na ng madaling araw.

Umakyat si Kenly sa puno at binato ang bintana ng kwarto ni Harry.

"Harry!"

"Harry!"

"Harry!"

Nagising si Harry sa pagbabato ng bintana niya. Tumingin siya sa alarm at madaling araw pa lang.

"Sino ba 'tong nang-iistorbo! Bwisit naman oh!"

Pagbukas niya ng pinto, agad siyang natamaan ng bato.

"Awghhss!"

"Ay Sorry!"

Kumuha siya ng flashlight. Nakita niya si Kenly na nakaakyat sa puno.

"Ke-Kenly? Anong ginagawa mo dito?"

*****

ELIZA'S POV

Kanina pa ako naghahantay kay Kirsten. Alas dose na ng madaling araw at naistorbo ko pa siya.

May kumatok na sa pinto. Si Kirsten na 'yan.

"Kirsten..."

Niyakap ko si Kirsten. Namiss ko siya eh. Hehehe. Pumasok kami sa loob.

"Ano bang nangyari? Bakit nag-away kayo ni Kuya?"

"Mamaya na natin 'yan pag-usapan. Ang importante kung buntis ba ako o hindi."

Binigay niya sa akin ang pregnancy Test.

"Sure ka na ba diyan?"

Tumango ako at nagtungo sa banyo.

*****

KENLY'S POV

"Nag-away kayo ni Eliza?"

Tanong ni Harry sa akin. Oo! Niloko niya ako. Dapat pala hindi ko na lang siya pinatawad.

Tumango lang ako. Nandito kami sa bahay nila. Anong oras pa lang. Tsk! Dapat hindi ako yung nandito eh.

"Eh...Kaya namatay ba si Daddy Lo dahil sa kaniya at do'n sa Ford na 'yon?"

"Oo. Kung hindi niya pa sinabi na mahal niya pa pala si Ford edi sana hindi pa nadamay si Daddy Lo."

"Pero Bro...Naisip mo ba na gagawin 'yon ni Eliza?"

Napatahimik ako. Hindi ko alam. Wala naman akong alam sa nakaraan nila ni Ford.

"Naalala mo ba yung araw na nag-away kayo?"

Naisip ko 'yun. Yung araw na niloko niya ako.

"Bro...Kinuwento niya sa amin ang lahat. Sa amin ni Kirsten nung nagwalk out este nagdrive out ka. Alam niya rin yung tungkol kay Sab."

Hah? Alam niya yung tungkol sa amin?

"Alam niya?"

"Oo Bro. Kaya nga tinulungan ka niya nung ipapakilala mo si Sab na girlfriend mo? Pinagplanuhan namin 'yun. Naalala mo yung Birthday ni Daddy Lo?"

Mhh...Naalala ko. Yung pinilit niya na siya ang Girlfriend ko.

Tumango lang ako.

"Bro...Gusto niyang maging totoo 'yon. Yung pagpapanggap niyo? Yung paghoholding hands niyo? 'Yun 'yon. Hindi niya ginaganap 'yon sa pagpapapanggap kun'di, tinotoo niya 'yon Bro."

Wait lang....Nakakahalata na ako eh. Pinagtatanggol niya ba si Eliza?

"Bro? Sino ba kampi mo sa amin? Mas mukhang pinagtatanggol mo pa yung babaeng 'yon! Bestfriend ba talaga kita?"

"Bro...Bestfriend kita pero may mas point ako sa'yo."

"Ewan ko sa'yo!"

Nakakainis! Bakit kailangan niyang ipagtanggol si Eliza?!

Tumayo ako at kinuha lahat ng gamit ko. Lumusot ako sa bintana at tumalon.

Hindi ko na siya papansinin. Pupuntahan ko si Sab. Siya ang kailangan ko ngayon. Aalamin ko ang lahat.

*****

ELIZA'S POV

Matapos kong iano yung PT, hindi ko masiyadong makita. Isang line lang. Ibig sabihin hindi ako buntis. Pero yung isa...OH MY GHAD! Blur lang yung isa.

Lumabas ako ng banyo. Nakita kong nakatayo si Kirsten sa harap ko.

"Oh ano?"

Pinakita ko sa kaniya yung PT.

"It says, I'm pregnant."

"Oh. My. Ghad. Kyahhhhhhhh!"

"Tumahimik ka nga!"

"Hindi mo alam? May nangyari ba sa inyo ni Kuya?"

"Amh...Yes?"

"Kyaahhh! Tita na ako!"

"Sshh! Huwag kang maingay. Hindi dapat malaman ni Kenly na buntis ako."

"At bakit?"

"Kasi...Nag-away kami."

"Eh Shunga ka ba? Ayan din ang magiging dahilan para magbati kayo."

"Sana nga eh."

"Anong sana?"

"Alam na niya kung sino at ano ang pumutay kay...Daddy Lo."

"WHAT?!"

*****

Umiiyak ako habang kinukwento ko sa kaniya yung mga nangyari kanina.

"G-galit ka ba s-sa akin?"

"Shh...Bakit naman ako magagalit? Eliza, hindi mo kasalanan. Aksidente ang lahat. Kung talagang papatayin niya si Kuya, eh bakit kay Daddy Lo diba? Saksi kami nila Harry sa mga nangyari."

"Salamat Bespren."

"Basta Ikaw."

*****

To Be Continued....

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon